"Maraming-maraming salamat, Hijo, dahil hindi mo kami binigo ng asawa ko. What a coincidence, ikaw pala ang kapatid ng taong walang pag-aalinlangang tumulong sa amin ng gabing iyon." Walang katapusang pasasalamat ni Don Ernesto kay Jun-Jun ng nasa bahay na sila ng mga Villamor."Kahit naging bahagi ako ng grupong iyon ng ilang sandali may paninindigan po ako, Sir. Dahil hindi kaya ng konsensiya ko ang pumatay ng tao. At bilang kabayaran sa mga nagawa kong pagkakamali ay inalagaan ko po siya." "Tito ang itawag mo sa akin, Hijo. Dahil ang kapatid at bayaw mo ay ganoon ang tawag sa amin. Kumusta ka na rito?" "Sige po, Tito. Ano po ang plano n'yo ngayon ni Tita?"Subalit hindi na sumagot ang Ginoo bagkus ay tumingin sa gawi ng mag-asawang Isadora at Duncan."Plano natin, bayaw. Dahil tayo ang kikilos kasama ang mga tauhan ko. Huwag kang mag-alala dahil may tutulong sa atin upang isagawa ang pagkasakute ng grupo ni Uno," saad ni Duncan.Kaya naman napatingin ang binata rito. Sa tono pa l
"Parang kailan lang, anak. Halata na rin ang tiyan mo," ani Aling Merced."Opo, Mama. Patunay lamang na malapit ring mag-isang taon simula nang namayapa sila." Nakangiting pagsang-ayon ng buntis na si Isadora."Hmmm, mukhang excited ka na sa susunod na kasal, Mama. Narinig ko lamang ang usapan nina Tito at Papa. Mas mauna raw kayong ikakasal sa simbahan kaysa kina Tito at Tita," sabat ng dalagitang si Rowan kasabay nang paglapag sa tray.Sa tinuran ng pamangkin ay napangiti siya. Masaya na siya sa kasalukuyang status nilang mag-asawa. Kasal naman sila kahit civil ngunit sa kaalamang excited din ang asawa niya sa church wedding ay hindi niya naiwasang napangiti. Kinikilig siya sa kaisipang ilang buwan na lamang ay church wedding na nila."Sa ngiting nakabalatay sa mukha mo, Sis, ay kinikilig ka. Iba rin ba ang kilig ng may asawa sa kagaya kong umiibig?" hindi na rin napigilang tanong ni Glaiza at huli na upang bawiin ang sinabi."Para sa akin ay parehas lang, Sis. Pero depende rin iyan
"WELCOME home mga anak. Aba'y mukhang mag-unahan pa kayo ni Isadora na magdagdag sa mga pamangkin ninyo kay bunso ah. Pasok kayong mag-asawa." Masayang salubong ni Clyde sa mga bagong dating."The more the merrier, Daddy. Kaso sina kambal at hipag ang araw-araw mong nakakasama rito," tugon ng isa pang buntis na si Claudette matapos nakapagbigay-galang."Tama po ang asawa ko, Daddy. Kung hindi ako nagkakamali ay anim na buwan na rin ang tiyan ni Isadora at tatlo naman sa asawa ko," saad ni Adolfo.Ngunit hindi agad sumagot si Clyde dahil iginaya niya sa loob ng kabahayan ang mga bagong dating. Tama naman ang mag-asawa, tatlong buwan na lamang ay isisilang na ng manugang niya ang kambal. Samantalang ang anak niya ay anim na buwan pa."Oh, siya nga pala, Daddy. Aba'y mukhang nagsilayas na naman ang lahat ah. Aba'h makarating ito kay bunso baka lalabas na naman ang sungay niya," ilang sandali pa ay wika ni Claudette."Hindi iyang mangyayari, anak. Mukhang hindi nasabi ni Adolfo ang kasalu
"Bilisan ninyo sibat na! Sabihan ninyo ang mga nasa labas!" sigaw ni Uno. Ngunit halos hindi pa natatapos ang sinasabi ay nahila na siya ni Anton, iyon pala ay kamuntikan na siyang matamaan ng bala.Nakipagpalitan sila ng putok! Pero dahil napalibutan sila ng mga tauhan ng kalaban o ni Duncan ay unti-unti na silang nauubos."Sabihan mo sina Paeng at Beo tara na sa sasakyan. Bilisan ninyo!" "Masusunod, bossing. Pero halika na sabay na tayong lumabas."Pero nasalubong naman nila ang mga kalaban. Kaya't agad din silang nagkubli."Napapalibutan na kayong lahat. Kaya't mas mabuti pang sumuko na kayo!" sigaw ng isang tauhan ni Duncan."Mga hangal! Sigurado akong tauhan kayo ni Alcovar kaya't hinding-hindi n'yo kami mapapasuko!" ganting sigaw ni Uno na nakamuwestra ang palad kay Anton na sabay silang aatake."Kayong dalawa na lang ang naiwan! Kaya't huwag na kayong magtangkang lumaban!" wika pa ng isa.Pero para sa mga tulad nila Anton at Uno ay hindi sila nakikig sa sinabi ng mga kalaban b
