Share

chapter 4

Sa sobrang inis ni Belyn sa kanyang asawa ay gusto na lang niya itong sakalin. Mabuti na lang talaga ay nakakapagtimpi pa siya. At ang isa pang kinaiinisan niya ang pagsasabi nito sa kanyang magulang na sa kanya na raw ako titira. Hindi na maipinta ang mukha niya habang nilalagay ang mga gamit sa bag. Masayang araw niya sana ay napalitan ng galit sa h*******k na lalaking yon.

Akala ba ng h*******k na lalaking 'yon ay mapipigilan niya ako sa gusto kong mangyari? Kahit doon pa ako tumira sa bahay niya, hindi ko pa rin siya ituturing na asawa," inis na turan pa ni Belyn sa kanyang sarili.

"Kainis! Bwisit talaga ang lalaking 'yon.  Hay! Simula nang magkrus ang landas namin ay minalas na ako," saad pa niya habang pinagpatuloy ang paglalagay ng mga gamit sa kanyang bag.

Ayaw sana niya talaga pumayag o gawin ito, pero iyon ang sabi ng magulang niya na doon na raw ako maninirahan sa bahay nang h*******k na lalaking kapag hindi siya sumama sa hudyong binata na 'yon, maghanap na raw siya ng ibang magulang at bahay. Dahil itatakwil na siya ng mga ito bilang anak. At kahit kailan hindi na raw siya makakatungtong sa pamamahay nila. Labag man sa loob niya ay wala siyang magagawa. Malaking kahihiyan daw kapag nalaman ng magulang ng lalaking 'yon na ako ang asawa ngunit wala sa pamamahay ni William.

Nagbuntong-hininga na lamang si Belyn.

Narinig niyang may kumatok sa kanyang pintuan, ngunit hindi siyang nag-abalang  tingnan ito. Alam naman niyang kung sino ang kumakatok. Walang iba kundi ang mama niya.

Hindi nga siya nagkamali. Nagtatampo pa rin siya rito, kaya kahit sulyap ay hindi niya ginagawa.

"Anak!" boses ng mama niya. Ramdam niyang lumapit ito sa kanyang tabi. "Anak, tapos ka na bang mag-ayos ng mga gamit mo?" pagtatanong pa nito sa kanya.

Hindi pa rin siya kumibo. Pinagpatuloy lang niya ang pagsalansan ng damit sa kanyang bag.

"Belyn... nabingi ka na ba, ah? Kanina pakita tinatawag. Hindi ka man lang kumibo riyan!" Galit ang boses ng kanyang ina na maririnig sa buong kwarto niya.

Huminga muna siya nang malalim bago lingunin ang ina.

"Ano po yon?" balewalang sagot niya rito at bahagya lang niyang tinapunan ng tingin ang ina.

"Tinatanong kita kung tapos mo na bang ayusin ang dadalhin mo sa bahay ni  William?" tanong ng kanyang mama sa kanya.

"Opo," tipid na sagot niya lamang.

"Oh, teka bakit kakaunti lamang ang mga gamit mo?" pagtatanong pang muli ni ginang Eds sa anak dahil napansin nitong halos isang bag lang ang dala nito sa paglipat.

"Okay na ang ganyang kaunti, Ma. Hindi naman ako magtatagal sa bahay ng hinayup----" Hindi na natapos ni Belyn ang sasabihin nang kinurot siya ng ina sa kanyang tagiliran.

"Aray! Mama ano ba? Masakit!" naluluhang wika niya sa ina.

 "Umayos ka, ah, Belyn? Hindi kita pinalaki para maging ganyan ang ugali mo, ah?" may diin na sabi pa ng ginang sa anak nito.

Bumuntong-hininga muna ang ginang bago niyakap si Belyn.

"Anak, makinig ka ah? Hindi na tulad ng dati na wala ka pang asawa. Kahit saan ka pa kinasal, hindi na mababago. May asawa ka na. Kaya nga dati pinaalalahanan kita… ang pag-aasawa ay hindi kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo. Kaya binusog kita sa pangaral noon.

"Nagkamali ka man ay maitutuwid mo pa rin ngayon. Mabuting tao si William, anak. Kilala ang pamiya nilang matulungin sa kapwa, kaya nasisiguro kong magiging maayos ka sa piling ng asawa mo," madamdamin na saad nito.

Naluha siya sa mga pinagsasabi ng mama niya.

"Tahan na, anak. Huwag ka nang umiyak. Pumapangit ka. Birthday mo pa naman ngayon,"  natatawa biro ng ginang.

Napasinghot siya habang pinapahid ang luha sa kanyang mga mata. "Ma, pwede po bang huwag na akong lumipat sa bahay ng lalaking yon?" tanong pa ni  Belyn sa ina habang niyakap ang braso nito na inugoy-ugoy pa nito.

