Share

KABANATA 34

" Maraming salamat po, Madame. Balik po kayo sa susunod. " Nakangiting pasasalamat ng kaherang mula sa isang kilalang establisyemento ng mga damit pambabae sa parokyano niyang bumili ng bestida.

" Sige, sa susunod na lang ulit. " Malawak na ngiti ang binigay ni Catriona sa kahera bago siya taas-noong lumakad palabas ng establisyemento dala ang supot na naglalaman ng bago niyang bestida. Pahinga niya ngayong araw, nabuburyong manatili sa mansyon kaya nagpasya siyang lumabas at tumungo sa isang Mall upang bumili ng damit na halos kalahati na ng sahod niya ang halaga.

Dumiretso si Catriona sa banyo ng mga babae upang isuot ang kaniyang bago biling bestida. Ito ay kulay pula na may mga disenyong maliliit na bulaklak. Hanggang ibabaw ng tuhod ang haba ng palda at hugis parisukat naman ang kuwelyo nito. May kasama itong manipis na itim na sinturon na bumagay sa kulay ng bestida.

Hindi mapigilan ni Catriona na puriin sa isip ang sarili niya nang humarap sa salamin. Hinawi niya sa likod ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status