Share

Chapter 29

Hindi ako pinatahimik ng utak ko nang dahil sa insidenteng iyon. Maging sa pagtulog ay bitbit ko ang isiping iyon, kaya naman hindi na rin ako magtataka kung magmukha man akong sabog sa klase mamayang umaga.

Tila ba dinamay ko rin ang isa sa mga kaibigan ni Bryan dahil pasado alas tres na nang maisipan kong tumawag sa numero ni Yohan upang magtanong sana.

“What?” asik niyang panimula sa kabilang linya.

Bahagyang napataas ang kaliwang kilay ko nang dahil sa pagsagot niya. Hindi naman ako nawindang sa tono ng pananalita niya. Bahagya lang akong nagtaka sa sarili ko dahil umaasa ako na hindi niya magagawang sagutin ang tawag ko dahil masyado pang maaga. Ni hindi pa nga sumisikat ang haring araw pero gising na siya. Ano kayang ginagawa niya bago pa man ako tumawag?

May ginagawa ba siya at nagawa kong maabala ang pagsisiyesta niya?

“Bakit gising ka pa?” tanong ko.

Rinig ko mula sa kabilang linya ang pag-ayos niya mula sa pagkakahiga at magi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status