***"What? Are you out of your mind, bayaw?" maang na tanong ng binata nang ipinaliwanag nito ang nakakalokong plano.Kaso hindi pa ito nakasagot ay ang Ginoo naman ang sumalo sa pagkasutil nito."Anak naman, hindi iyan pagka-out of his mind kundi brilliant ideas para mapadali ang kasal n'yo ng anak ko," nakangiti nitong panunulsol.Sa narinig ay namilog ang mata ng binata. Di yata't kahit sa kalokohan ay magkaparehas ang mga ito. Kahit ang ama ng babaeng pinakamamahal ay kalog at sumang-ayon sa panunukso ng bayaw."Tama naman, Tito. Eh ano pa ba ang problema niya samantalang nasa impeyerno na lahat ang mga nakaaway niya. Love life naman ang kasunod 'di po ba, Tito?" multi ay nakatawang wika ni Duncan."Tama pa sa correct, Hijo. Ako na ang nagsasabing bakit pa nila patatagalin eh halata namang nagmamahalan sila. Dahil hindi naman siguro ninakaw ni Glaiza ang first kiss niya kung hindi siya nito mahal." Pangangantiyaw pa nito.Kaya naman napakamot sa ulo ang binata. Hindi niya inaasaha
Couple of months later,But life is not easy. It will not go as we always wished. No matter how hard we will push through if it's not mean to be, it will be futile at the end.Kagaya nina Isadora at Duncan. Ang kasal sa simbahan na pinakahihintay nila ay nauwi sa hospital. Dahil sa araw mismo ng kasal sa simbahan ay nangyari ang isang malagim na aksidente. SA simbahan, nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga taong dumalo sa seremonyas. Kabado na ang bawat isa lalong-lalo na ang pamilya ng magkabilang panig."Kambal, ano'ng nangyayari? Aba'y ilang minuto na lamang ay magsimula na ang seremonya ngunit wala pa rin ang bridal car." Lumapit si Claudette sa kambal na nasa ibabang bahagi ng altar."H-hindi ko alam, kambal. Dapat nga ay nandito na iyon. I have this strange feeling right now," hindi mapakaling tugon ng groom na si Duncan."Be positive, Bro. Huwag kang panghinaan ng loob. Baka natrapik lang sila." Pampalubag-loob pa ni Adolfo sa bayaw kahit nakaalalay siya sa asawang buntis.
"It's been a while, anak. Ano ba ang plano mo?" tanong ni Clyde sa nag-iisang anak na lalaki.Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula naudlot ang church wedding sana ng mga ito. Hindi lamang iyon, nawala rin ang kambal sa sinapupunan ng manugang. Ngunit ang masaklap ay nagbago rin ang anak niya. Ang masaya at sutil na si Duncan ay naging tahimik na. Hindi na ito halos makausap ng maayos. Subalit ang masaklap ay nakalimutan na yata nito ang obligasyon sa asawang under recovery."Plano? Magpatuloy sa buhay, Daddy. Nawala na ang kambal ngunit buhay na buhay ako, ang taong-bayan. Libo-libong tao ang nakasalalay sa 4C," kibit-balikat nitong tugon."Alam ko iyan, anak. Ang ibig kong sabihin ay sa buhay ninyong mag-asawa. Halos dalawang buwan na ang nakalipas ngunit hindi mo pa yata dinalaw ang asawa mo sa inyong silid. Siya ang gumawa sa dapat ay ikaw sana. Anak, nauunawaan kita sa lahat ng bagay lalong-lalo na ang pagkawala ng kambal. Dahil kayo ng kambal mo ang saksi sa pinagdaanan na
***"Ha?! Bakit? Hindi puwede ang nais mo, Sir.""At bakit hindi? Alam kong matagal mo nang ninanais na pabagsakin ang De Luna na iyon. Kaya't pagkakataon mo na ito.""Kahit na, Sir. Ang nais kong mawala sa mundo ay si De Luna hindi ang asawa niyang buntis." "Tsk! Tsk! Humina na nga talaga ang utak mo. Ano ang pagkakaiba nilang mag-asawa? Ayaw mo ba iyon, isang bala sa apat na tao."Nakangisi siyang nagpalakad-lakad habang hawak-hawak ang sentido. Dahil matagal na niyang inaasam-asam na makaganti sa mortal niyang kaaway sa anumang paraan. At pagkakataon na rin ang umayon. Wala nang mas sasakit pa sa gagawin niya. Maaring mawala ang isa niyang tauhan sa ngunit kaya niya itong isakripisyo para sa pagganti.SAMANTALANG sa pahayag ng Boss ay natahimik siya. Aminado siyang gusto rin niyang makaganti sa matagal na niyang kaaway na si Duncan. Dahil simula't sapol ay ito na ang tinik sa lalamunan niya kaya't nais niya itong iligpit upang mawala na ng tuluyan. Subalit sa kaisipang ang asawa n