Share

Ex-Fiance & Ex-Boyfriend

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong sunud-sunod ang pagyugyog sa balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at naiinis na sinigawan ko si Nicole.

''Ano bang problema mo? Natutulog pa ako eh.'' reklamo ko. Pumihit ako ng higa at muli kong ipinikit ang aking mga mata.

"Ano ba frenny, bumangon ka nga diyan!''

Sa halip na sumagot ay dinampot ko ang unan at itinakip ko iyon sa aking dalawang tainga.

''Parang bingi lang eh! Bumangon ka na Sam! May naghahanap sa'yo sa labas.''

''Sabihin mo tulog ako!'' dumapa ako sa kama at muling ipinagpatuloy ang pagtulog.

'' Nakakainis naman 'to! Bumangon ka diyan at harapin mo 'yong makulit mong ex!''

Nang marinig ko ang salitang "ex" ay agad kong ibinalibag ang unan at mabilis rin akong umupo sa kama.

''Huh? Sinong ex? Ex fiance or ex boyfriend?''paniniyak ko sa sinabi ng aking kaibigan.

''Gaga! Nakuha mo pang magbiro. Dalian mo na!''

''Sino ba kasi 'yon?'' muli kong tanong.

''Si Iñigo.'' Tipid nitong sagot.

''Ano?'
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status