***"Ha?! Bakit? Hindi puwede ang nais mo, Sir.""At bakit hindi? Alam kong matagal mo nang ninanais na pabagsakin ang De Luna na iyon. Kaya't pagkakataon mo na ito.""Kahit na, Sir. Ang nais kong mawala sa mundo ay si De Luna hindi ang asawa niyang buntis." "Tsk! Tsk! Humina na nga talaga ang utak mo. Ano ang pagkakaiba nilang mag-asawa? Ayaw mo ba iyon, isang bala sa apat na tao."Nakangisi siyang nagpalakad-lakad habang hawak-hawak ang sentido. Dahil matagal na niyang inaasam-asam na makaganti sa mortal niyang kaaway sa anumang paraan. At pagkakataon na rin ang umayon. Wala nang mas sasakit pa sa gagawin niya. Maaring mawala ang isa niyang tauhan sa ngunit kaya niya itong isakripisyo para sa pagganti.SAMANTALANG sa pahayag ng Boss ay natahimik siya. Aminado siyang gusto rin niyang makaganti sa matagal na niyang kaaway na si Duncan. Dahil simula't sapol ay ito na ang tinik sa lalamunan niya kaya't nais niya itong iligpit upang mawala na ng tuluyan. Subalit sa kaisipang ang asawa n
"Kumusta na raw si bunso, Mama?""Iyan ang tanong na hindi ko masagot, anak. Dahil hindi ko pa siya nakausap ng maayos.""Si bayaw, hindi mo po natawagan?"Sa muling pagtanong ng panganay na anak ay hindi agad nakasagot si Aling Merced. Dahil sa katunayan ay parehas lamang na wala siyang nakausap sa dalawa. Kaso sa pananahimik niya ay si Glaiza naman ang nagsalita."May problema po ba, Mama? Natahimik ka na po," anito.Kaya naman ay hinarap niya ito."Sa katunayan ay matagal-tagal ko na ring hindi nakausap ang hipag mo, anak. Kahit ang asawa niya ay ganoon din. Simula nakauwi tayo rito sa Leyte noong araw sana ng kasal nila ay minsan ko pa lang sila nakausap," pahayag niya."Iyan nga po ang rason kung bakit ko sila kinukumusta. Ilang araw na lamang din ay kasal na namin ni Glaiza ngunit mukhang walang makadalo kahit isa sa kanila," muli ay wika ni Jun-jun."Kung hindi man sila makadalo ay unawain na lamang natin, anak. Hindi rin biro ang pinagdaanan nilang mag-asawa kaya't huwag na na
"Boss! Boss!" malakas na tawag ng isang tauhan ni Duncan.Sa lakas ng boses nito nabulabog siya sa malalim na pag-iisip kung paano simulang kausapin ang asawa niya. Dahil tumagos sa kaniyang kaloob-looban ang mga binitiwang salita ng kapatid. Totoo naman kasi ang lahat. Bukod sa isinara niya ang isipan ay naging mataas pa ang pride. Kung hindi siya sinapak at kinurot-kurot ng malditang may sungay ay hindi pa siya nagising sa kagaguhan. Ngunit kung kailan naman siya natauhan ay saka siya binulabog ng tauhan."What's the matter with you? Are you planning to turn the building upside down, Millare?!" inis niyang tanong."Saka mo na lang ako pagalitan, Boss. I will take all the responsibility of my talkativeness but it will be later. Sa ngayon ay kailangan nating maghanda," tugon nito na halatang pilit kinakalma ang pakiramdam."Maghanda? Aba'y para saan ang hahandaan natin? May party? May operasyon?" aniyang muli.Kaso hindi pa ito nakasagot ay ang isa pa niyang tauhan ang biglang sumulpo
"Gusto sana kitang paliparin na walang pakpak, brother. Ngunit saka na lamang dahil wala ring mangyayari kung gagawin ko iyan ngayon. Go and gather your men again and prepare for search and rescue operations," pahayag ni Crystal Angela."Ikaw talaga, wifey loves. Naghihinagpis na nga si bayaw eh. Maari bang huwag mo nang dagdagan?" nakangiwing ani Hendrix dahil ang asawa niya ay wala na yatang pinapatawad."Tsk! Tsk! Kasalanan naman niya. Kung hindi ko pa siya sinapak ng dalawang beses at kinurot ay wala pa yatang balak magising sa pagkabaliw niya. At ngayon ay may paiyak-iyak pa siyang nalalaman. Ah, talagang kumukulo ang dugo ko katarantaduhan niya!" singhal nito sa kaniya.Kaya naman ang kanilang ama na kapwa nila nababahala ay biglang sumabad. Hindi lamang iyon, napatawa pa ito dahil na rin sa malditang may sungay na hindi pinatawad ang kapatid."Hindi na ako magtataka kung kagaya mo na namang may tupak ang butiki sa tiyan mo. Aba'y pasalamat ka na nga lang dahil mabait ang asawa
***"Ano'ng sinabi mo, Sir? Walang kayong naging pasahero na Isadora De Luna? How come? How it did happened?""Iyan po ang totoo, Mr De Luna. Kung nagdududa ka po ay maaari kang pumarito sa mismong estasyon at ipakita ko ang record ng mga pasahero kahapon o ang sakay nang lumubog na ferry boat sa kalagitnaan ng biyahe.""Pero paano nangyari iyon, Sir? Sigurado akong diyan sa estasyon ninyo siya sumakay. Dahil tumawag pa siya sa akin nang papunta na siya riyan."Hindi tuloy niya alam kung ano ang una niyang iisipin at gagawin sa oras na iyon. Sumabog na parang bomba ang balitang lumubog ang sinakyang pampasaherong ferry boat ng manugang niyang si Isadora. At ngayon naman ay iba ang sinasabi ng manager sa naturang estasyon. Hindi pa nga nagkakaayos ang mag-asawa ay isa na namang bagyo ang sumubok sa katatagan nila."Mr De Luna, nandiyan ka pa ba?" dinig niyang wika ng nasa kabilang linya."Yes, Sir. I'm still here." Tumango-tango siya na animo'y nakikita ang kausap."Okay, Sir De Luna.
