pinahabaan ko na ang chalter na ito lahit isa lang. abangan update ko mamaya. babawi ako sa 2 days na hindi ako nakapag update maraming salamat.
Walang nagawa si Dustin, kundi ang isama si Rihanna sa lungga ng Black Dragon. Panahon na rin para malaman nito ang ilan sa mga nakatagong identity niya at kung saan ang lungga ng Black dragon. Wala naman siyang dapat ipag-alala dahil alam na nito ang tungkol sa pagiging Black Mamba niya.Pagpasok nila sa loob ng dungeon, agad na bumungad sa kanila ang walang malay na matandang Doctor habang nakahandusay ito sa sahig. May tali ang mga kamay nito at paa."Kanina pa ba, walang malay 'yan?"Sabay na lumingon ang lahat na mga miyembro ng Black Mamba, matapos marinig ang boses ni Dustin. Mabilis silang lumuhod, at yumuko, tanda ng kanilang paggalang sa kanilang master."Master, mahigit isang oras na po siyang walang malay," sagot ni, Deadly Scythe."Ikuha mo ako ng malamig na tubig," utos ni Dustin."No, sa palagay ko, mainit na tubig ang kailangan mo," singit ni Rihanna.Napabaling si Dustin sa kanyang asawa ng marinig ang sinabi nito."Wife, hindi kaya mapaso ang bihag natin, kapag maini
"Dustin! Seryoso ako, ang baho ng dungeon mo!" naiiritang sigaw ni Rihanna ng makita na tumatakbo si Dustin upang iwasan ang mga batong hinahagis niya rito."Bakit ka kasi pumasok, kung alam mo naman pa lang mabaho, sana nagpa-iwan ka na lang dito sa labas kanina," sagot rin nito."Iyon na nga ang rason kung bakit hindi ako nagreklamo kanina eh. Dahil alam kong hindi ka papayag na isama ako sa loob!" sigaw niya habang hinahabol si Dustin. Malapit na sila sa tabing dagat, sa kakahabol niya.Parang iiyak si Rihanna, hindi niya alam kung bakit gusto niyang patulan ang pang-iinis ni Dustin. Gustong-gusto niyang inisin ito, ngunit siya pa ang unang nainis. Wala pa sana siyang balak na sabihin rito na buntis siya dahil gusto niyang e-sorpresa ito mamaya. Kanina bago sila pumunta rito, alam na niyang buntis siya dahil nag pregnancy test siya loob ng bathroom habang naliligo. Ngunit gusto na niyang makaganti, at makita ang inis sa mukha ni Dustin."Dustin! Kapag hindi ka lumapit dito, habang b
Pagdating ng mansyon, hindi na hinayaan ni Dustin na humawak ng mga mabibigat na bagay si Rihanna. Ultimo ang pagsuot ng bedroom slippers nito, si Dustin pa ang nagpapa-suot sa paa ni Rihanna dahil ayaw nitong nahihirapan ang asawa niya."Luv, akin na ang suklay, ginawa mo naman walang silbi ang kamay at paa ko eh," saad ni Rihanna. Kakatapos lang nilang mag shower ni Dustin. Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon sa harap ng salamin ng kanilang walk-in closet at nakatayo naman si Dustin sa kanyang likuran habang sinusuklay ang kanyang buhok. Ingat na ingat pa ito sa pagsusuklay ng buhok niya, sa takot na baka ma-hila at masaktan siya. Ngayon niya pa lang napansin ang pagiging sweet ni Dustin. Simula ng nalaman nito na buntis siya sa pangarap nitong kambal, mas lalo pa siya nitong minahal. Kanina pa niya inaagaw ang suklay, ngunit ayaw nitong ibigay sa kanya."Luv, pwede bang kahit dito man lang, hayaan mo akong pagsilbihan ka? Sa dami ng sakripisyo mo sa akin noon, hindi pa sapat itong gin
"Put***ng⊠tang 'na naman Blade! Ilang beses ko bang sabihin sa inyo, na pinaka ayaw ko sa lahat ang umaalis kayo na walang paghahanda! Palibhasa masyado kayong nagyayabang sa mga sarili ninyo na kaya n'yo na lahat! Na porket isa kayong Black Dragon, wala ng mangahas na kalabanin kayo! Hindi porket dumaan kayo sa mga madugong training at marami na ang napatay ninyo, napaka untouchable n'yo na! Nakalimutan n'yo na bang tao rin kayo? Pagkakamali lang ng isa, pwedeng madamay lahat ng kasamahan ninyo sa operasyon. Hindi ako gumastos ng bilyon sa training n'yo ng ilang taon para lang maging walang silbi dahil hindi n'yo naman ginagamit ang mga utak ninyo! Hindi ko ito sinasabi kay Scarlet Blade lang ha, lagi nyong tandaan, lalo na kayong mga leader ng team ninyo. Ang kaligtasan ng mga tauhan nyo, laging nakasalalay sa mga mga balikat n'yo! Kaya be responsible! Bilang leader, you'll first need to master yourself. Kailangan sa sarili mo palang leader ka na. Paano ninyo pamunuan ang maraming
