Share

Chapter 28

Inabot sa 'kin ni Mama ang isang papel na nakarolyo. Sa halip na tanggapin ko ito ay kunot-noo ko pa muna siyang pinagmasdan na malungkot niyang nginitian.

“Susunod ako, Kimberly. H'wag kang mag-alala,” matamis na ngiti niya.

Dahan-dahan kong inabot ang nakarolyong papel bago siya muling binalingan ng kuryosong tingin.

Hindi ko alam kung magtatampo ba ako sa kanya o maiintindihan ko na lang ang desisyon niya.

Dalawang taon pagkatapos maghiwalay ng landas naming dalawa ni Klaude, hindi ko inaasahan na lilipat kami ng bahay. Buo ang loob ko na magagawa pa akong balikan ni Klaude sa dati naming bahay, pero lumipas ang ilang linggo nang hindi na siya muling nagpakita.

Labag man sa loob ko ang desisyon ng mga magulang ko, wala rin naman akong nagawa kundi ang sumunod. Hindi rin naman sila kumbinsido na may iba pa akong hinihintay at mukha namang wala silang pakialam sa opinyon ko. Ayoko rin namang maiwang mag-isa sa iisang lugar habang naghi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status