NAKABALIK na kami Iñigo sa bahay ni Jordan. Nakatulog na rin si Sammuel simula pa kanina'ng malagyan siya ng gamot. Kaya naman nagpresinta na rin si Iñigo na siya muna ang magbabantay rito. Nawala na rin ang pamamantal at pamamaga ng nguso niya. Kaya't bumalik na lang ako sa labas upang asikasuhan ang mangilan-ngilan pang bisita na huling dumating.Makalipas ang ilang minuto ay lumabas din si Iñigo.Nilapitan niya ako. "Iniwan ko na si Sammuel. Naroon na ang ama niya. ""Sa-salamat, Iñigo." nauutal na pagpapasalamat ko sa kanya. Bigla tuloy akong inusig ng aking konsensiya matapos niyang banggitin ang salitang "anak". Kung alam lang sana nito na siya ang totoong ama ni Sammuel, paniguradong magkakagulo ang mga buhay namin."Walang anuman, Sam." tipid niyang tugon.Natanaw kong papalapit saamin ang presidente. Kapagkuwa'y nakangiti itong huminto sa may likuran ni Iñigo. "By the way iha, don't tell me na nagkabalikan ulit kayo ni Jordan?" nagulat ako sa biglaang tanong
SABAY kaming nagtungo ni Nicole sa venue kung saan gaganapin ang fifth anniversary ng NYX. Kahit na wala akong escort ay sumama pa rin ako. Ayoko naman kasi'ng may masabi ang boss namin lalo pa't ang laki ng opotunidad na ibinigay nito sa'kin.''On the way na raw si Papi Iñigo.'' Kunot noo akong napatingin kay Nicole matapos kong marinig ang kanyang tinuran.''Really? Inabala mo pa talaga 'yon para lang pumunta rito?'' puno ng iritasyon sa aking tinig.''Frenny huwag ka ng magreklamo.''''Tsk...Nicole, ang iniisip ko lang naman eh, baka isipin niya na bakit hindi si Jordan ang escort ko gayo'ng ito naman ang fiance ko. At saka'yong masasayang niyang oras. We both know na marami siyang responsibilidad sa buhay. Like their company, his daughter and-'''' 'Yon ba talaga ang iniisip mo o sadyang natatakot ka lang na baka pag-um-attend si Iñigo ay may asungot na naman na sisira ng gabi mo?'' Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi man lang ito nasindak.''Don't worry frenny ka
HATINGGABI na ng matapos ang event. Medyo tinamaan na rin ako sa kaunting alak na nainom ko.Kakaalis lang din nina Nicole at Dylan kaya naman pumayag na rin ako nang magyaya si Iñigo, pauwi.Walang imik na sumakay ako sa kanyang kotse. Muli ko na naman'g naalala ang paghalik niya saakin kanina kaya't nagkunwari akong tulog para lang huwag niya akong kausapin.Napaniwala ko naman ito ngunit nang makarating kami sa tapat ng bahay ay gayo'n na lamang ang pagkagulat ko ng pigilan niya akong bumaba ng kotse.''Ba-bakit?'' naguguluhan'g tanong ko.''How about the kiss that-''''Stop it Iñigo! Kalimutan mo na 'yon. Huwag mo rin'g bigyan ng malisya dahil hindi naman natin sinasadya 'yon!'' giit ko.''What if sabihin kong sinadya ko 'yon, Sam?''''Then, i don't care Iñigo! Basta walang meaning 'yon para saakin.'' Giit kong muli at pagkatapos ay nagmamadali kong tinanggal ang seatbelt.Akmang bababa na ako nang muli siyang magsalita, dahilan upang muli akong matigilan."But you kissed me back
NANG sumapit ang kaarawan ni Mr. President ay hindi ko maiwasan'g makaramdam ng kaba. Sa mismong araw din kasi na 'yon ay plano ko ng magtapat sa kanya ng tungkol kay Sammuel. Nakokonsensiya na kasi ako sa kabaitan'g ipinapakita niya saamin'g mag-ina at ayoko rin'g dumating sa puntong masira ng tuluyan ang tiwala niya saakin.Medyo late na kami'ng dumating ng anak ko sa bahay nila. Sinalubong kami ni Iñigo at abot hanggang tainga ang kanyang ngiti pagkakita niya sa presensiya namin."Wow, hindi ko inaasahan'g darating kayo ah." Ani Iñigo na agad kong inirapan."Tsk...hindi ka umaasa kasi nga hindi mo naman kami inimbita." May himig ng pagtatampo sa aking tinig."Sorry na. Sinabi kasi sa'kin ni dad na inimbita ka na niya. Kaya hindi na kita sinabihan ulit."Hindi na ako kumibo. Sa halip ay nagkibit balikat na lamang ako."Nak, say hi to ninong." utos ko kay Sammuel."Hi." Ngumiti pa ito kay Iñigo at nagkukumahog pa para lang kunin siya.Agad naman itong kinuha ni Iñigo. Kaya't sinundan
