"Ang sakit mahalin ng pinsan mo, Tangina." Pinahid niya ang luha at muli na namang linagok ang laman ng bote. "Pero Bro, alam mo kung ano ang nagmulat sa akin sa kahibangan kong ito? Ang nangyari kay Brenda at Rheniel. Hindi pala sapat na mahal ko lang si Brenda. Akala ko, ako na ang lalaking nagmamahal sa kanya ng walang kapantay. Ngunit ng makita ko si Rheniel how he fought for his woman, taena, nahiya ako sa sarili ko. Wala pala ako sa kalahati ng pagmamahal niya. Kahit gustong-gusto kong puntahan si Brenda upang kamustahin, nanaig pa rin ang respeto ko kay Rheniel. Ayokong dahil sa akin masisira ang relasyon nila ni Brenda.""Paano, walang hiya kasi si Dad, Ngunit hindi ko rin siya masisisi dahil mahal niya si Tito Roman. Nananalaytay na sa mga Sinco ang paghihiganti. Ngunit hindi ko na uulitin ang ginawa ni Dad. Wala naman kasalanan si Brenda eh. Oo, aaminin kong galit ako kay Rhayan Crawford dahil sa pagpatay niya sa ama ko, ngunit hindi rason yun para gumanti rin ako. Una, wala
âDharyne.âNaudlot ang pagtawa ni Dharyne sa loob ng sariling kotse ng marinig ang boses ni Dustniel. Naka link pala ang bluetooth ng cellphone niya sa bluetooth ng kanyang sasakyan at automatic answered calls ito kaya agad na niyang marinig ang boses ng kambal na si Dustniel.âOh, bakit?â halatang lasing ang kanyang boses.âHinahanap ka ni Dad. Saan ka ba nagpunta? Sinabi raw ni Dharylle na saâyo niya pinababantayan si Mommy ngunit umalis ka naman.â âOn the way na ako pauwi. May pinuntahan lang akong kaibigan medyo napasarap kami ng kwentuhan.â Pagdadahilan niya.âSeriously? Sa gitna ng problema natin may time ka pang makipagkita sa mga kaibigan mo? You can lie to me but not to Kuya Rhayan. Bilisan mo na at umuwi dahil galit na âyon saâyo, tinakasan mo ang mga bodyguard mo. Nagsumbong na si Ciela kay Kuya.â Mas lalo pa nitong ginatungan ang kaba na nararamdaman niya. Lahat sila mas takot sa kanilang Kuya Rhayan kaysa sa kanilang ama. Masyadong mahal sila ng kanilang Daddy Dustin ka
âAno na naman ang ginawa mo sa kapatid mo?â tanong ni Hera matapos siyang halikan ni Rhayan sa labi. âTinuruan ko lang ng leksyon.â Balewalang sagot nito habang inaayos ang kumot nila ng asawa. Kapwa na sila nakahiga ngayon sa kama. Ang triplets as usual kumalat na naman kung saan natulog dahil pinaghatian na naman upang makatabi sa pagtulog ng mga kapatid niya.âAt ano namang leksyon ang binigay mo baka sumubra ka na naman. Hindi iyon iiyak kung hindi mo nasaktan.ââLove, hayaan mo na lang ako sa pagdisiplina sa mga kapatid ko. Nainis lang kasi ako ng pinakita sa akin ni Ciela na mayroon siyang hinalikan na lalaki sa bar. At alam mo ba kung sino pa ang hinalikan niya? Tangina si Luke pa. Ang sarap talaga niya paluhurin sa maraming langgam kung hindi ko lang siya kapatid. Pasalamat siya at hindi ko na sinabi iyon sa kanya dahil alam kong mahihiya siya. Ngunit kahit di ko naman sabihin alam niyang may nalaman na ako sa pinanggagawa niya.â Natigilan si Rhayan ng makitang pigil ni Hera
ONE WEEK LATER THE DAY BEFORE GABRIEN CRAWFORD BIRTHDAY AND CHRISTENING Maingat na bumaba si Brenda sa sasakyan ni Rheniel nang pumarada ito sa harap ng mataas na building kumpanya ni Luke. Binalingan muna niya ang kasintahan. Tumango lang ito at ngumiti sa kanya. âMag-ingat ka. I will wait for you here.â nakangiting wika ni Rheniel. Hinalikan muna niya sa labi si Brenda bago ito tuluyang binitawan sa kamay. âSige, hindi na rin ako magtatagal. Ibibigay ko lang itong imbitasyon at nang makapag pasalamat na rin.â Tumalikod na siya sa kasintahan at tuluyang pumasok sa entrance ng building. Dahil kilala na siya ng guwardiya agad na rin siyang pinapasok. âNasa loob ba si Sir Luke?â tanong niya. âOo, kararating lang, nasa loob ng opisina niya sa taas.â sagot na rin ng guard. âSalamat.â tipid niyang wika bago tinungo ang elevator. Habang nasa loob ng elevator hindi niya maiwasan na mapangiti. Naalala niya kasi ang unang araw niya na nag-aaply pa lang siya. Hindi niya akalain na si Lu
