“Manang, where’s my wife?” Seryoso kong tanong sa aming kasambahay, nagtataka ako kung bakit wala ngayon ang mag-ina ko sa bahay. Naalala ko kasi na tumawag nga pala sa akin si Vernice at nagtanong kung ano ang gusto kong kainin for lunch. Marahil ay galit sa akin si Vernice dahil hindi ako nakauwi kaninang tanghali, nangako kasi ako sa kanya na sa bahay magla-lunch ngunit hindi ko naman natupad. Halos inabot na ng ala-una ang meeting ko sa mga kliyente bago ito natapos, nawala naman sa isip ko na tawagan ang aking asawa upang hindi sana ito maghintay.“Sir, umalis po si Ma’am kaninang ten thirty ng umaga kasama ang kambal. Ang alam ko po ay pupunta sila sa Mansion.” Magalang na sagot nito sa akin. Dinukot ko ang aking cellphone at idinayal ang numero ni Mommy.“Mom, nandyan ba ang mag-ina ko?” Kaagad kong tanong ng sagutin ni Mommy ang tawag. “Iho, ang mga apo ko lang ang nandito, kanina pa umalis si Vernice ang sabi n’ya may importante daw siyang aasikasuhin. Hanggang ngayon ay hi
Isa-isa kong dinampot ang mga nagkalat na laruan ng aking mga anak sa sahig pati ang ilang mga maruming damit. Lumuhod ako sa sahig at pilit na inabot ang isa pang laruan na nasa ilalim ng kama ngunit naagaw ang atensyon ko ng isang puting damit na nasa pagitan ng maliit na lamesa at kama.Pagkatapos kong makuha ang laruan ay isinunod kong dinampot ang damit. Puting polo pala ito ni Zac marahil ay nahulog habang siya ay nagbibihis kagabi. Ilalagay ko na sana ito sa basket ng nahagip ng aking mga mata ang isang mantsa ng pulang lipstick sa bandang kwelyo nito. Nanikip bigla ang dibdib ko habang mahigpit na hawak ang damit ng aking asawa. Hindi ko na kinaya ang sakit mula sa aking dibdib at kaagad na nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha. Naulinigan ko ang ilang mga yabag na patungo sa kwartong kinaroroonan ko kaya mabilis akong pumasok sa loob ng banyo bago inilock ang pintuan. Nanghihina na sumandal ako sa dahon ng pintuan at padausdōs na umupo sa sahig habang tahimik na umiiyak
Aiguo’s Point of View“Where is your daughter? She is the one who made a deal with us and if she didn't face us personally we would be forced to rescind the contract we signed.” Anya ng mga investor, makikita sa kanilang mga mukha ang determinasyon na personal na makausap ang aking anak na si Vernice. “The project will only proceed according to our agreement if she manages the company by himself. You can't blame us Mr. Zhōu because we see in your daughter that she has the good ability to handle a company.” Dugtong pa ng isang investor, hindi ako makapaniwala na sa maikling panahon ay nagawa ni Vernice na makuha ang tiwala ng may nasa sampung negosyante na nasa aking harapan ngayon. Pati ang isa sa kakumpetensya sa negosyo ng aking ama ay nandito ngayon sa aming kumpanya.Nagsimula ng magsi-alisan ang lahat at tanging ako na lang ang naiwan sa loob ng conference room at ang mortal na kaaway ng aking ama sa negosyo, si Mr. Chen.“Tell me how my daughter will convince you to invest in
“I’m so proud of you, Iha, I’m sure your mother was so proud and happy for you too. Pinahanga mo ako dahil hindi ko akalain na magagawa mong maayos ang problema ng kumpanya kahit na wala kang experience sa pagpapatakbo ng ating mga negosyo. And aside from that kahit na wala kang natanggap na supporta galing sa akin ay lumaki ka na isang mabuting tao.” Madamdaming pahayag ng aking ama na si Aiguo, kulang na lang ay himatayin ako dahil sa sobrang kagalakan.“Anak, hindi ko alam na nakipag-deal ka sa mga negosyante sa China, natuklasan ko na lang ng bigla silang nagpatawag ng meeting at ang nais nila ay makausap ka ng personal. Kung hindi pa nangyari ‘yun ay hindi ko matutuklasan ang malaking naitulong mo sa ating kumpanya.Batid ko na mahalaga sayo ang project na ito dahil aksidente kong nakita ang lahat ng plano mo sa loob ng iyong opisina. Naka-suporta ako sa lahat ng plano mo at tutulungan kitang maisakatuparan ang lahat ng iyon para tuluyan ng matuldukan ang hidwaan sa loob ng atin
