Share

KABANATA 32

Alas otso na ng gabi no'ng makauwi sa mansyon si Maximo. Tahimik ang loob nang makapasok siya, pasimple niyang inilibot ang paningin sa pagbabakasakaling mahanap ang asawa sa paligid ngunit hindi niya ito nakita.

" Nakauwi na pala kayo, Señor. " Lumapit ang mayordoma kay Leonardo na nasa likuran lamang ni Maximo upang kuhanin ang mga bitbit nito. " Nakapaghapunan na ba kayo? Ipaghahain ko na kayo kung hindi pa. "

" Hindi na, busog pa ako. " Nilingon ni Maximo si Leonardo upang senyasan itong sumama sa mayordoma sa silid-kainan ngunit tumanggi ito at nagpaalam na kailangan na ring umalis dahil may nakatakda itong gawin ngayong gabi kasama ang pamilya.

" Si Isabella? " tanong ni Maximo sa mayordoma habang nilalakad ang daan patungong hagdan.

" Kanina pa po nasa kuwarto at nagpapahinga," sagot nito habang naglalakad sa likuran ni Maximo. " Mukhang napagod po ngayong araw dahil nagpunta ang Señora sa tindahan."

Huminto si Maximo sa paglalakad at takhang nilingon nag mayordoma. " Nagpun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status