Spell doomed, iyon, iyon ang sitwasyon niya sa mga oras na ‘yon. Napasarap ang tulog niya kaya hindi niya narinig ang alarm ng cell phone. May twenty minutes pa siya para tumakbo papasok sa opisina. Kung hindi siya ginising ni Erhart ay baka Sleeping Beauty pa rin ang peg niya.
Well, kasalanan din naman ng binata kung bakit napasarap—este, kung bakit binangungot siya. Simula nang mag-dinner sila ay hindi na siya nito nilubayan. Ipinipilit nito na maging magkaibigan sila kaya maging sa panaginip niya ay nandoon ito.“Nakakainis!” Napapadyak siya sa tindi ng iritasyon. “Malas! Malas!”“Mamalasin ka talaga kapag hindi pa tayo umalis. Gusto mo bang ma-late?”Napatda siya nang makita ang kinaiinisang lalaki. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan at mukhang hinihintay siya. “Aalis na po kaya umalis ka riyan!” bulyaw niya rito at tumalima naman ito. Pinatay niya ang ilaw bago ini-lock ang pinto. “Bakit nandito ka pa?”
“Ako na ang magdadala ng bag mo,” sa halip ay sagot nito.
Inagaw nito ang bag niya at binuksan ‘yon. “Hoy, anong ginagawa mo?” Inilagay nito ang dalang tumbler sa loob ng kaniyang bag bago ‘yon isinara. “Hoy, bag ko ‘yan!”
“Hindi ko naman inaagaw sa ‘yo, nakikilagay lang,” malumanay nitong wika. “Let’s go.” Walang sabi-sabing hinawakan nito ang kaniyang kamay at nagsimulang tumakbo.
Nanulay sa kaniyang katawan ang kakaibang kilabot nang maghugpong ang kanilang mga kamay. Sumikdo ang kaniyang puso na tila gusto nitong kumawala sa kaniyang rib cage. Gusto niyang bawiin ang kamay mula rito subalit mahigpit ang pagkakahawak nito. Pansamantala siyang nagpatangay, hindi sa kakaibang nararamdaman, kundi sa pagtakbo nito. Ayaw niyang ma-late sa trabaho kaya tumakbo na rin siya at hindi na nagreklamo pa.
Tumigil lang siya sa pagtakbo nang biglang tatawid sa kalsada si Erhart. Hinatak niya ito pabalik. “Baliw ka ba? Bakit ka tatawid sa kalsada na walang pedestrian lane? Anong silbi ng footbridge?” For Pete’s sake, ang kalsadang ‘yon ay nasa kahabaan ng EDSA.
“Male-late na tayo. Mahirap tumakbo sa footbridge.”
“Kaya okay lang na mag-jaywalk tayo? Paano kung mahuli tayo ng pulis? Or worse, paano kung masagasaan tayo?”
“Walang masyadong sasakyan sa ganitong oras. Isa pa, kasama mo ako. Hindi kita pababayaan.” Umarko ang kaniyang kilay. Ayaw niyang magtiwala rito. “Look, kung hindi pa tayo tatawid, baka tuluyan na tayong ma-late.”
Hindi siya umimik at nanatili lamang sa kinatatayuan. Nagtatalo ang isip at puso niya sa kung anong dapat na gawin. Ayaw niyang sumuway sa traffic rules, pero ayaw niya ring ma-late sa trabaho.
“Sarah,” anas nito at ginagap ang kaniyang palad. “Alam kong hindi ka komportable sa gagawin natin pero magtiwala ka sa akin. Ako ang bahala sa ‘yo.”
Bago pa siya makapagpasya ay hinila na siya nito. Wala na siyang nagawa kundi ang magpatangay rito. Bahala na kung anong mangyari! Sa awa ng Diyos, ligtas silang nakarating sa opisina. Iyon nga lang, tumatagaktak ang kaniyang pawis kasabay ng pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Kailangan niya ng oxygen!
“Okay ka lang?” tanong nito paglagpas nila sa security guard.
“Mukha ba akong okay?” balik-tanong niya at pinanlisikan ito ng mata. “Lagot ka sa akin kapag na-late pa rin ako sa kabila ng pinagdaanan natin.”
“Okay,” balewalang tugon nito sabay hila sa kaniya papasok sa elevator. “Pero kapag hindi ka na-late, sisingilin kita sa ginawa kong pagtulong sa ‘yo,” banta nito.
“What?” Nag-isang linya ang kaniyang kilay. “Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako.”
