Share

CHAPTER THIRTY

"Parang kailan lang, anak. Halata na rin ang tiyan mo," ani Aling Merced.

"Opo, Mama. Patunay lamang na malapit ring mag-isang taon simula nang namayapa sila." Nakangiting pagsang-ayon ng buntis na si Isadora.

"Hmmm, mukhang excited ka na sa susunod na kasal, Mama. Narinig ko lamang ang usapan nina Tito at Papa. Mas mauna raw kayong ikakasal sa simbahan kaysa kina Tito at Tita," sabat ng dalagitang si Rowan kasabay nang paglapag sa tray.

Sa tinuran ng pamangkin ay napangiti siya. Masaya na siya sa kasalukuyang status nilang mag-asawa. Kasal naman sila kahit civil ngunit sa kaalamang excited din ang asawa niya sa church wedding ay hindi niya naiwasang napangiti. Kinikilig siya sa kaisipang ilang buwan na lamang ay church wedding na nila.

"Sa ngiting nakabalatay sa mukha mo, Sis, ay kinikilig ka. Iba rin ba ang kilig ng may asawa sa kagaya kong umiibig?" hindi na rin napigilang tanong ni Glaiza at huli na upang bawiin ang sinabi.

"Para sa akin ay parehas lang, Sis. Pero depende rin iyan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status