Share

KABANATA 31

Magkatabi sa iisang kama ngunit tila hindi ramdam ang presensya ng isa't isa. Nasa magkabilang dulo nakapuwesto ang mag-asawa, magkatalikurang nakahiga at ang isang kumot na para sa kanila ay malapit ng umunat dahil sa layo ng pagitan nila sa isa't isa.

Idinilat ni Isabella ang mga mata, hindi niya magawang makatulog dahil sa bigat ng loob niya. Maingat siyang naupo sa kama, nilingon ang puwesto ng katabi na nakatalikod mula sa kaniya. Bukod sa sakit na naramdaman ni Isabella sa malamig na pakikitungo ni Maximo sa kaniya, mas lalong nadagdagan ang kaniyang kalungkutan dahil pakiramdam niya'y mag-isa na lang siya. Naroon pa rin ang kanilang pagdadalamhati sa pagkawala ng dapat sana'y panganay nila, subalit tila magkaiba ang kanilang pamamaraan upang malagpasan ang pinagdadaanan.

Umalis si Isabella sa kama at walang ingay na lumabas ng kuwarto nila para bumaba sa salas. Ilaw sa labas ang nagsilbing liwanag ni Isabella para makarating sa lokasyon kung saan nakalagay ang urna ng anak. K
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status