“I want to clarify everything, Zac, alang-alang sa mga anak ko ay pakiki-samahan pa rin kita na parang walang nagbago. Pero huwag mo akong pakikialaman sa mga plano ko sa buhay at ganun din ako sayo, hindi kita itatali sa relasyong ito kaya ibinibigay ko ang kalayaan mo, because I’m not a selfish person. At sana ay maging klaro sayo ang lahat.” Labis akong naguguluhan sa mga pinagsasabi ng aking asawa. Sa tono ng pananalita nito ay parang akala mo ay tinatapos na niya ang ugnayan namín bilang mag-asawa. Ilang araw ng malamig ang pakikitungo niya sa akin na para bang estranghero ako sa paningin nito. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kaya binalewala ko na lang ang malamig na pakikitungo niya sa akin. Ngunit ng marinig ko ang mga salitang ito ay labis akong naalarma at hindi ko na ito pwedeng balewalain dahil ramdam ko na seryoso siya sa kanyang mga sinasabi.Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Vernice at labis akong nababahala na baka tuluyan siyang mawala sa akin
Alas dos ng hapon ay kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa sala’s kausap ang aking mga tauhan. “Sir, na detect po namin kahapon mga bandang five thirty ng hapon ay nakalabas na ng bansa si Ma’am Vernice kasama ang kanyang ama na si Mr. Aiguo at ang mga anak ninyo.” Lalong nagdilim ang mukha ko dahil sa report na natanggap ko mula sa aking tauhan. Kung ganun ay talagang iniwan na ako ni Vernice at mas pinili nito ang bumalik ng China.“Sir may tao po na naghahanap sa inyo, nais daw po kayong makausap, Atty, Salazar daw po.” Magalang sabi ng katulong na nakatayo sa bungad ng pintuan. Nagtataka na lumingon ako sa direksyon nito maging si Olga na nakaupo sa aking tabi at napalingon din dito. Simula kahapon ay hindi na umalis si Olga sa aking tabi upang damayan ako sa problemang kinakaharap ko.Ilang sandali pa ay pumasok ang isang may edad na lalaki na may bitbit na isang itim na attache case. Tahimik na lumapit ito sa akin hanggang sa huminto sa mismong harapan ko. “Good afternoon, Mr.
“Hmmmm…” walang humpay ang mga ungol na lumalabas sa bibig ni Olga habang patuloy siya sa pagtaas baba sa ibabaw ng katawan nang natutulog na si Zac. Hindi siya makapaniwala na darating ang pagkakataon na ito na matitikman niya ang kanyang pinsan na kay tagal na niyang inaasam. Akala niya ay hanggang pangarap na lang ang lahat ngunit ngayon ay malaya niyang nilalasap ang init ng katawan nito. Kahit wala siyang natatanggap na anumang tugon mula sa lalaki ay kuntento na siya basta kapiling lang niya ito. Pagkatapos ng ilang minuto na pagtaas baba sa kahabaan nito ay naramdaman niya na malapit na niyang marating ang rurok ng kanyang matinding pagnanasa.“Zac!” Ang matinding kaligayahan na nilalasap ni Olga ay sandaling naudlot ng marinig ang isang malakas na boses ng babae mula sa labas ng kwarto na sinundan nito ng magkasunod na malakas na katok sa dahon ng pintuan. Naulinigan din niya ang ilang mga yabag na tila natataranta ang mga tao sa labas ng kwarto. “Ang susi, bilis!” Natataran
Vernice Point of viewKasalukuyan akong nakatayo sa harap ng isang malaking bahay kasama ang aking Ama at ang aking mga anak. Kahit na may kalumaan na ang bahay ay hindi ito naging hadlang para hindi ito hangaan. Historical ang bahay na ito dahil nagmula pa ito sa mga ninuno ng aking mga Lolo. Nakakamangha ang disenyo ng dalawang malaking dragon na magkaharap sa magkabilang gilid ng bahay na ayon sa kanilang paniniwala ay sumisimbolo ng lakas, karunungan, pagpapala at kapangyarihan. Masasabi ko na ang istilo ng bahay ay naaayon sa personalidad ng aking Abuelo, matanda na ngunit nanatili pa ring matatag.Napaka payapa ng buong paligid dahil malayo ito sa kabihasnan. Wala kang ibang maririnig kundi pawang mga huni ng ibon at pagaspas ng mga dahon. Ang malamig na simoy ng hangin na dumadampǐ sa aking balat ay nakaka-tulong upang mapawi ang matinding kabâ na nararamdaman ko ng mga oras na ito.Ngayon ay nasa harap ako ng ancestral house ng aking angkan kung saan ay naninirahan ang aking m