Share

chapter 6

Nakasimangot pa rin si Belyn habang tinatanaw sa labas ang mga taong nag-aayos ng catering na ipinadala ng hudyo niyang asawa.

"Kainis! Imbes na wala kaming bisita, magkakaroon pa dahil sa h*******k na lalaking 'yon," asar na wika niya.

"Nako! Nako talaga! Kung maaari ko lang tirisin ang tukmol na lalaking baliw na iyon ay ginawa ko na!" sambit pa ni Belyn sa kanyang sarili.

Ayaw kasi niya ng maraming tao at lalo't alam naman niyang chismosa ang kanilang kapitbahay. Hindi naman nilalahat ng dalaga. Meron kasi na mapaggawa ng kwento na hindi alam ang totoo. 'Yun ang ayaw na ayaw ng dalaga. Kaya umiiwas siya sa maraming tao.

"Ma!" tawag niya sa kanyang ina na busy sa ginagawa nitong pag-aayos sa ibang handa.

"Oh, bakit, anak?" Bahagya lamang siyang tinapunan ng tingin ng ina.

"Mama, talaga bang inimbintahan mo ang ating mga kapitbahay?" tanong niya kay Ginang Eds.

Wala naman kasi silang kamang anak na malapit nasa malayong lugar ang kapwa pamilya ng mama at papa niya.

Alam kasi ng ginang na ayaw ng kanyang anak sa maraming tao. Kaya huminto ito sa ginagawa at lumapit sa anak nitong nagkandahaba ang nguso.

"Anak, sa daming pagkain na pina-catering ng asawa mo. Tapos nakapagluto pa tayo. Aba, hindi natin mauubos ang lahat ng mga 'yan. Baka masayang lang," mahinahong paliwanag ni Ginang sa anak nito.

Ngayon lang naman ito anak, kaya hayaan mo na. Ikaw… gugustuhin mo bang masayang o mapanis lang ang mga pagkain kaysa ipakain natin sa mga tao? 'Di ba ayaw mo rin?" dagdag na tanong pa ni Ginang Eds sa anak nito.

"Tapos tigilan mo ang pagnguso mo, para ka tuloy s**o riyan! Baka mahanginan ka. Sige! Habang buhay ka nang nakanguso. Pwede na nga 'yang sabitan ng mga kaldero. Tamang tama, marami akong isasabit sa'yo!" natatawang biro pa ng ina ni Belyn sa kanya.

"Mama naman! Sino bang matutuwa sa pinaggagawa ng lalaki 'yon? Alam naman ninyo na ayaw ko sa maraming tao!" nagreklamong tugon niya sa kanyang ina.

"Ay naku, ang kulit mong bata ka! Ang pagkatanda ko ay isang beses lamang kita inire ngunit ang kulit-kulit mo!" tila naririnding saad ng mama niya sa kanya.

"Sinabi ko na sa'yong hayaan mo na. Hindi ka ba masaya na nag-effort ang asawa mo para sa'yo oh? Bihira na ang lalaki na nagpapaganyan para sa kanyang asawa.

"Ay, doon ka na nga sa kwarto mo. Maligo ka na para sa birthday party mo. Siguradong darating na ang papa mo kasama rin ang mga kasamahan niya sa trabaho. Sinabi kong magdala siya ng mga bisita," wika pa ng mama niya. Wala siyang nagawa kundi umalis sa harapan ng ina.

Ngunit hindi pa siya nakakalayo rito, muling nagsalita si Ginang Eds sa anak.

"Anak, mag-dress ka naman para maging isang Dalagang Pilipina ka!" pabirong saad pa nito at sinabayan pa ng tawa.

"Mama naman!" Nasa boses ang pagkainis. Wala na talaga. "Nasira na ang araw niya dahil sa hudyong, 'yon."

Ang dalawa niyang kaibigan ay pinagtatawanan siya kaya masamang tingin ang binato niya sa dalawang ito.

"Bakit hindi ka na lang kasi maging masaya? Tama naman kasi si Mama Eds. Aba'y nag-effort ang asawa mo kahit busy. Nagawa pang magpa-catering para sa'yo!" turan ng dalawa niyang kaibigan na bruha. Wala na talaga siyang kakampi sa bahay na ito, kaya napaismid siyang tumingin kay Rina at Em.

Hindi na lang niya pinansin pa ang pagbibiro ng mga ito. Walang imik na umakyat siya sa itaas ng bahay nila para pumasok sa kanyang silid upang maligo. Halos isang oras siyang nagtagal sa loob para mapawi lang ang inis na nararamdaman niya. Nagbabad siya sa tubig nang maisipan nang lumabas ay nakita niya ang dalawang kaibigan na nakahiga sa kanyang kama.

Kaya itinasan niya ng kilay ang dalawang ito.

"Hay! Sa wakas! Lumabas ka rin. Akala namin diyan ka na titira sa loob ng banyo eh!" asar na wika ni Rina.

"Grabe ang tagal mo, inabot ka na ng isang oras sa loob. Anong ginawa mo, ah!" pang-uusisa naman na tanong ni Em. Lalong nakasalubong ng mga kilay niya.

"Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo?" balewalang sagot niya habang naglalakad patungo sa kanyang cabinet.

"Oo naman, 'no!" tugon pa nito sa kanya.

Napatirik ang mata ni Belyn dahil sa kanyang kaibigan. Ewan ba kung minsan ito napaka-slow kung mag-isip. "Bulag ka ba?" inis na turan niya pa rito.

"Hindi mo ba nakikita na bagong paligo ako? Ano pa ba ang ginagawa sa loob ng banyo, 'di ba maligo?" May inis na sa boses ng dalaga.

"Palibhasa kasi ligo-uwak lang ang alam mo, eh!" pang-aasar pa niyang dagdag.

"Hoy, hindi naman ligo-uwak ako, 'no! Siguro mga ligo-pusa o aso naman," pagsasakay na biro pa ng kaibigan.

"Hindi nga sa biro. Isang oras ka maligo. Napakatagal mo naman. Siguro maliban sa pagligo mo, may iba ka pang ginawa, 'no?" mapanghusgang tumingin ito sa dalaga.

"Hoy, Em! Huwag mo nga akong itulad sa'yo! Ang dumi ng iniisip mo. Hindi ko gawain 'yun," may diing wika ni Belyn sa kaibigan.

"Kung iyon ang iniisip mo!" dagdag na saad pa ng dalaga.

"Ay luka ka! Hindi naman 'yun ang gusto kong sabihin sa'yo! Siguro inaano mo 'yang pechay mo para kapag nag-honeymoon na kayong dalawa ay walang sagabal!" napahagikgik na wika pa nito sa kanya.

"Nako, Belyn. Huwag mo na lang pansinin ang pinsan ko dahil hindi na naman nakainom ng gamot kaya medyo maluwag ang turnilyo sa utak!" singit na wika ni Rina. Sabay tingin nito sa pinsan.

"Ay wow ha! Alalahanin mong magpinsan tayong dalawa rito, Rina. Baka nakakalimutan mo. Ipaalala ko lang sa'yo, ah!" Nasa boses ni Em ang tila nagtatampo sa pinsan.

Inirapan lang ni Rina ang pinsan nitong nage-emote sa gilid ng kama niya.

Napapailing na lamang siya sa dalawa. Simula pagkabata ay sila nang tatlo ang magkasama. May isa pa pala silang kaibigan, si Rizza. Busy ito sa nalalapit na kasal ng kanilang kaibigan. Kaya malabo nilang makasama ngayon sa mga lakad nilang tatlo. Lalo't mag kakaroon na ito ng pamilya. Ang mapapangasawa ay isang Mayor rin na tulad ni Em.

"Teka nga. 'Di ba malapit na ang kasal ni Rizza? Sa makalawa na 'yon, 'di ba?" biglang tanong niya sa mga kaibigan.

"Ay, oo nga! Sa makalawa na ang kasal ni Rizza. Lahat tayo ay abay niya. Paano pala tayo tatakas sa mga lalaki? Kailangan nating pumunta sa kasal ng ating kaibigan baka magtampo ang isang 'yon."

"Bahala na takas tayo. Bukas ng umaga. Ready naman ang mga gamit naming dalawa ni Rina," wika pa ni Em habang papasok ito sa loob ng banyo.

"Happy birthday, Belyn!" mga bati ng kanilang kapitbahay.

"Salamat po!" nakangiti saad niya sa mga ito.

"Ay, iba na! May pa-catering services ka na ngayon, ah. Hindi ka na ma-reach!" Kuminto pa ng mga ito sa kanya.

"Oo, at sa sosyal na restaurant ka pa nag-catering?" ani pa ng iba.

"Siguro may naging mayaman na boyfriend ka sa Hongkong, 'no!" saad pa ni Aling Marites. Tamang tama ang pangalan nito isa itong dakilang Marites ng lugar nila.

"Nako, Aling Marites. Wala akong naging boyfriend sa Hongkong po. Ang ginawa ko lang po doon ay magbanat ng buto," nagtitimping sagot niya pa sa ginang.

"Ho, talaga ba, Belyn?" Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-usisa sa kanya.

Ito talaga ang ayaw niya. Kaya ayaw niyang mag-imbita ng mga kapitbahay na makikitid ang utak at pakialamera sa buhay ng may buhay.

"Nako, Marites. Totoong sinabi ng anak ko na wala itong boyfriend!" singit na wika ng Mama niya. Marahil siguro naiinis na rin ito sa panay tanong ng kapitbahay.

"Ang asawa niya ang nagpa-catering niyan!" dagdag na turan pa ni Mama na ikinagulat ng lahat ng naroon.

Laglag naman ang panga napatingin siya sa aking ina.

"Mama!" tawag niya sa kanyang ina at babalang tingin na waring huwag nang sabihin pa sa mga taong narito sa kanilang bakuran.

"Hala, totoo bang may asawa ka na, Belyn?" tanong bigla ng isang kapitbahay na tila hindi naniniwala sa sinabi ng kanyang ina.

