Share

Chapter 25

Wala kaming imikan ni Dark habang nasa loob kami ng kotse. Nasa likod kami pareho habang mag-isa naman sa harap ang driver na inutusan ni Marcus upang sunduin kami.

Hindi ako nagpalit ng damit gaya ng gusto niyang mangyari. Maayos naman ang damit ko ah? Skin tone man ang kulay nito pero hindi naman malaswang tingnan. Bahagya pa kaming nag-away dahil dito sa suot kong damit. Halos isang oras ko itong pinili at kung babalik pa ako upang magpalit ay matatagalan ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong ipalit. Ito ang trip kong suotin ngayong gabi eh.

Pasulyap-sulyap sa amin ang driver pero hindi nagsasalita. Nahalata niya sigurong nag-aaway pa kami dahil iyon ang naabutan niya kanina nang sunduin kami.

Sinabi kanina ng driver ang address ng pupuntahan namin. Hindi naman kalayuan. Mga thirty minutes siguro ang biyahe. Pwede namang magtaxi na lang kami pero si Marcus daw ang mapilit na sunduin kami.

Nagbuga ng hininga si Dark at binalingan ako. "You're gonna give me a lot of headach
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status