Share

chapter 5

"Grabe nakakapagod!" bulalas na wika ni Em habang paupo ito sa sofa nina Belyn.

Kasabay rin nitong umupo ang pinsan niyang si Rina. Magkatabi silang dalawa at si Belyn naman ay nasa isahang sofa.

"Ay napagod ka? Hindi halata, 'no? Parang kami lang dalawa ni Rina ang nagkikilos sa loob ng kusina. Panay kain lang naman ang inatupag mo. Tapos nagreklamo ka pa!" pasaring na wika niya Belyn sa kanyang kaibigan.

Sumimangot naman ang kanyang kaibigan. "Aba, bruha ka! Nakakapagod kaya tumikim ng mga nilulutong pagkain ni Mama Eds?" nakangusong katwiran pa nito sa dalawang kaibigan.

"Anong nakakapagod doon, ah? Pagtikim lang naman ginawa mo. Mabuti nga nabusog ka pa kaysa pagod," ani naman ni Rina kay Em.

Magsasalita pa sana siya nang may nag-doorbell sa labas ng bahay nila. Agad siyang tumayo sa pagkakaupo para tingnan sa labas kung sino.

Nakakunot ang noo ni Belyn nang may mga tao siyang nakita sa labas ng gate nila. Agad siyang lumapit sa kanilang gate para malaman kung anong kailangan ng mga ito.

"Sino po sila?" marahan niyang tanong sa mga ito.

"Ma'am, kayo po ba si Belyn Daragoza?" tanong ng isang lalaki na nakasuot ito ng white polo shirt at ganoon rin ang iba nitong mga kasama, kahit ang dalawang kasama nitong babae.

"Yes, ako nga po ano po kailangan nila?" magalang na balik-tanong pa ni Belyn sa kausap nitong lalaki.

"Ako si Apolo!" pagpapakilala nito sa kanya.

"Kami po ang tinawagan ni Mr, William Hernandez, para daw po mag-catering kami sa birthday ng kanyang asawa na si Belyn Daragoza!" paliwanag nito sa dalaga.

"What?!" takang tanong niya sa kaharap.

"Sandali lang wala naman siyang sinabi sa akin na nagpa-catering siya!" Nagtataka talaga niyang saad sa mga ito.

Mababakas din sa mga mukha ng kaharap ang pagtataka.

"Nako s–" magsasalita pa sana si Belyn sa kaharap nito ng tumunog ang kanyang cellphone.

Kaya agad niyang sinagot ito kahit hindi pa nakikita kung sino ang caller.

"Hello!" sagot ni Belyn sa kabilang linya.

"Hi, chocolate!" baritonong boses ng nasa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko nang mabosesan ko ito. Walang iba kundi ang h*******k na lalaking si William.

"Hoy, magaling na lalaki ka!" Taas boses na wika niya sa kabilang linya.

"Bakit nagpadala ka pa ng catering services rito sa bahay namin?" mariing wika niya sa lalaki. "Hindi ko naman na kailangan pang ng ganito, eh dahil nakapagluto na kami ng aking handa," dagdag na bulyaw ng dalaga sa kausap nitong si William.

"Chocolate, wala namang masama kung magpadala ako ng catering services d'yan sa bahay ninyo. Asawa kita at kaarawan mo," may karapatan naman akong gawin 'yon di ba, mahinahon na sagot ng lalaki sa dalaga.

"Yon na nga, eh. Hindi ko naman sinabi sa—" putol naman ang sasabihin ni Belyn dahil bigla muling nagsalita si William sa kabilang linya.

"Relax, kagustuhan kong na magpadala ng catering services kaya sa ayaw at gusto mo, tanggapin mo na 'yang simpleng regalo ko sa'yo," seryoso saad ng binata sa kanya pagkatapos ay binabaan ng tawag si Belyn.

"Bastos!" inis na inis niyang sigaw sa kabilang linya dahil hindi man lang siya nakasagot.

Kahit nagngingitngit sa asar sa lalaki ay wala naman siyang magagawa kundi papasukin na ang grupo ni Apolo para i-set-up na nila ang mga pagkain pati para maayos na rin ng mga ito ang venue.

"Anong meron? Nagpa-catering services ka?" panabay na tanong ng dalawa niyang kaibigan at nasa boses ng mga ito ang pagtataka.

"Kung alam lang namin na nagpa-catering ka, 'di sana hindi na kami napagod sa pagluluto kanina," ani ni Rina habang nakatingin sa mga taong isa isang pinapasok ang mga gamit sa kanilang mine garden.

"Loka! Hindi ako nagpa-catering niyan 'no," mariing sagot niya rito.

"Ano ako tanga, pagkatapos kong mag pagod sa pagluluto. Magpacatering ako," nakairap na saad niya.

"Ang lintik na lalaking 'yon. Nunca maggastos ako sa catering at wala naman akong ibang bisita kundi kayo lang dalawa. Bakit pa ako magpapa-catering?!" dagdag na turan pa niya sa mga ito.