“Seryoso ako,” anito sa malamig na tinig. Deretso itong nakatingin sa kaniyang mga mata pero agad siyang nagbaba ng tingin. Napansin niyang kumilos ang isa nitong kamay upang pindutin ang close door button. “Humanda ka sa akin.”
Napalunok siya habang nakatitig sa papasarang pinto ng elevator. Kumabog nang malakas ang puso niya nang mapagtantong silang dalawa lang ang nandoon. “Wait!” Nahagip ng kaniyang paningin na may babaeng humahangos. Hindi pa tuluyang nagsara ang elevator kaya awtomatikong pinindot niya ang open door button pero maagap ang kamay nito at napigilan siya. “Ano ba?”
Ni-long press nito ang close button kaya tuluyan na ‘yong sumara. “Ayokong ma-late.”
Paulit-ulit nitong pinindot ang close door button sa tuwing tumitigil ang elevator sa ibang floor. Ayaw nitong may ibang sumakay. Nasisiraan na yata ito ng bait. Dahil sa inis, hindi niya ito kinibo at hindi tinapunan ng tingin hanggang sa makarating sila sa 18th floor.
Binawi niya rito ang bag at walang lingon-lingon na tinalikuran ito. Lumapit siya sa guard at nakiusap na iiwan niya muna sandali ang kaniyang bag dahil male-late na siya. Babalikan na lang niya ‘yon pagkatapos niyang mag-log in. Mabuti’t pumayag ito.
Naabutan niyang nakatayo si Jessica sa working station niya pagpasok niya sa production floor. Nakakunot ang noo nito at nakapamaywang. “Let’s talk later.” Inunahan na niya ang kaibigan bago pa siya nito ratratin ng tanong.
Naka-on na ang computer niya, tiyak na si Jessica ang may gawa no’n. Mabilis siyang nag-type ng username at password upang makapag-clock in, pero nagdalawang-isip siyang i-click ang ‘Enter’. Napatingin siya sa oras na nasa monitor, may apat na minuto pa bago mag-alas-dose.
Paano kung seryoso si Erhart sa sinabi nito? Ano kaya ang posibleng hilingin ng binata sa kaniya?
“What’s wrong?”
“Nothing.” She let out a harsh breath and clicked ‘Enter’. “It’s alright, Sarah. He won’t harm you.” She consoled herself.
“What are you talking about?”
“Nothing.” Hindi pa rin pala ito umaalis sa tabi niya. Siya na lang ang aalis. Kailangan niyang balikan ang kaniyang bag. “Excuse me, kuya, kukunin ko na po ‘yong bag,” aniya sa guard nang makalabas siya sa production floor. Agad naman nitong inabot sa kaniya ang hinihingi. “Salamat.”
“You’re welcome.” He smiled at her. “TM, pinabibigay po ito ng lalaking kasabay n’yo kanina.”
Inabot nito sa kaniya ang nakaluping papel. Na-curious siya kung ano ang nakasulat doon kaya binuklat niya ang papel at agad ‘yong binasa.
Rule: Bawal magdala ng pagkain sa loob ng production floor. Pero alam kong hindi ka kumain kaya naman ipinaghanda kita ng pagkain na hindi mahahalata kapag nilagay sa tumbler. Ubusin mo ‘yon dahil kung hindi… Hindi na niya itinuloy ang tahimik na pagbabasa.
Tumikwas ang kaniyang kilay sa huling isinulat nito. Pinagbabantaan ba siya nito? At ang lakas naman ng loob nito na sumuway sa rules at ipinagbilan pa talaga nito sa guard ang note.
“Uy, ang sweet naman ni Tisoy,” komento ni Jessica. Hindi niya namalayang sumunod ito sa kaniya. Sinundot-sundot nito ang tagiliran niya, halatang nanunukso. “Gusto ko ‘yong nakasulat sa dulo.”
“Tse!” Nilamukos niya ang papel at iniligay ‘yon sa bulsa ng pantalon. “Paano mo nalaman na sa kaniya galing ang note?”
“Wala namang ibang gagawa noon kundi si tisoy lang.”
“Ewan ko sa ‘yo!” Kinuha niya sa loob ng bag ang tumbler ng binata at ibinigay ‘yon kay Jessica. “Ubusin mo ang laman niyan.” Wala siyang balak na magdala ng pagkain sa loob ng production floor. Bawal ‘yon at ayaw niyang maging bad influence sa team niya. At mas lalong wala siyang balak na magpahalik dito.