***"Ang haba rin ng buhay nito. Huwag n'yong hayaang makapasok sa Port! Siya ang gagamitin kong hostage laban kay De Luna!""Masusunod, Boss.""Very good! Madali lang ang dapat n'yong gawin. Peak season ngayon kaya't maraming tao. Tutukan n'yo ng baril saka n'yo pasimpleng ilayo sa karamihan. Alam n'yo na ang kasunod.""Yes, Boss. Kami na ang bahala sa babaeng iyan. Malas lang niya at siya pa ang naging asawa ni Dr Luna.""Kayong tatlo, siguraduhin ninyong magwagi kayo ngayon. Huwag n'yong tularan ang lintik na taong iyon. Kung hindi pa tayo kumilos noong kasal sana nila ay baka hinayaan nitong natuloy ang church wedding. Hindi ako nagbibiro, pare-parehas kayo ng parusa kapag may lumalabag sa code natin. Let's meet each other in our hide out after you abduct her. Nauunawaan n'yo ba?" Sa pahayag at tanong na iyon ng Boss ay nagmistulang nasa training ground ang mga tauhan. Sabayan silang sumagot ng 'Yes Boss'. Wala namang may gustong mamatay dahil sa simpleng pagkakamali. Kaya't sina
"Makinig kang mabuti, De Luna! Hawak ko ang asawa mo kaya't kung ako sa iyo ay kalimutan mo ang iyong honorific pride!""Hayop ka, Vicente! Wala ka na talagang magawang matino sa buhay mo!""Sabihin mo na lahat ang gusto mo, De Luna. Dahil wala akong pakialam. At kung gusto mong makita pang muli ang asawa mo ay nasa iyo na iyan."Sa pag-uusap ng dalawang lalaki sa telepono ay dinig na dinig iyon ni Isadora. Dahil sinadya yata ng hayop na pinuntahan siya sa storage kung saan siya ikinulong pansamantala. Saka pa nito tinawagan ang asawa niya at nagdemand. Kailangan niyang balaan ang asawa dahil kung kakagat ito sa nais ng abductor niya ay mamatay lamang ito. Kaya't bago pa niya napigilan ang sarili ay sumigaw na siya lalo at dinig na dinig niya ang usapan ng mga ito."Asawa ko! Huwag kayong maniwala sa sinasabi ng taong iya dahil pinapakagat ka lamang upang mapatay ka! Narinig ko ang usapan nilang ako ang gawing pain upang maitumba ka. Huwag mo akong alalahanin, asawa ko. Please---"'Pl
"Ano'ng plano mo, bunso? Aba'y may mga edad na tayo kaya't huwag mong sabihing solohin mo na naman ang problem mo," ani Janelle sa bunsong kapatid."Hindi naman sa sa ganoon, Ate. Kumikilos na ang mga tauhan ng 4C. Both Manila, Baguio, at ilang galing sa Isabela," sansala ni Clyde."Iyan na nga, bunso. Tanging galing sa ahensiyang itinatag mo ang kumikilos. What if magsabi ka sa amin? Aba'y kahit ilang taon na akong wala sa serbisyo ngunit may kontak naman ako sa taga-Camp Villaflores sa Manila. Ganoon din dito sa Baguio, may Camp Villamor naman ah," pahayag naman ni Pierce Wesley sa bayaw."Sa ngayon ay wala pa akong masabi, Ate, Kuya. Dahil kilala n'yo rin naman ang pamangkin ninyo. Hindi iyon nagsasabi hanggat kaya niya. At isa pa ay nandoon sina Hendrix at Adolfo. May kaniya-kaniya silang bitbit na tauhan. Kaya't magtiwala muna tayo sa kanila," muli ay pahayag ni Clyde.SA tinurang iyon ng bunsong kapatid ay muling nagsalita si Janelle. Alam niyang kahit ano pa ang sabihin nilang