"Belyn, anak, hindi pwede ang nais mo dahil iba na ngayong may asawa ka na. Ang mag-asawa ay dapat magkasama sa iisang bubong. At hindi ka na parang bata diyan. Belyn, makinig ka ha! Para tumibay ang pagsasama ninyong dalawa ni William, magkaunawaan kayo. May respeto sa isa't-isa at huwag kayong matutulog na may samaan ng loob."

Hindi na napigilan ni Belyn ang mapaluha dahil sa pangaral ng kanyang ina. Kahit may tampo siya rito ay hindi niya matiis ang ina dahil mahal na mahal niya ang magulang.

Hindi niya lang matanggap na nakapag-asawa agad siya, dahil sa isang pagkakamali. Oo, gusto na niyang magkaroon ng boyfriend ngunit asawa ay malabo pa. At wala pa sa isip niya ang pag-aasawa, dahil inaayos nilang dalawa ni Em ang mga papeles papuntang Canada upang magtrabaho. Kapag okay na siya at maayos ay balak niyang kunin ang magulang para doon na tumira.

Ngunit paano pa niya magagawa 'yon kung may asawa na siya?

Napabuntong-hininga na lang siya. Ayaw niya na lang sumama ang loob ng kanyang ina at ama.

"Ma, pwede bang tapusin na lang muna natin ang birthday ko bago sumama sa  damuhong lalaking yon? Please po pangako. Palipasin ko lang ang araw ng birthday ko, sasama na ako sa kanya," nakikiusap na turan ni Belyn sa ina niya.

"Hay nakong bata ka talaga! Sige at sasabihin ko sa asawa mong bukas ka na lang sasama sa kanya pauwi ng bahay ninyo," turan pa ni Ginang Eds sa anak nito.

"Thank you, Ma! I love you po," sabay yakap sa inang nang mahigpit. Kahit nagtatampo siya rito, hindi naman niya magawang magalit. Dahil mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang.

Kung tutuusin nga ay siya naman talaga ang may kasalanan. Kung hindi siya pumunta ng bar at nakipag-away sa asawa ngayon ay wala sana siya sa ganitong sitwasyon.

"Hmmm, naglalambing ang baby ko. Ngayon ay gagawa na siya nang sariling  baby!" natatawa saad ng Mama niya na kinalaki ng mga mata niya at bigla siyang namula sa sinabi nitong gagawa sila ng baby sa tukmol na lalaking yon?

"Mama naman! Kadiri 'yon. Yuck!" saad pa niya at umakto pa siyang nasusuka.

"Hay nako. Ano'ng kadiri doon? Natural! Mag-asawa kayo kaya kahit sa ayaw at gusto mo, magkaka-baby ka dahil may pangangailangan ang asawa mo! Katulad ng ginagawa namin ng Papa mo!"

Tinakpan niya ang dalawang tainga. Para siyang nahiya sa mga sinasabi ng mama niya.

"Saka, maniwala ka sa akin, anak. Sigurado masasa---" Agad niyang tinakpan ang bibig ng kanyang ina para hindi nito maituloy ang tangkang  sasabihin. Hindi siya makapaniwala na magsasabi ng ganoon ang ina.

"Ma, pakiusap. Huwag mo nang ituloy pa ang gusto ninyong sabihin. Alam ko 'yan. Ako ang kinikilabutan sa maaaring lumabas sa bibig ninyo!"  ani Belyn na namumula ang mukha sa sinabi ng kanyang ina.

Oo nga't  pinangarap niyang magkaroon ng anak ngunit hindi naman sa lalaking 'yon

Talaga ba, Belyn? Eh 'yong una mo ngang pagkakita kay William ay natulala ka na! saad ng bahagi ng kanyang isipan.

"Nako, pag nabiyak na 'yang coconut mo, sigur---"

"Waaaaaah! Ma, awat na, oh!" Lumayo na siya sa kanyang ina. Baka kung saan pa mapunta ang kanilang usapan.

Hindi pa sumasagi sa kanyang isipan ang mga bagay na ganoon.

Nakausap niya si William at sinabi niyang bukas na lang siya sasama rito sa bahay nito.

Pumayag naman ang binata na palipasin lang muna ang birthday niya bago siya lumipat sa bahay nito. Akala nga niya hindi ito papayag, nagpaalam din sa kanya ang binata na aalis daw muna dahil may meeting daw na pupuntahan.

"Babalik ako mamaya kapag natapos ang meeting ko," anito sa kanya.

"Kahit wag na…" mahinang wika niya.  Hinatid niya ang lalaking ito palabas ng bahay nila. Kung hindi lang sinabi ng mama niya na ihatid ang tukmol na ito, nunca nitong samahan pa palabas ng  gate nila.