Gumuhit ang sakit sa ulo ni Sarah. Dalawa ang absent sa team niya, ‘yong isa nagpaalam na masama ang pakiramdam, at ‘yong isa naman ay No Call, No Show. Basta-basta na lang um-absent nang walang paalam. May naka-schedule siyang team huddle at isang coaching. May na-monitor na call ang isang Quality Analyst o QA na sabaw ang isa niyang agent. Wala sa hulog ang pinagsasabi nito sa call at kailangan niya itong i-coach kung paano ito mag-i-improve.Pinakinggan niya ang call ni Edgar, ang sabaw niyang agent. Naka-full ang volume ng kaniyang headset pero halos wala siyang marinig dahil nangingibabaw ang boses ng mga ahente na nagte-take ng calls. Queuing o mataas ang volume ng calls kaya sobrang ingay sa production floor. Nilibot niya ang tingin sa paligid, halos bumula na ang bibig ng agents sa pagsasalita. Napansin niyang nangangalahit na ang tubig sa tumblers ng agents niya kahit kakaumpisa pa lang ng pasok ng mga ito.Isa-isa niyan
A smile danced on his lips. He felt silly. It’s just a friendly date but his heart… Sinapo niya ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nakabibingi ang ingay. Hindi pa kumabog nang ganoon kalakas ang puso niya dahil sa babae. “You look like an idiot!” Kinuha ni Harry ang tissue mula sa bitbit na supot, nilamukos ‘yon, at ibinato sa kaniya. Sapol siya sa mukha. “Hindi mo man lang napansin na kanina pa ako nakatayo sa pintuan.” Nakaupo siya sa pangatlong baitang ng hagdanan. Bumagsak ang tissue sa kaniyang paanan kaya pinulot niya ‘yon at ibinato pabalik sa lalaki pero nakailag ito. “Masarap ba ‘yang dala mo?” “Lugaw, itlog, at tokwa lang ‘to.” Tinungo nito ang mesa at inilapag doon ang bitbit na supot. “Nag-almusal na ako kaya sa ‘yo na lahat ‘to.” “Salamat.” Tumayo siya at nilapitan ito. “Mamaya na ang date namin ni Sarah,” excited niyang balita rito habang isinasalin ang lugaw sa mangkok.
Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa bumalik si Harry. Naiinip siya at hindi mapakali. Gusto niyang sumilip sa kabilang bahay ngunit pinigilan niya ang sarili. Nagpalakad-lakad siya sa kapiranggot na sala at nang magsawa ay umupo siya sa hagdan. Wala silang upuan, maliban do’n sa dalawang monoblock chair na kasama ng mesa. Iniwan lang ‘yon ng dating nangungupahan do’n dahil malapit na ‘yong masira. Ang iba nilang kagamitan, partikular na sa kusina ay pinahiram lang ni Aling Nena pero kailangan nilang ibalik kapag nakabili na sila. Hinilot niya ang sentido. Napagtanto niyang mahirap bumukod lalo na’t nag-uumpisa pa lamang siya pero kailangan niyang kayanin. Natapos niya ang isang semestre sa kolehiyo na hindi tumanggap ng allowance sa kaniyang ama kaya positibo siyang malalagpasan niya ‘yon. Umpisa pa lang ‘yon sa pagtupad ng sarili niyang pangarap kaya hindi puwedeng basta-basta na lang siyang sumuko. “Tisoy!” Su
Jessica enjoyed the company of Harry. Hindi niya lubos maisip na sa likod ng seryosong awra nito ay nagtatago ang isang pilyong lalaki. Ikinuwento nito sa kaniya ang mga kalokohang ginawa nito noong bata pa ito. Hindi niya alam kung epekto ba ng alak ang kadaldalan nito o gusto siya nitong kausap. Ano pa man ang dahilan, masaya siyang makasama at makausap ito.“Paano kayo nagkakilala ni Tisoy?” tanong niya rito matapos niyang ikuwento kung paano sila nagkakilala ni Sarah.“He’s my brother.”“Hmm?” Tama ba ang kaniyang narinig? “What did you say?” Hindi niya alam kung nakailang bote na siya ng beer kaya posibleng mali ang kaniyang narinig.“I’m his uncle, but his like a brother to me,” he explained. Hindi naman ganoon kalayo ang gawat ng edad namin.”“Uncle?” He nodded. “Kaya pala pareh
