Share

CHAPTER TWENTY-THREE

"KUMUSTA ka na anak? Diyos ko, saan ka ba galing at ganyan ang hitsura mo?" may luha sa matang tanong ni Aling Merced sa panganay na anak.

"Mahabang kuwento, Mama, pero maari po ba kaming makipanuluyan ni Miss Alcovar? Alam ko pong napakarami na kasalanan sa iyo at sa buong pamilya natin. Ngunit maari po bang babalik ako sa piling mo kahit pansamantala?" lakas-loob na pahayag ni Jun-Jun.

"Anak, kahit kailanman ay hindi nagbago ang Mama sa iyo. Ikaw pa rin ang panganay kong anak. Kung ano man ang mga nagawa mong pagkakamali sa mga nakaraang taon ay kalimutan mo na. Ang pagbabalik mo sa piling namin ng mga pamangkin mo ay sapat na upang tanggapin kitang muli," sagot ni Aling Merced kasabay nang pag-agos ng luha sa pisngi.

Sa narinig ay biglang lumuhod si Jun-Jun. Sa dinami-dami ng kasalanan niya sa kanyang ina pero heto siya muling tinanggap ng walang pag-aalinlangan.

"Huwag, anak. Huwag mo akong luhuran dahil hindi ako ang Diyos na dapat mong luhuran. Saka okay na ang lahat anak. Wala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status