âCoffee?â inalok niya ito ng kape. Kinuha naman ni Brenda. âWow, ayos Sir ahââ Luke na lang ang awkward pakinggan.â Pagtatama ni Luke. Ngumiti si Brenda. âNatatawa lang kasi ako, dahil dati ako pa ang taga timpla ng kape mo. Ngayon ikaw na ang taga timpla ko.â âNgayon lang yan. Hindi na mauulit.â asar na wika ni Luke at muling humigop ng kape. âAng sama mong lalaki. Isa ka rin pala sa secondary sponsor sa kasal ko.â Binigay ni Brenda ang isa pang imbitasyon sa harapan ni Luke. Matagal na nakatitig si Luke sa dalawang imbitasyon na bumalandra sa harapan niya. âHindi ka na ba magpa-pigil? Baka gusto mo pang baguhin ang isip mo.â Pang-aasar ni Luke habang tumatawa. âSira! Wala ng atrasan âto no. after ng binyag ni Gab, sa susunod na buwan kasal na rin namin ni Rheniel. So isa ka sa ginawa naming sponsor. I will not accept your No. Sayang din ang ambag mo.â âWhat!? Ang yaman ng angkan ng mapapangasawa mo humihingi ka pa ng ambag? Yan lang yata ang silbi ko kung bakit mo ako ginaw
KINABUKASAN ARAW NG BINYAGâŠLahat nagtipon-tipon sa loob ng simbahan. Syempre Ninong si Rhayan, Dustniel, Luke, Lendon at Rafael. Ninang naman si Dharylle, Dharyne, Hera, Suzette Vian at si Doc Joanamay. Hindi talaga nawala si Doc Joanamay dahil naging magkaibigan na rin sila ni Brenda sa araw-araw na alaga siya nito kaya mabilis siyang gumaling. Mga kapatid na lang din ni Rheniel ang mga Ninong at Ninang dahil gusto naman ng mga ito na maging pangalawang nanay at tatay ng kanilang nag-iisang anak. Nagmamadali naman si Luke na pumasok sa loob ng simbahan nang makita na nagsisimula na ang pari sa pagbinyag kay Gabrien. Wala sana siyang balak na pumunta ngunit napag-isip isip niyang para sa pagkakaibigan nila ni Brenda set-aside na lang muna niya ang nakaraan. Tumayo na rin siya sa likuran ng mga Ninong at Ninang sa gitna habang nagbibigay ng bendisyon kay Gab. âNamatay ang kandila ko, pasindi. Bakit kasi ang lakas ng fan ng simbahan.â reklamo ni Dharyne kay Dharylle at agad na sinindi
Huminto si Dharylle sa paglalakad palabas ng simbahan ng mapansin ang sasakyan ni Seidon sa di kalayuan. Hindi niya alam kung nakita na siya nito. Pero nagdadasal siya na sana hindi pa sya nakita. Taranta siyang bumalik sa loob at planong sa kabilang pintuan siya dadaan. âKambal, saan ka pupunta?â tawag ni Dharyne sa kanya. âAhâŠdito ang sasakyan ko sa gilid ng simbahan kaya naisip kong dito na dumaan.â pagdadahilan niya sa kapatid. âAh, ganun ba? Oh, sige. Yang damit mo palitan mo agad pagdating sa venue ha. Mga malalaki na tayo hindi na kaaya-aya tingnan na pareho tayo ng suot na damit. Kung alam ko lang na pareho tayo ng susuotin hindi ko na ito sinuot.â Nakamot ni Dharylle ang pisngi sa kadaldalan ng kapatid. âOo, sige, sige na..Marami ka pang sinasabi, uwian na eh.â Agad niya itong tinalikuran sa takot na baka makita pa siya ni Seidon. Nagtaka man si Dharyne sa kilos ng kapatid hindi na lang niya ito pinansin. Deretso siyang lumabas ng simbahan. Napansin niyang wala na ang la
Hinawakan ni Luke ang buhok ni Dharyne dahil pakiramdam niya kulang pa rin ang paliwanag niya. Hindi talaga siya natunawan sa lalaking ito. Muli siya nagsalita. âThis woman's hair is short and ebony, while your womanâs hair is long and blonde.âAmazing! What a perfect explanation.â Pumalakpak si Dharyne habang nakatingin kay Luke. âMukhang kinabisado mo na lahat ng anggulo ng mukha ko. Okay na sana kaya lang may kulang eh.â Nakakunot naman ang noo ni Luke na tumingin sa dalaga. Inaalam nito kung ano pa ang kulang sa paliwanag niya. âMaasim ka ba?â tanong niya.âBakit?â takang tanong naman ni Luke at inamoy pa ang sarili kung amoy pawis siya.âKulang na lang kasi ng toyo para maging sawsawan yang mukha mo. Kulang ka sa ngiti.â Nang makita ni Dharyne na umuusok na naman ang ilong ni Luke, mabilis niyang hinatak ang kamay ni Doc May. âRun,ââHuh?â nagtataka si Doc May kung bakit sila tumatakbo ngunit sinunod na lang niya ang kalokohan ni Dharyne. Pumalatak ng tawa si Dharyne ng pumasok