TILA pinagbagsakan ako ng langit at lupa matapos sumagi sa isip ko ang mga katagang binitawan kanina ni Iñigo. Hindi ko lubos maisip na masyado pa 'lang makitid ang kanyang utak pagdating sa usapin'g pag-ibig at pamilya. Ni-minsan ay hindi man lang pala siya nagkaroon ng ideya kung sino nga ba ang totoong ama ni Sammuel gayo'ng kahit sinong Poncio Pilato ang tumingin ay pare-pareho lamang ang mga sinasabi.''Hoy frenny ayos ka lang ba?''sita sa'kin ni Nicole nang maabutan niya akong tulala sa sala.''Huh? Ah-Oo, ayos lang ako.''''Naku, magsisinungaling ka na naman. Ano na naman ba ang nangyari sa mansiyon ng mga Bartolome?''''Wa-wala.'' muli kong pagsisinungaling.''Wala? Eh bakit mukha ka na naman'g nautangan diyan ng isang milyon?''''Napagod lang ako.''''Okay. Sabi mo eh.'' Nakairap nito'ng sambit bago ako tinalikuran. Ngunit agad ko rin itong tinawag dahil bigla kong naisip na baka sumama na naman ang loob niya kapag naglihim ulit ako.''Uhm...Nicz, sandali!''''Oh?'' pabalang
KANINA pa akong lutang. Ni-hindi ko man lang nga nagawang pansinin ang ibang empleyado na bumati sa'kin sa hallway. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kahapon."Frenny oh, magkape ka muna. Kanina ka pang wala sa sarili mo eh. Nagkape ka naman sa bahay pero parang wala pa rin'g epekto." Anang kaibigan ko matapos ilapag sa harap ko ang tinimpla niyang black coffee. Umuusok pa ito at talagang nanghahalimuyak ang aroma. Kaya naman walang pagdadalawang-isip na kinuha ko agad 'yon at ninamnam ko muna ang masarap na amoy."Gaga! Inumin mo, huwag puro langhap lang!" Giit pa nito habang pinagmamasdan ang ginagawa ko sa kape."Hayaan mo na nga muna ako. Ang init pa eh, pa'no ko hihigupin 'yan?" reklamo ko."Tss..kaya nga hot coffee eh." Bubulong-bulong na wika nito. Inirapan niya pa ako bago tuluyan'g bumalik sa kanyang opisina.Maya-maya lang ay bumalik ulit ito."Oh, ano na naman?" pinandilatan ko pa si Nicole ngunit tinawanan niya lamang ako. "Ba't bumalik k
NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa sunud-sunod na pagtunog ng aking cellphone. Kaya naman nakasimangot na bumaba ako ng kama at agad kong dinampot iyon."He-hello." walang buhay na sambit ko."Good morning iha!"masiglang bati ng nasa kabilang linya.Kaagad na nawala ang antok ko matapos kong marinig ang boses ni Mr. President."Uhm, ikaw pala 'yan tito. Ano po bang maipaglilingkod ko?"bigla ay naging mahinahon na ang pagtatanong ko rito."Iha, tutal naman ay linggo ngayon, maaari ko bang mahiram si Sammuel?""Ah, eh si-sige po." pagsang-ayon ko sa matanda."Salamat iha.""Walang anuman po. Maya-maya po ay dadalhin ko siya diyan, tito.""Sige, maghihintay ako, Sam." Aniya.Kaagad kong pinatay ang tawag ni Mr. President at nagmamadaling pinuntahan ko si Diane."Diane!" tawag ko sa yaya ni Sammuel na kasalukuyan pa 'lang nagpapakain sa anak ko."Ay, ano po 'yon Ate Sam?" Anang dalaga.Nilapitan ko sila at ako na rin ang nagtuloy sa pagpapakain sa anak ko."Pakihanda mo na 'yong mga gam
MATAPOS kong tulungan sa pagluluto si Aling Flor ay tumulong na rin ako sa paghahain.Muntik ko pa nga sana'ng mabitawan ang bandehado'ng may laman na kanin dahil sa labis kong pagkaasiwa sa presensiya ni Iñigo. Hindi ko inaasahan'g naroon na pala ito at prenteng nakaupo na sa hapag."Nervous, huh?" mahinang usal ni Inigo ngunit sapat na iyon para malinaw kong marinig at maintindihan ang kanyang sinabi.Matindi rin pala ang pakiramdam nito. Hindi ko lubos akalain na nahalata niya agad iyon.Hindi ako sumagot. Sa halip ay lihim ko na lang na naikuyom ang aking kamay. Nagmamadali na rin akong bumalik sa kusina para kunin pa ang ibang pagkain.Nang matapos kaming maghain ay nagpresinta na rin akong tawagin sina Ellie at Mr. President.Ngunit bago pa man ako makarating sa silid na kinaroroonan ng mag lolo ay agad ko ng nasalubong si Ellie."Ikaw na naman!" bulalas nito pagkakita saakin."Uhm...Ellie, kakain na." pormal kong alok sa kanya."And why are you here again Miss Samantha?" mata