Share

Chapter 26

Marahan akong naglakad patungo sa direksyon ni Bryan. Habang naglalakad palapit sa kanya ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang postura ng katawan niyang nakadantay sa barandilya habang abala sa pagtitipa sa cellphone nito.

Kilala siya sa campus na papasukan ko bilang isa sa mga pinakasikat na varsity ng campus. Magaling siya sa pagpasa ng bola at minsan ko na rin naman siyang nakitang naglaro. Magaling nga siya.

Sa tuwing siya ang inaalok na sumama sa isang game ay palaging nananalo ang team na nag-imbita sa kanya. Hindi ko alam, pero masasabi kong malaki ang impluwensya ni Bryan para sa mga kalaro niya. May umabot pa sa puntong kinilala siya ng lahat bilang isa sa mga tanyag na manlalaro sa campus na papasukan ko.

Maraming nagkakagusto sa kanya, hindi lang dahil sa galing niya sa paglalaro kundi dahil na rin siguro sa angkop nitong kakisigan. Aaminin kong hindi magiging sapat kung ikukumpara ko ang sarili ko sa kanya.

Dalawang taon ang agwat niya sa 'kin.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status