“Mahal na prinsesa, gising na!” Ilang beses na niyugyog ni Jessica ang kaniyang balikat subalit ayaw pa niyang imulat ang mga mata. Hinila niya pataas ang kumot upang takpan ang kaniyang mukha. “Gusto mo bang si Tisoy ang gumising sa ‘yo?” Bumalikwas siya ng bangon nang banggitin nito si Erhart. Tinulugan siya nito nang nagdaang gabi at pagkatapos noon ay mag-isa siyang nanood. Pagkatapos… “Huwag kang tumulala riyan!” “Paano ako nakarating dito?” takang tanong niya. Mahimbing ang tulog ng binata habang nakasandal ito sa kaniyang balikat. Nahiya siyang gisingin ito kaya pinabayaan niya na lang itong matulog at pagktapos noon… Nakatulog din ba siya? Nagkibit-balikat ito sabay ngiti. “Ready na ang breakfast. Bumaba ka na.” Tinalikuran siya nito at pakendeng-kendeng na naglakad. Niligpit niya ang pinaghigaan habang pilit na ina-analyse kung paano siyang nakarating sa kama. Hindi kaya… “Hindi ka niya binuhat! Huwag ka
Clueless pa rin si Sarah sa kakaibang ngiti ni Jessica sa tuwing mapapatingin ito sa kaniya. Malapit na siyang mabaliw sa kaiisip kung anong alam nito na hindi niya alam. Tiyak na may kinalaman ‘yon sa kaniya dahil nag-iiba ito ng topic kapag inuungkat niya ang tungkol doon.“TM?” untag ni Tere. “Kanina ka pa tinatanong ni Ate kung anong order mo.”Kasalukuyan silang nasa pantry para mag-lunch. Hindi nakapagluto si Jessica kaya wala siyang baon. “Ay, sorry.” Tiningnan niya ang ulam pero wala siyang nagustuhan. “Mommy, mauna ka nang um-order. Mag-iikot-ikot muna ako. Hahanapin ko na lang ang table n’yo.”“Sige.”Malawak ang pantry sa 6th floor at maraming food stalls, mistula ‘yong food court sa isang malaking mall. Halos nalibot na niya ang buong pantry pero wala siyang nagustuhang pagkain.“Nahihilo na ako sa kabubuntot sa ‘yo,&r
True to his words, Erhart stopped pestering her. Magkasabay pa rin silang pumasok at umuwi sa trabaho, pinapansin pa rin nito ang mga kasamahan niya pero kapag silang dalawa na lang ang magkasama ay wala itong kibo. Nalipat na ang locker nito sa 19th floor kaya nabawasan ang pagpunta nito sa 18th floor. Pabor ‘yon sa kaniya pero may parte sa pagkatao niyang tutol do’n. Hindi niya maunawaan kung bakit. “Sarah, friendly pala ‘yong boyfriend mo?” Pinihit niya pasara ang faucet at saka itinapat sa hand dryer ang basang kamay. Nagkunwari siyang hindi ito narinig. Hindi naman sila close ng current fling ni Viggo kaya wala siyang panahong makipag-plastikan dito. “Balita ko, maraming nagkakagusto sa kaniya,” patuloy nito sa kabila ng pande-deadma niya. “Maliban doon, nakita ko rin na iba-iba ang babaeng kasama niya.” Hindi niya inaasahan na mino-monitor pala nito ang bawat galaw ng hilaw niyang boyfriend. “Stop beating around the bu
Ngali-ngali nang ihagis ni Jessica ang phone pagkatapos niyang makausap ang mga mgaulang. Insulto lang ang natanggap niya sa mga ito imbes na kumustahin siya. Tutol ang mga ito sa propesyong kaniyang tinahak pero wala siyang balak na basta na lang sumuko at sundin ang nais ng mga magulang niya. Hindi siya papayag.Ang pagkainis na nadarama ay ibinuhos na lang niya sa paglilinis ng bahay at dinamay niya pati ang bakuran. Katatapos niya lang magwalis sa labas kaya bumalik na siya sa loob nang matanaw niya si Harry. Bihis na bihis ito. Itatanong niya sana kung saan ito pupunta pero natilihan siya. Baka isipin pa nito na mino-monitor niya ang bawat kilos nito.Napakislot siya nang mag-ring ang cell phone sa kaniyang bulsa. Hindi niya ‘yon sinagot pero makulit ang caller kaya tiningnan niya ang kung sino ‘yon. Kasamahan niya pala sa trabaho ang tumatawag. “Hello, Lily.”“Jess, s