"Ang sweet naman ng asawa mo. Talagang nagpaganyan pa para sa birthday mo. Tingnan mo. Sikat na restaurant pa ang nag-catering sa kaarawan mo, Belyn!" tuksong wika ni Em sa kaibigan.

"Tigilan mo ako, Em. Baka itong inis ko sa hudyong lalaking 'yon ay sa iyo ko ibunton!" may diin na saad niya sa kaibigan.

Nag-akto naman na nag-zipper ng bibig si Em.

Iniwan niya ang dalawa sa labas, para pumasok sa loob ng kabahayan upang ipaalam sa ina na may pinadalang catering services ang William na 'yon.

Samantalang sa opisina ni William napapailing na lamang ito nang ibaba ang hawak na cellphone sa ibabaw ng kanyang table. Pagkatapos kasi nitong kausapin ang asawa para ipaalam rito ang ginawa niyang pag-hire sa isang sikat na restaurant sa kanilang bayan upang mag-catering sa birthday ng babae.

"Kakaiba talaga ang babaeng 'yon," wala sa sariling saad niya habang paupo siya sa kanyang swivel chair. Bumalik na siya sa kanyang trabaho. Nais niyang matapos agad ang paperworks niya para makapunta siya sa bahay ng kanyang asawa.

Napaangat siya ng ulo nang may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina.

Hindi siya tumugon, bagkus pinagpatuloy lamang niya ang pagpirma sa mga papel na kailangang matapos agad.

Bahagyang bumukas ang pinto, at iniluwa noon ang kanyang secretary na si Jordan.

"Sir," ani nito sa kanya.

"Yes, Mr Pelar!" maikling sagot niya rito habang hindi tinitingnan ang kanyang secretary.

"Sir, may bis–" hindi na natapos ng kanyang secretary ang sasabihin nito ng pumasok sa kanyang opisina si Elena.

"I told you na busy ako, Mr, Pelar!" mariing kausap niya sa binatang secretary. Sabay lipat ng tingin niya sa bagong dating na dalaga.

"Sorry po, Sir. Sinabi ko naman po kay Miss Elina na busy kayo. Kaso nais daw po kayong makausap," nauutal na paliwanag nito sabay yuko.

"Sige, ako na ang bahala sa kanya. Pwede ka na ulit bumalik sa table mo," seryosong turan ng lalaki sa secretary nito.

Tumango lamang si Jordan sa kanyang boss, pagkatapos ay isinarado na ang pintuan ng office ng kanyang boss.

"Anong kailangan mo, Elina? Sabihin mo na. Ang dami kong pang kailangang tapusin," walang ganang wika niya sa dalagang papalapit sa kanyang pwesto.

"Ah, naparito ako upang ayain ka sana lumabas, honey!" mapang-akit na wika ni Elina sa binata.

"Don't call me that," may diing wika nito.

"Why? Mag-boyfriend and girlfriend pa naman tayo, honey!" malandi pang wika ni Elina Kay William.

"Matagal na tayong tapos, Elina. Ipaalala ko lang sa'yo noong niloko mo ako. Matagal ko nang tinapos kung ano man ang namagitan sa atin. At pwede ba umalis ka na? Dahil inaabala mo ako sa aking trabaho!" inis na wika pa ng lalaki sa dalagang kaharap.

Sadyang makulit ang kanyang ex-girlfriend. Nagawa pa nga nitong lumapit sa kanyang likuran at akmang hahawakan siya nito. Agad namang tumayo si William sa pagkakaupo. Umiwas siya sa akmang paghawak ng ex niya.

"Please, it's a pity to stop me. We've done it a long time ago!" wika niya at madiin niyang sabi pa sa dalaga.

"May asawa na ako, Elina, at hindi magandang makita tayong dalawa rito sa loob. Baka biglang pumunta 'yon at kung ano pang isipin sa ating dalawa," dagdag na turan niya.

"What?!" sigaw nito sa nalaman. "No, hindi ako papayag. Dapat ako lang ang asawa mo, William. Walang iba!" histerikal na saad pa nito. Nakikita ni William ang galit sa mukha ng dating nobya.

"Im sorry, Elina. Ang atin ay matagal nang tapos. Makakahanap ka rin ng lalaking para sa'yo, kaya please lang. Mag-move on ka na!" sincere niyang wika rito. "At pwede bang tigilan mo na ang pagpunta rito sa office ko? Hindi ka ba napapagod sa tuwing pupuntahan mo ako pinagtatabuyan lamang kita?" dagdag na sambit pa ng lalaki rito.

"No! Please, William. Bumalik ka na sa akin. Kung may nagawa akong kasalanan noon, patawarin mo ako. Aaminin ko naging marupok ako, dahil nawawalan ka na ng time para sa akin. Kaya nagawa ko ang bagay na 'yon," lumuluhang saad pa nito sa kanya. "Ngayon, nandito na ulit ako. Ibalik na lang natin ang dati. Please, honey," pakiusap pa nito kay William at akmang hahawakan ang kamay ng binata.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang lalaki bago alisin ang pagkakawak ni Elena sa kanya. Mataman niyang tinitingnan ang dating nobya.

