Share

KABANATA 37

" Ano'ng problema? " tanong ni Maximo nang manahimik ang mga kasambahay nang pumasok siya sa kusina. Ang iba ay nagsialisan at bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho habang naiwang nakatayo sina Catriona at Agustina na parehong nagulat sa biglaang pagsulpot ni Maximo na ang alam nila'y nakaalis na kanina.

" S-Señor, may nakalimutan ba kayo? " si Catriona ang unang nagsalita at bahagyang lumapit kay Maximo upang kuhanin ang atensyon nito ngunit ibinaling ni Maximo ang paningin kay Agustina na nilalamon pa rin ngayon ng kaba.

" Agustina, " pagkuha ng atensyon ni Maximo sa dalaga, " May problema ba? "

Kita ang gulat sa mukha ni Agustina na ilang segundo bago nakasagot. " W-Wala naman po, Señor. "

Inilipat ni Maximo ang paningin kay Catriona na mahinhing ngumiti na animo'y isang inosenteng dalaga. Walang ideya si Maximo sa biglaang pagbabago ng ihip ng hangin nang pumasok siya sa kusina at naabutang nag-uusap ang mga kasambahay, ngunit sa nakikita niya, nababatid niyang walang may gustong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status