Share

Sixth Trip: Notorious

Marami na akong narinig at nakita sa telebisyon tungkol sa mga alaala ng isang tao. Ngunit hindi ko pa rin maintindihan kung ano 'yong lumabas sa isipan ko. Alaala ko ba iyon? Bakit hindi pamilyar sa akin? At sino ang mag-inang 'yon?

Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng hilo at konting kirot doon. Isang linggo na ang lumipas nang mangyari ang muntikang aksidente namin ni Papa. Ngunit hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa isipan ko ang alaalang nakita ko. Hindi ko naman masabi-sabi ito kina Mama't Papa at baka mag-alala pa sila.

Hindi ko napigilang mapatili nang biglaang huminto ang Jeep na sinasakyan ko. Muntikan akong mapasubsob subalit hindi 'yon natuloy nang may mga kamay ang humawak sa braso ko. Bumaling ako sa taong 'yon at sana'y magpapasalamat. Ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang malapit sa mukha ko ang mukha ng gwapong anghel mula sa panaginip ko. Impit akong napaaray nang bigla niya akong bitawan pagkatapos niya akong makita.

Masama ko itong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status