Salamat sa pag-aabang. Sana maintindihan ninyo na naka base sa kondisyon ng katawan ko ang update ko. hindi ko ipipilit kapag hindi ko kaya. marming salamat. sa gustong ma reach out ako. hanapin nyo lang ang Rising queen na page ko. Maraming slamat.
“What?” Hindi makapaniwala si Hera sa na e-report sa kanya ng tauhan mula sa kanyang opisina. Kakagising niya lang at tumawag ito sa kanya. Binalita na pumunta ang kanyang Daddy sa opisina niya ng maaga pa upang kunin ang lahat ng files na pinaghirapan niya upang makuha ang bilyon na project ng SmithCom. Kahit ang kontrata na kapwa nila pinirmahan ng SmithCom kahapon pagkatapos ng bidding, ay kinuha rin ng Ama. “Hindi nila pwede makuha ang bilyon na projects na iyon.” dagdag na wika niya sa sekretarya na si Suzete. “Iyon na nga po Ma’am. Pero pinagpipilitan talaga ng Daddy mo na kunin ang files dahil hindi mo raw kaya na simulan ang malaking projects” paliwanag nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Lumalabas na ang pagiging unreasonable ng kanyang ama. Gusto talaga nitong pahirapan siya upang mapilitan siyang bumalik sa poder ng mga ito. “Sige, maraming salamat.” Tinapos niya ang pag-uusap nila ng sekretarya dahil wala naman na itong magagawa pa. Nagmamadali na siy
Sabay silang pumasok sa loob ng elevator. Pinindot ni Dwayne ang 5th floor kung saan naroon ang opisina ni Judge Lenon. "Love, kinakabahan ako," humigpit ang kapit ng mga kamay ni Hera sa braso ni Dwayne. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan, sa bagay na hindi naman dapat dahil ikakasal na siya sa lalaking laman ng puso niya. Siguro talagang ganito ang pakiramdam kapag ikinakasal, bongga man o, simple, pareho lang na kinakabahan. Nararamdaman niyang pinisil ni Dwayne ang nanlalamig na kamay niya."Calm yourself love, araw natin 'to, kaya dapat masaya tayo." Hinaplos nito ang pisngi niya bago sila lumabas ng elevator."Good Morning Ma'am, Sir," nakangiting bati ng secretary sa kanila ng makarating na sila sa harapan ng pintuan ng opisina ni Judge Lenon. "Goodmorning," nakangiti rin na bati nilang dalawa."Kanina pa po sila naghihintay sa inyo sa loob, Sir." Hindi mawala ang ngiti sa labi ng sekretarya.Binalingan ni Hera si Dwayne ng marinig ang sinabi ng babae. "Love, m
"Hera, sana mahalin mo ang anak ko. Hindi ko masasabing isang perpektong asawa ang anak ko, ngunit masasabi kong isa siyang mabuting tao. Aasahan ko na mamahalin mo siya, kahit pa malaman mo ang dark side niya. Alam kong mahal na mahal ka ng anak ko, kaya ikaw ang babaeng pinili niyang makasama habang buhay.""Pinapangako ko pong mamahalin ko si Dwayne..ah.. si Rhayan ng buong puso, tita.""Mommy, Just call me Mom. Miyembro ka na ng pamilya ko, kaya itinuturing na rin kitang anak." Pagtatama ni Rihanna sa daughter in law niya.Napaluha siya dahil sa sagot nito. Aaminin niyang sobrang bait ng pamilya Crawford sa kanya, dahil mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga ito."Oh, bakit ka umiiyak? Baka sabihin ng anak ko, kung ano na ang sinabi ko sa'yo at pinaiyak kita." Nakangiting wika ni Rihanna."Sorry, Mom. Hindi ko lang kasi maiwasan. Sobrang nahihiya po ako sa pamilya n'yo, lalo na sa inyo ni Dad. Aaminin ko pong hindi naging maganda ang trato ng mga magulang ko sa anak niyo. Hindi sila
"Love, gusto mo, hindi muna tayo uuwi? Ipapasyal muna kita. Honeymoon natin ngayon at gusto kong ipasyal kita kahit saang lugar mo gusto." Nakangiting wika ni Rhayan. Binalingan siya ni Hera ng may pagdududa kung totoo ba ang sinasabi niya. "Saan mo naman ako ipapasyal?" Halata ang pagpipigil nitong mapangiti. "Saan ba ang pangarap na puntahan ng asawa ko?" Pinagsalikop niya ang palad nilang dalawa habang nakatuon pa rin ang mga mata sa kalsada. Sinulyapan niya ang asawa. Nakita niyang sandali itong nag-isip. Makikita ang tuwa sa mga mata nito ng bumaling sa kanya. “Sige nga, kung seryoso ka. Gusto kong dalhin mo ako sa lugar sa South Africa kung saan aakyat tayo ng Treehouse na napapalibutan ng maraming ilaw. Hihiga tayo sa loob ng tent at sabay na panoorin ang mga nagkikislapan na mga bituin sa langit.” Napangiti siya habang tinitingnan ang papikit-pikit na mga mata ng asawa habang iniimagine ang sinasabi nito na lugar sa kanya. Nagdilat ito ng mata at sumimangot na tiningnan siya
