Share

Chapter 23

Magkasabay kaming napatayo ni Tita Hyacinth mula sa pagkakaupo at agad na pinanood si Mama na lumapit sa gawi namin.

Ramdam ko ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang tila nagagalit na mga mata ni Mama at para bang handang sumugod sa gawi namin ni Tita Hyacinth. Bakas ang panggigigil sa mga yapak nito at na hindi ko magawang mahinuha ang ekspresyon na ipinapakita nito sa aming dalawa ngayon.

Saglit kong ninakawan ng tingin si Tita Hyacinth nang marinig ko itong bumuntong-hininga habang pinapanood sa paglalakad patungo sa gawi namin si Mama. 

“She's the reason, Kimberly,” ani nito.

Kunot-noo akong lumingon sa kanya at tila ba handa nang magtanong sa kung ano nga ba ang sinabi nito. Wala rin naman akong lakas ng loob na magtanong dahil pakiramdam ko ay labas ako sa kung ano man ang problema niya.

Hindi naman sa sinasabi kong wala akong pakialam kung may pinagdaraanan nga ba siyang problema, pero bakit gano'n?

Gusto ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status