Wala kaming imikan ni Dark habang nasa loob kami ng kotse. Nasa likod kami pareho habang mag-isa naman sa harap ang driver na inutusan ni Marcus upang sunduin kami.Hindi ako nagpalit ng damit gaya ng gusto niyang mangyari. Maayos naman ang damit ko ah? Skin tone man ang kulay nito pero hindi naman malaswang tingnan. Bahagya pa kaming nag-away dahil dito sa suot kong damit. Halos isang oras ko itong pinili at kung babalik pa ako upang magpalit ay matatagalan ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong ipalit. Ito ang trip kong suotin ngayong gabi eh.Pasulyap-sulyap sa amin ang driver pero hindi nagsasalita. Nahalata niya sigurong nag-aaway pa kami dahil iyon ang naabutan niya kanina nang sunduin kami.Sinabi kanina ng driver ang address ng pupuntahan namin. Hindi naman kalayuan. Mga thirty minutes siguro ang biyahe. Pwede namang magtaxi na lang kami pero si Marcus daw ang mapilit na sunduin kami.Nagbuga ng hininga si Dark at binalingan ako. "You're gonna give me a lot of headach
"Bakit walang tao dito?" tanong ko.Inilibot ko ang paningin sa malawak na kusina. Black and white ang tema ng bahay ni Marcus. May mga pagkain na na nakahanda sa mahaba at malawak na lamesa. Sa gilid naman ay may dalawang chef na kasalukuyang nagluluto. Sa kabilang mesa ay ang pastry chef na gumagawa ng mga desserts. May iba ring mga katulong na nandito at ngumingiti at tumatango sa amin.Bumaling sa akin si Marcus na may hawak na platito at kumakain ng chocolate cake. "Mamaya ko bubuksan itong kusina. Hindi pa naman nagsisimula ang party," sagot niya sabay turo sa nakasara na pintuan na nagbabahagi dito at sa sala. Malakas ang tugtugin at nahagip pa ng tingin ko si Dark na bahagya itong sinasabayan habang tumitikim din sa mga hilera ng pagkain."Bro, tikman mo itong cake. Diba favorite mo ang chocolate flavor?"Napasimangot na lang ako nang sinubuan ni Marcus si Dark na wala ring pag-aalinlangan na tinanggap. Nakarinig pa ako ng ilang mga pagtikhim galing sa mga kasama namin dito sa
Nagpaalam ako kay Larisa na mag-c-cr muna upang makawala na. Ngunit ang totoo ay hahanapin ko si Dark upang yayain nang umuwi.Wala akong choice kundi ang makihalu-bilo sa mga taong nagsasayawan.Buong akala ko ay wala nang makakapansin pa sa akin pero nagkamali ako nang may mainit na kamay ang dumapo sa bewang ko at bahagyang humaplos doon. Tumigil ako at lumingon sa matangkad at gwapong lalaki na manghang mangha na nakatingin sa akin. He has this magnetic dark eyes that screams admiration and lust. Magulo ang buhok nito, bukas ang ilang butones ng polo at tadtad ng lipstick ang leeg at dibdib.Bumaba ang mata ko sa kamay niyang nasa bewang ko pa.Agad niya iyong tinangggal. "Ooppss! I'm sorry if I touch you, miss. I just want to make sure that you're wearing clothes. Sorry again. I thought you were walking around naked."Walking around naked?! Sinong matinong tao ang maglalakad ng walang damit at sa gitna pa ng maraming tao?Umiling ako at tinalikuran siya pero pinigilan niya ako. "
••• DARK •••"What the fvck? Is this for real?! Alexander!"Napamura ako sabay lingon sa banda kung saan ko iniwan si Cassandra. Alam kong ganito ang mangyayari sa pagpunta ko dito. Ang balak ko ay hindi kami matatagal at uuwi rin agad. Ngunit hindi ko alam na gusto pala niya ang uminom. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin na umuwi kung gusto pa niyang mantili dito.Hindi nagtagal ay napalibutan na ako ng mga kakilala. Mabuti na lang at medyo may kalayuan na ako, hindi na matatanaw pa ni Cassandra ang nangyayari."Totoo nga ang balita! Where the heck are you hiding at hindi ka namin mahagilap?""Sa kusina tayo," sagot ko kay Loyd Sandoval at ng kanyang mg tropa. Nagpati una ako doon. Ang ibang naabutan kong kumakain ay napangat ng tingin at napatitig.Hindi ito ang unang uwi ko ng Pilipinas. Dalawang beses sa isang taon ako umuwi at hindi rin ganun katagal ang pananatili ko. Sapat lang upang alamin ang kalagayan ng kompanya, bisitahin ang pamilya at ilang malalapit na mga kaibigan.