Noon ay mahal na mahal niya ito. Almost 8 years ang naging relasyon nilang dalawa. Inaamin naman niya may pagkukulang siya sa babae, noong mga panahong sila pa. Dahil naging busy siya sa trabaho. Ngunit kahit ganoon ay ginagawa niya ang lahat para maging masaya lamang ito. Ibinigay niya ang luho, ano mang hilingin nito sa kanya. Pero ganoon talaga. May mga taong hindi makuntento kung ano ang meron sila.

Nahuli niya itong may kahalikang iba. Noong unang ay gumawa ito ng kasalanan sa kanya. Pinalampas lang niya dahil siya rin ang may kasalanan, ngunit akala niya ay hindi na mauulit pa. Hanggang sa naging dalawa, tatlo, at paulit-ulit na lang ang ginagawa nito sa kanya. Ang huli ay nakita niya itong nakikipagtalik sa mismong condo ng babae kaya minabuti na lang niyang tapusin na ang lahat sa kanila ng dalaga. Oo, masakit sa kanya dahil minahal niya ang dalaga sa 8 years na iyon. Pero parang kapatid na lang ang tingin niya rito ngayon.

"Hindi na natin maibabalik pa ang dating tayo. Dahil hindi na mabubuo pa ang relasyon na sa umpisa pa lang ay may basag na. Tulad na lang sa bagay kapag nasira na, mahirap nang ibalik pa!" makahulugang sambit pa niya sa dalaga. "I have to go. Kailangan ko nang puntahan ang asawa ko!" Pinagdiinan pa ni William ang salitang asawa.

Kinuha muna niya ang gamit pagkatapos ay iniwan ang ex sa loob ng kanyang opisina. Kahit sinigaw nito ang kanyang pangalan ay hindi siya nag-abala pang lumingon dito.

"Mr. Pelar, ikaw na ang bahala rito. May pupuntahan ako. Kapag tapos ka na ay pwede ka na ring umuwi," paalam ni William sa kanyang secretary.

"Okay po, sir. Ingat po kayo!" magalang pang wika sa kanya at yumuko pa ito tanda ng paggalang.

Tipid na ngiti lamang ang ibinigay niya rito. Pagkatapos ay tinalikuran na ang kanyang secretary at pumasok sa private elevator.

Sa loob ng opisina ni William, naroon pa rin ang dalagang si Elena. Halos hindi ito makapaniwala sa sinabi ni William na may asawa na ito. Bakit hindi niya nalaman? At sino ang babaeng yon? Gigil na saad pa niya sa sarili habang nakakuyom ang kamao.

"Hindi ako papayag na kung sino lang na babae ang papakasalan mo, William. Dapat ako lang. Ako lamang ang nararapat sa'yo!" mariing wika pa nito pagkatapos ay nagmadali siyang lumabas sa opisina ng dating nobyo.

Nakita pa niya ang secretary ng binata agad siyang lumapit dito.

"Sinong demonyitang babae ang pinakasalan ng amo mo?" galit na wika ni Elina sa secretary ni William.

"Ano po, ma'am?!" bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko, sinong babae ang pinakasalan ng amo mo?!" sigaw pa nitong muli.

"Sorry po, ma'am. Hindi ko po alam ang tinutukoy ninyo. Wala naman pong sinasabi si Sir William na nag-asawa na siya!" mahinahong katwiran pa nito kay Elina.

"Sinungaling!" galit na sigaw pa nito. "Alam kong pinagtatakpan mo lamang ang boss mo," giit na wika pa ng dalaga rito.

"Hindi ko po talaga alam, ma'am. Wala akong alam sa sinasabi ninyong asawa ni Sir William!" sagot pang muli nito.

Totoo naman talagang wala siyang alam sa sinasabi ng dating nobya ng kanyang boss. Marahil ay sinabi lang ng kanyang boss na may asawa na siya upang tigilan na siya ng ex-girlfriend nito. Dahil araw-araw kasi itong pumunta sa office ng kanyang amo. Kaya siguro ay nagawa na nitong magsinungaling upang lubayan na ito.

"Siguraduhin mo lang na totoo ang sinabi mo. Kapag hindi at nagkabalikan kami ng amo mo, ako mismong magsasabi kay William na tanggalin ka na!" pagbabanta pa ni Elina sa binatang secretary.

At walang paalam na nilisan nito ang opisina ng dating nobyo.

Napapailing na lamang si Jordan sa ugali ng babae. "Kaya siguro iniwanan ni Sir William ang babaeng 'yon. Sayang. Ang ganda ng mukha. Pero ang ugali naman ay masama!" iling na komento pa ni Jordan bago rin umalis upang umuwi na.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anna Mernilo
thank you po ...
goodnovel comment avatar
Brenda Polido
may karibal ka belyn hahahahaha nagbabalik na c ex thank u po sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status