Share

Misunderstanding

MAHABA na ang leeg ko sa kahihintay kay Iñigo ngunit hindi pa rin ito dumadating.

"Hoy! Akala ko ba masakit pa 'yang leeg mo. Eh bakit, kanina ko pa napapansin na parang may tinatanaw ka sa malayo? Hinihintay mo pa rin ba siya?" Ani Nicole.

''Tsk...kailangan niyang pumunta rito upang alagaan ako." Sagot ko na ang tinutukoy ay si Iñigo.

Napagkasunduan kasi namin na tuwing umaga at hapon ay pupunta rito si Iñigo upang asikasuhin ako.

"Sus, 'yon lang ba talaga ang dahilan?" Pangungulit ni Nicole habang nakataas ang isang kilay.

"Oo naman! Bakit, may iba pa ba?"

Hindi na nito nagawa'ng sagutin ang tanong ko dahil may biglang kumatok.

Bahagya akong nakaramdam ng excitement dahil inisip kong si Iñigo iyon. Ngunit gayo'n na lamang ang aking panlulumo ng si Jordan pala ang dumating.

Tinitigan ko siya at gano'n rin ang ginawa niya. Sa huli ay ako rin ang unang nag-iwas ng tingin.

"Uhm...ikaw na naman? Pa-pa'no mo nalaman ang bahay ko?"pambungad na tanong ko sa kanya.

"Matagal ko ng alam 'to. K
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status