••• CASSANDRA •••"Unngh.."Hindi ko mapigilan ang hindi mapaungol dahil sa matinding sakit ng aking ulo. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Ikinurap irap ko ito dahil bahagya pang nanlalabo ang aking paningin.Teka, nasaan ba ako?Iginala ko ang aking mga mata sa kwarto kung nasaan ako. Itim na kisame...Saglit akong natigilan. Ilang sandali lang ay nanlaki agad ang aking mga mata nang naalala ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay kanina.May kumidnap sa akin!Dali-dali akong bumangon ngunit ganun na lang ang takot ko nang makitang nakagapos ang magkabila kong nga kamay sa gilid ng kama!Gusto kong maiyak! Bakit ako nandito? Anong kailangan nila sa akin? Ang daming mga katanungan sa aking isipan na hindi ko alam kung paano masasagot.Wala na ang sapatos na suot ko pero maayos pa rin ang damit ko na siyang aking lubos na ipinagpapasalamat.Biglang pumasok sa isip ko si Dark at ang nangyari kanina. Nandoon pa rin ang sakit sa aking dibdib. Ipinilig ko ang aking ulo. H
Isang linggo na ang nakaraaan simula nang mangyari ang pagkakadakip sa akin. Madaming nangyari, madaming nagbago."Ma," nagmano ako kay mama nang pumasok siya sa bahay. Pagabi na pero kakauwi pa lang niya galing sa pagtitinda. Hindi ko siya masisisi dahil malapit na ang fiesta dito sa bayan namin, doble kayod para doble kita rin. Hindi ko siya masamahan dahil tinutulungan ko si Drei sa pag-eensayo niya ng larong chess dahil sa sasalihan niyang contest sa sunod na araw. Siya ang representative ng kanilang paaralan kaya sobrang proud ako at umuwi pa para matulungan siya.Pareho kaming magaling sa chess, hindi ko nga lang nahasa ang akin dahil sa mga personal kong problema noon. Isa rin ako noong high school sa mga sumasali sa patimpalak pero kalaunan ay itinigil ko na. Stressed na ako sa bahay kaya hindi na ako makapagfocus noon sa aking mga laro. Kailangan ng matinding konsentrasyon sa laro na ito kaya dapat kung sasabak ka sa laban ay wala kang iniisip na problema.Maganda sana ito
Halos buong gabi akong hindi nakatulog sa kaiisip sa tawag ni Marcus kanina. Ang lakas lakas ng pakiramdam ko kinabukasan kahit na kinulang ako sa tulog. Ang mga notes na hindi pumasok sa isipan ko kahapon ay ang dali na lang na pumasok ngayon.Ayon kay Marcus ay umuwi raw pansamantala si Dark sa kanilang probinsya. Hindi na ako nagtanong ng iba pang detalye dahil okupado na ang isipan ko sa muli naming pagkikita.Sa Sabado. Iyon ang araw ng pagkikita namin para matapos muna ang exams ko. Hindi niya nasabi kung saan kami magkikita, tatawag na lang daw si Dark kapag may oras na siya.Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit si Marcus pa ang tumawag upang sabihin iyon. Pwede namang si Dark kung tutuusin. Hindi na lang ako magreklamo dahil mas lamang ang pananabik na nararamdaman ko."Ang saya natin ah. Glowing ka pa. Anong meron?" usyoso ni Merry habang naglalakad kami papuntang canteen para sa lunch. Katatapos lang ng exam namin sa Modern Literature at masasabi kong pasado na ako.
Tagaytay. Base sa daan at ruta na tinatahak namin ay papunta kami sa Tagaytay. Hindi ko na sinundan pa ang tanong ko kanina dahil may tiwala naman ako kay Dark. Ngunit hindi ko inakala na lalabas kami ng siyudad at pupunta dito.Sa totoo lang ay hindi pa ako nakakapunta ng Tagaytay. At ngayon ay nandito na ako! Hindi ko maalis- alis ang tingin ko sa taal volcano. Sa picture ko lang siya nakikita noon pero heto na siya ngayon at sobrang ganda niya sa personal!Mabuti na lang at nagdala ako ng sweatshirts. Magjo-joyride pala kami. Gusto kong patigilin muna si Dark upang kumuha sana ng larawan pero pinigilan ko ang aking sarili. Sa haba ng biyahe ay paniguradong pagod siya at gusto nang makarating sa kung saan man ang destinasyon namin.Pinagmasdan ko ang rest house kung saan kami tuluyang tumigil. Dalawang palapag ang bahay at mula dito sa ibaba ay alam kong may swimming pool sa labas ng second floor. May iilang lamesa at upuan sa paligid at meron pang maliit na kubo sa dulo ng stone pa