Samantala si Rheniel, hininto muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada ng makitang tumatawag ang Kuya Rhayan niya. “Kuya,” bungad niya ng sagutin na niya ang telepono. “Pupunta kami ng Ate mo sa South Africa para mag honeymoon.” “Tsk..Kuya, kahit saan man kayong bahagi ng mundo mag honeymoon, hindi ako maiinggit. Bakit kailangan mo pang magpaalam?” “Tangina, sarap mong ibalibag!” Halata ang asar sa boses ng Kuya niya kaya siya umayos ng upo. Kapag nagmumura na ang Kuya niya, kailangan matakot na siya dahil makakaya nitong e-close lahat ng accounts niya. Narinig niyang muli itong nagsalita. “Makinig ka, Sabihin mo kay Nathan na huwag pumirma ng kontrata sakaling lumapit si Fernan Harrigan sa kanya. Just Ignore them. Matutuloy pa rin ang SmithCom Branch sa Whitebridge City. Ang asawa ko na ang bahala ro’n.” “T-teka, pwede mo naman sabihin kay Nathan directly, bakit kailangan ako pa ang magsabi, gabi ngayon Kuya, at ang oras ko dapat sa mga babae lang.” reklamo niya. “Hindi ko makonta
Pagkatapos ng isang linggo na honeymoon, napagpasyahan nila na umuwi. Kasalukuyan silang nakasakay ngayon sa private jet. Lihim na napangiti si Rhayan habang nakatitig sa natutulog na asawa niya. Nakahiga ito sa couch habang nakaunan ang ulo nito sa mga hita niya. Sinuklay suklay niya ang buhok nito, hindi pa nakuntento, yumuko siya, upang halikan ito sa noo. Halatang pagod ang asawa niya, dahil isang linggo nilang inikot ang mga lugar na gusto nitong puntahan. At sa bawat lugar na napupuntahan nila, sinisiguro niyang mayroon silang dadalhin na ala-ala kasama na ang pagniniig nila sa kama. Ayaw pa sana niyang umuwi dahil sobrang bitin ang isang linggo na honeymoon nila, ngunit talagang nagpupumilit na itong umuwi. Panay kasi ang tawag ni Don Fernan dahil sa kontrata na ayaw pirmahan ng SmithCom Corp. Di nagtagal, lumapag ang private Jet sa airport ng Whitebridge City, dahilan upang magising si Hera. Nakapikit parin ang mga mata nito habang nakakapit ang mga kamay sa hita ni Rhayan. “
Dumating ang gabi. Dinarayo ng maraming mayaman na bisita ang Whitebridge City. Isa lang naman ang lugar na kanilang pupuntahan. Ang Villa Harrigan kung saan ang kabuuan ng Villa ay napapalibutan ng mga nagkikislapan na liwanag. Maging ang buong palapag ng Mansyon ay naghuhumiyaw sa kinang at hindi papatalo sa kislap ng mga bituin sa kalangitan. Bituin na matatawag, dahil si Madame Motsha Harrigan ay itinuturing na nag-iisang bituin ng kanyang kapanahunan dahil sa angkin niyang ganda at natatanging kinababaliwan ng lahat ng mga binata noong dalaga pa siya. Maging sa ngayon hindi pa rin kumukupas ang ganda na iyon, tila ba sa pagtanda ng panahon, siya lamang ang naiwan na hindi tumatanda, at hindi man lang mababakas ang kulubot sa kanyang katawan. Parang Reyna siyang nakaupo sa isang gintong upuan na napapalibutan ng maraming palamuti at preskong mga bulaklak na nanggaling pa sa malayong bansa para lamang gawing dekorasyon sa kanyang gintong kaarawan. Lahat ng mga anak niya, in laws
“Lola, ito nga pala ang regalo ko sa inyo, sabay bigay nito sa isang hugis kwadrado na kahon kay Madame Motsha na tinanggap naman nito. Ngunit ang mga mata ay hindi pa rin inaalis kay Rhayan. “Ay, siya nga pala Lola, nakalimutan kong ipakilala sa inyo ang mahal kong asawa, si Rha–si Dwayne—” “Dwayne Villamor, po Lola.” nakangiting wika ni Rhayan ng maramdaman na nakalimutan ng asawa niya ang dati niyang apelyido. Lihim siyang napangiti dahil kumportable na ito sa Crawford. Malapad na ngumiti si Hera sa asawa saka muling binalingan ang Lola niya. “Iyon nga po Lola. Siya si Dwayne, Villamor.” “Pinsan, mukhang kahit sa apelyido ng asawa mo, halatang hindi man lang napabilang sa listahan ng mga mayayaman dito sa lugar natin.” “Oo nga naman insan. Narinig kong bodyguard mo raw siya dati kaya lang pina-ibig ka, kaya ngayon baliw na baliw ka na sa kanya. Naglayas ka pa nga raw sa bahay n’yo.” Nagulat si Madam Motsha dahil sa narinig. “Totoo ba iyan, Hera?” may himig galit ang boses n