"What did you say?" nakakunot na tanong pa ni William sa asawa.

Yawang yan, ang talas naman pandinig nito… bulong niya sa sarili.

"Ang sabi ko, mag-ingat ka," pagkakaila pa niya. Baka kasi ay magsumbong ang lalaking ito sa kanyang ina. Mayari naman siya!

Tinanguan lang siya ng binata pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kotse nito.

Hindi na niya hinintay pang umalis ang lalaki. Nauna na siyang pumasok sa bahay. Narinig na lang niya ang tunog ng sasakyan nitong papaalis.

"Hay salamat naman! Lumayas na ang  hudyong lalaking 'yon. Makakapag-enjoy na rin ako sa aking birthday!" nakangising turan niya sa sarili at kinuha ang cellphone para tawagin ang dalawang kaibigan.

"Hello, yes!" boses ni Em nang sagutin nito ang tawag niya sa kabilang linya.

"Ano'ng yes ka diyan?" pasinghal na sagot niya rito. "Wala ba kayong balak na puntahan ako sa aking birthday? Hindi ninyo na nga ako sinamahan kagabi sa bar na pinuntahan ko, tapos ngayon naman parang wala kayong plano puntahan at batiin ako ng happy birthday?!" nagtatampo turan niya pa niya sa kaibigan na si Em.

"Grabe ka naman. Kung binuksan mo na kaya ang gate ninyo para makapasok na kaming dalawa ni Rina!" asar na saad naman nito sa kanya at napalingon siya sa kanyang likuran. Tama nga ito. Nasa gate na ang dalawang kaibigan.

Pinatay muna niya ang tawag bago inilagay sa bulsa ng suot niyang  pants. At naglakad patungo gate para pagbuksan ang dalawang magpinsan.

"Panay ka reklamo sa amin ni Rina, pero  nakita ka namin na kausap mo ang lalaking pinakasalan mo sa police station?" nakataas kilay na turan ni Em habang papasok ito sa loob ng bahay nila. Nakasunod lamang si Rina sa pinsan. Mukhang badtrip din ito dahil halos hindi maipinta ang pagmumukha.

"Oh, bakit nakasimangot ang pinsan mo?" punang tanong niya pa

"Ahh nako huwag mong pansinin 'yan. Masama lang ang loob niyan dahil nalaman na ng crush niyang may asawa na siya kaya ganyan ang mukha niyan."  

"Saka huwag mong ibahin ang usapan. Bakit andito ang lalaking 'yon ah?!"

"Ayon, gusto na raw akong iuwi sa bahay nila at siya mismong nagsabi sa aking magulang na asawa na niya raw ako," seryosong saad niya naman sabay upo sa sofa nila.

"Ang masaklap pa, boss pala siya ni Papa. Kaya lalo akong nalintikan. Hay, ang liit talaga ng mundo, 'no?" buntong-hiningang turan niya.

"Oh, Rina! Em! Andito na pala kayo!"  masayang wika ng kanyang mama nang makita nito ang dalawa niyang kaibigan.  Kalalabas lamang nito sa kusina habang may plastic gloves pa ang kamay.

Tumayo naman sina Em para lapitan at magmano sa kanyang ina.

"Kadarating lang po namin, Mama Eds," panabay na sagot ng dalawa. Mama rin ang tawag nina Em at Rina sa kanyang ina dahil parang Nanay na lang daw nila ito. Na kinatuwa naman ng ginang dahil  magiging tatlo na raw ang anak niyang babae.

"Kayong dalawa, ah? Ano itong nabalitaan kong nagpakasal kayo sa police station? Lalo ka na, Em. Aba'y hindi ako makapaniwala! Kasal ka na sa mayor natin!" sermon na pahayag pa ng Ginang sa mga ito.

Ang dalawang kaibigan naman ni Belyn ay napapakamot sa ulo at nag-iwas ng tingin sa ginang.

"Nako, kayong tatlo. Makukurot ko kayo sa singit!" turan ng ginang sa magkakaibigan.

"Mahabang kwento po, Mama!" nahihiyang wika pa ni Rina.

"Mamaya ay dapat ikwento ninyo sa akin. Sa ngayon ay tulungan ninyo muna akong magluto ng handa nitong kaibigan ninyo."  Pagkatapos sabihin ng ginang ay bumalik na muli ito sa kusina upang magbalot ng lumpiang shanghai.

Ang tatlo naman ay sumunod na rin sa ginang upang tulungan ito sa pagluluto ng mga handa.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anna Mernilo
penge lumpiang Shanghai ma, edz .........
goodnovel comment avatar
Tiraycute062
salamat po......
goodnovel comment avatar
Brenda Polido
happy bday belyn
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status