Share

Chapter 48: Night of Sangria Part 1

"TATLONG araw na lang ay gabi ng Sangria na! Kailangan na nating bumili ng maisusuot," nguso ni Kriselle.

"Pagkatapos ng ating klase ngayon ay pumunta na tayo sa Kamiseta!" Hiyaw naman ni Moiselle.

I pouted. "Wala naman akong pera pambili e!"

Ayaw ko naman humingi kay Stalwart dahil malalaman niya na pupunta ako roon. Kay Maestro kaya? Napailing-iling ako, mas nakakahiya.

"Ako na ang bahala sa pambayad, Artemis," singit naman ni Janus sa amin mula sa likod.

I gave him a bored look. "Ano ka ba? Problemahin mo lang ang sa'yo, ako na ang bahala sa aking sarili."

Wala naman siyang nagawa kundi tumango.

"Uuwi na muna ako sa Windorf para humingi ng pera." Palusot ko.

"Ibig sabihin ay bukas na lang tayo bibili sa Kamiseta?" tanong ni Kriselle upang sabay kaming tumango kami ni Moiselle.

"Sama ako!" ngiti naman ni Janus ngunit mabilis siyang hinarap ng kambal.

"Bawal! Makikita mo na agad ang susuotin ng iyong kapareha," buwelta ni Moiselle sa kanyang pinsan.

"Oo nga Pinsan, bawal ang gano'n.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status