Share

DNA Test

NANG sumapit ang kaarawan ni Mr. President ay hindi ko maiwasan'g makaramdam ng kaba. Sa mismong araw din kasi na 'yon ay plano ko ng magtapat sa kanya ng tungkol kay Sammuel. Nakokonsensiya na kasi ako sa kabaitan'g ipinapakita niya saamin'g mag-ina at ayoko rin'g dumating sa puntong masira ng tuluyan ang tiwala niya saakin.

Medyo late na kami'ng dumating ng anak ko sa bahay nila. Sinalubong kami ni Iñigo at abot hanggang tainga ang kanyang ngiti pagkakita niya sa presensiya namin.

"Wow, hindi ko inaasahan'g darating kayo ah." Ani Iñigo na agad kong inirapan.

"Tsk...hindi ka umaasa kasi nga hindi mo naman kami inimbita." May himig ng pagtatampo sa aking tinig.

"Sorry na. Sinabi kasi sa'kin ni dad na inimbita ka na niya. Kaya hindi na kita sinabihan ulit."

Hindi na ako kumibo. Sa halip ay nagkibit balikat na lamang ako.

"Nak, say hi to ninong." utos ko kay Sammuel.

"Hi." Ngumiti pa ito kay Iñigo at nagkukumahog pa para lang kunin siya.

Agad naman itong kinuha ni Iñigo. Kaya't sinundan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status