"Luv, saan ka galing?" namamaos na tanong ni Rihanna ng nararamdaman na humiga si Dustin sa tabi niya. Sinulyapan niya ang antigong orasan sa wall, alas onse na nang gabi. "Hindi ka pa ba natulog mula kanina?" dagdag niyang tanong. Binalot siya ng hubad na katawan ni Dustin kaya naramadaman agad ang init ng katawan nito ng masagi sa balat niya. Nakasuot lang siya ngayon ng silk spaghetti strap na night dress kaya ramdam na ramdam talaga niya ang init ng makulong siya sa mga bisig nito. Siniil siya ni Dustin ng mainit na halik sa labi bago ito sumagot."Nagpahangin lang ako sa labas luv. Sorry, nagising ba kita? Bumalik ka na muna sa pagtulog." Malambing nitong sabi at muli siyang pinaunan sa bisig nito habang niyayakap. "Hindi na ako makatulog." gumanti na rin siya ng yakap. Hinalikan ni Dustin ang tungki ng ilong niya, tila nagustuhan naman niya ang paglanghap ng mabangong hininga nito. Bahagya siyang bumangon at itinukod ang siko sa unan. Nagtataka si Dustin kung ano ang ginagawa
âNabanggit mo kanina ang tungkol sa Black Lion, ano naman iyon?â Natutuwa si Dustin dahil sa pagiging matanong ng asawa niya. Wala na yata itong plano na matulog. Sinulyapan niya ang orasan sa wall ng kanilang silid, past midnight na. Plano sana niyang madaling araw silang aalis para walang sagabal sa daan ngunit nagdesisyon na lang siyang mamayang Alas otso na lang sila aalis. Pinuyat na yata siya ng buntis ngayon.âLuv,âNapabalik siya sa kanyang sarili ng marinig ang tawag ni Rihanna. Naghihintay na ito ng sagot niya.âBakit ba interesado kang malaman ang tungkol sa Black Lion?â natutuwa niyang tanong.âGusto ko lang malaman kung bakit mo ginawa ang Black Lion,â sagot agad nito.âDati kasi, mahilig na akong maghunting ng mga ibon sa gubat. Pumupunta ako roân, every weekends. Habang bitbit ang aking Airsoft Gun, nasa kalagitnaan na ako ng aking paglalakad sa gitna ng gubat ng bigla akong sinalakay ng Black-Maned Lions. Muntik na ako roân, akala ko âyon na ang katapusan ng buhay ko,
"Master, parating na po ang chopper, " narinig niyang wika ni Mr. Stuart mula sa earpiece na suot niya."Copy," mabilis niyang sagot habang isinuot ang bullet proof vest kay Rhayan at Rihanna upang may proteksyon ang katawan ng mga ito sakaling lumabas sila. Dalawa lang ang bullet proof vest na nakita niya sa loob ng sasakyan, kaya minabuti niyang ipa-suot ito sa mag-ina niya.Bang! Bang!âAhhh! Daddy, Iâm scared. Are we going to die?â umiiyak na tanong ni Rhayan ng tumama ang bala sa tinted glass window ng kanilang sasakyan. Niyakap ni Rihanna ang anak, upang maibsan, ang takot na nararamdaman nito. Puno ng pag-alala ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Dustin.Mabuti nalang at isang Alpineâs armored Bentley Bentayga bulletproof car ang kanilang sinakyan, kung nagkataon, kanina pa tinamaan ng mga bala ang mag-ina ni Dustin, sa loob. Sinadya niyang ito ang gamitin, dahil kakambal ng pamilya niya ang panganib sa daan. Protektado sila ng sasakyan na ito against bullet such as 7.62
Halos dalawampung Dragon Knights na ang napatay nila, ngunit patuloy pa rin sa pagdami ang grupo ng ng mga ito na hindi nila alam kung saan nanggaling. Tila ba alam na ng mga ito na dito sila sa dadaan sa rooftop. âTangina,â mura ni Dustin sa sarili. May traydor talaga sa mga tauhan niya, at alam ng mga kalaban ang bawat plano at galaw niya. Sa oras na malaman niya kung sino ang traydor, maghanap na ito ng butas ng karayom na pwedeng pagtaguan, dahil siguraduhin talaga niyang siya mismo ang papatay. Gulat ang mga Dragon Knights, dahil sa dami nila, ngunit nahihirapan pa rin silang lapitan ang mag-ina. Ito lang naman ang inutos sa kanila. Ngunit hindi nila inaasahan na ganito pala kalupit kapag lumaban si Dustin. Ang alam nila, pinuno ito ng Black Dragon, which is kaya na rin nilang pantayan, dahil, lahat ng training ng Black Dragon, itinuro na rin sa kanila ng mahabang panahon. Ngunit nakapagtataka dahil lahat sila, halos nakaramdam ng panghihina sa bawat tama ng mga sipa nito sa k