"Aba'y oo naman! Bakit ako magsisinungaling sa inyo, 'no!" pagmamalaking wika ni Ginang Eds sa mga kapitbahay na usisera.

Napatampal ang dalaga sa noo, dahil sa sinabi ng kanyang ina.

"Talaga lang ha? Bakit hindi namin nabalitaang kinasal na 'yang anak mo, Eds?" nakataas kilay na anas ng kapitbahay nilang si Aling Marites.

Lihim na lang siyang napairap sa mga ito. Kanina ay pinipilit na may boyfriend siya sa Hongkong, tapos ngayon naman ay ayaw maniwalang may asawa siya. Ang mga tao nga naman talaga oh!

"Oo nga, ba—" natigil ang akmang sasabihin ni Mama nang may humintong sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Ilang sandali lang ay lumabas ang taong sakay ng kotse noon.

At laking gulat ng dalaga nang makita ang kinaiinisan niyang lalaki. Walang iba kundi ang lalaking si William.

"Shit!" mura niya sa kanyang isipan nang makita ang lalaki na naglalakad papasok ng kanilang bakuran. May dala itong isang bouquet ng red rose. Lihim siyang napangiti dahil isa sa mga favourite niyang bulaklak ang dala ng lalaki. Ang gwapong tingnan nito sa suot na White t-shirt at maong pants na tinernuhan pa ng white shoes. Para itong isang model kung maglakad.

Huminto ang lalaki sa kanyang mama at nagmano pa.

"Uy, sis. Laway mo tumutulo na!" mahinang bulong ni Em kay Belyn. Hindi na namalayan ng dalagang nasa tabi na niya ang kaibigan. Dahil masyado siyang nakatutok sa binata.

"'Di ba si Sir William Hernandez 'yan?" tanong ng mga kapitbahay nila.

Ngumiti ang lalaki sa mga taong narito sa loob ng kanilang bakuran.

"Hi!" bati ng lalaki nang tumapat ito sa kanyang harapan.

"Flowers for you!" wika nito sabay abot ng mga bulaklak sa kanya.

Tumingin muna siya sa binata tapos sa mga bulaklak na hawak nito. Hindi niya alam kung kukunin niya ba o hindi. Nagdadalawang isip siya.

At sa huli ay tinanggap niya rin. Ayaw naman niyang mapahiya ang lalaki.

"Salamat!" tipid na sagot niya rito.

"Hoy, Belyn. Huwag mong sabihin na si Sir William ang asawa mo?" nagtatakang tanong ng mga kapitbahay niya at nasa boses ng mga ito ang inggit.

Magsasalita na sana siya nang unahan siya ng lalaki.

"Opo, ako nga po ang asawa ni Belyn. Belyn Daragoza Hernandez na po ngayon dahil dala na niya po ang aking apelyido," magalang na sagot ng lalaki sa mga kaharap.

Nagsibulungan ang mga naroon na tila ba ayaw maniwala sa sinasabi ng binata sa kanila.

"Talaga? Napakaswerte mo naman, Belyn. Isang billionaire ang napangasawa mo!" saad ng kanilang kapitbahay.

Kita sa mga mata ng kanyang kapitbahay ang inggit. Ang iba naman ay natuwa. At binabati sila ng congrats na malugod naman nilang nginingitian. Nagpapasalamat sa mga ito.

"Saan naman kayo nagpakasal? Bakit wala naman kaming nabalitaang kinasal ka, Sir William?" mausisang tanong ni Aling Marites sa kanila.

"Saka paano mo nakilala si Sir William, Belyn, 'di ba ilang taon ka sa Hongkong?" dagdag na tanong pa ni Ginang Marites sa kanya.

"Sa Hongkong po kami nagpakasal at matagal na po kaming magkasintahan. Sa susunod na buwan po ay dito na kami magpapakasal sa simbahan po."

"Hay nako. Tama na nga 'yan. Panay tanong kayo sa manugang ko. Ang mabuti pa kumain na lang kayo at hayaan na ninyo ang mag-asawa ha!" singit na saway ni Mama niya kay Aling Marites.

"Sige na kumain na kayo. Doon ho masasarap ang pagkain. Kumain kayo nang kumain!" ani pa ni Ginang Eds sa mga kapitbahay nila.

"Hijo, pagpasensyahan mo na ang mga kapitbahay namin, ha!" hinging paumanhin ng Mama ni Belyn sa binata.

"Ayos, lang ho, Ma!" nakangiti sagot pa ng lalaki.

"O siya. Iiwanan ko muna kayo ha? Asikasuhin ko muna ang ibang bisita," ani pa ng Mama niya.

"Okay po!" sabay tango nito.

"Ikaw na lalake!" sita niya rito nang makapagsolo na silang dalawa ni William.

"Anong, pinag—" Natigil naman ang kanyang sasabihin nang may dalawang kotse ang huminto muli sa harapan ng bahay nila. At lumabas muli ang dalawang gwapong nilalang. Napatingin siya sa dalawang kaibigan. Nakita niya ang gulat rin sa mga mata ng mga ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status