Share

Hinala

NAKABALIK na kami Iñigo sa bahay ni Jordan. Nakatulog na rin si Sammuel simula pa kanina'ng malagyan siya ng gamot. Kaya naman nagpresinta na rin si Iñigo na siya muna ang magbabantay rito. Nawala na rin ang pamamantal at pamamaga ng nguso niya. Kaya't bumalik na lang ako sa labas upang asikasuhan ang mangilan-ngilan pang bisita na huling dumating.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas din si Iñigo.

Nilapitan niya ako. "Iniwan ko na si Sammuel. Naroon na ang ama niya. "

"Sa-salamat, Iñigo." nauutal na pagpapasalamat ko sa kanya. Bigla tuloy akong inusig ng aking konsensiya matapos niyang banggitin ang salitang "anak". Kung alam lang sana nito na siya ang totoong ama ni Sammuel, paniguradong magkakagulo ang mga buhay namin.

"Walang anuman, Sam." tipid niyang tugon.

Natanaw kong papalapit saamin ang presidente. Kapagkuwa'y nakangiti itong huminto sa may likuran ni Iñigo. "By the way iha, don't tell me na nagkabalikan ulit kayo ni Jordan?" nagulat ako sa biglaang tanong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status