May karugtong pa.
Habang nasa biyahe, biglang nagpaalam si Brenda. “Ahmm, mahal, gusto ko lang sanang magpaalam.” “Magpaalam? Mukhang kinakabahan naman ako niyan. May pupuntahan ka ba?” sinulyapan siya nito habang nagdadrive. “Hindi, I mean gusto ko sanang magtrabaho.” Pagbibigay alam niya rito. “Huh? Bakit kanpa magtatrabaho? Alagaan mo na lang si Gab.” malumanay nitong sagot. “Eh, kasi..ganito kasi yun. Bago pa man tayo nagkitang muli, nakapag-apply na ako ng kumpanya. Nakakahiya naman kung hindi ako papasok bukas. Nagsabi na kasi ako na magsisimula na ako sa trabaho ko bukas.” paliwanag niya. “Sunshine, hindi naman sa ayaw kong magtrabaho. Gusto ko lang na walang nagmamay-ari sa oras at atensyon ng asawa ko kundi kami lang ng anak ko.” Nakasimangot na sinulyapan niya ito. “Hindi naman nila makukuha ang oras ko eh.” Katwiran pa rin niya. “No, ayoko pa rin. Hindi ako papayag na magtatrabaho ka. Kung gusto mong magtrabaho, gusto kong sa kumpanya ko. Gusto kong nakikita kayo ng anak ko.” “Hindi b
Di nagtagal bumalik si Richard sa opisina niya dala ang files ni Brenda. Agad niyang binuksan ito. “Brenda Mijares Polido—Crawford.” dugtong niya habang lihim na nagbabasa ng buong pangalan ni Brenda sa Application nito. Nakangiti siya. Naimpress siya dahil sa katalinuhan ng future wife niya. Tinalo pa sya nito sa exam na ginawa ng Kuya Rhayan niya dahil Full marks ang resulta nito. Sumulyap siya sa gawi ng babaeng sekretarya kuno niya. “Kunin mo ang Employee ID niya.” Utos niya kay Richard. Halatang nagpipigil lang siya ng kanyang galit. May kababalaghan ba sa ilalim ng bawat departamento niya ng hindi niya alam? Namumutla naman sa takot ang mukha ni Cherrie ng maramdaman na pinagdududahan na siya ng presidente. Gusto na niyang tumakbo palabas ng opisina nito ngunit pinagbabantaan siya ng mga matatalim na titig ni Richard. Baka lalong madagdagan ang parusa niya kapag lumabas siya. “Ito po sir.” Binigay ni Richard ang ID. “Brenda M. Polido, Executive Secretary.” So, wife to be ng
“Sunshine, anong ginagawa mo?” Mabilis na hinatak ni Rheniel si Brenda mula sa loob ng taxi. Mabuti na lang naabutan pa niya ito. “Akin na nga si Gab, mamaya itakbo mo pa ang anak ko eh.” Kinuha niya ang anak mula sa braso ni Brenda. Nakita niya ang pagtulis ng nguso nito habang nakatingin sa kanya.Imbes na mainis siya dahil sa ginawa nito, malakas na tawa ang pinakawalan niya dahil sa nakikita niyang reaksyon ng mukha nito. “Halika ka nga dito, pinakaba mo ako kanina.” Hinapit niya ang baywang ni Brenda at ginawaran ng halik sa labi.“Sino ba kasi ang hindi mainis. Ikaw naman pala ang CEO ng RB pinahirapan mo ako kanina.” Masama pa rin ang loob ni Brenda dahil sa paglilihim ni Rheniel.“Sorry na, hindi ko naman kasi akalain na may ganito pa lang mangyayari. Ang gusto ko lang naman sana sorpresahin ka, ngunit ako pala ang na sorpresa. Pero hinayaan naman kitang makabawi sa kanila di ba?” Hinalikan ni Rheniel ang noo niya. Ngunit parang hindi pa rin siya natunawan sa sama ng loob. Ki
“Sunshine, ano ang nangyari sayo?” Nag-alala ni nilapitan ni Rheniel si Brenda. Saka pa lang nakabalik si Brenda sa sarili ng maramdaman ang presensya ni Rheniel sa harapan niya. Mabilis niyang pinahid ang luha at nagpanggap na parang walang nangyari. “May problema ka ba? Kung tungkol sa nangyari na sagutan natin kanina, I’m Sorry. Hindi ko alam na nandyan pala ang buwanang dalaw mo–” “Wala na ‘yun. Halika na nagugutom na ako.” Agaw niya sa sinabi ni Rheniel. Hinawakan niya ang braso nito at inakay pabalik sa kanilang table. Buong akala niya nakauwi na ang kanyang pinsan, ngunit doon pa pala nakaupo malapit lang sa table nila. Bigla siyang kinabahan. “Ah, mahal, biglang sumakit ang tiyan ko. Pwede bang sa bahay na lang tayo kumain? Take-out na lang natin ang pagkain.” “Huh?” Bigla namang tumayo si Rheniel at binitawan ang kubyertos na hawak nito. “Sobrang sakit ba ng tiyan mo?” Pasimple siyang sumulyap sa gawi ng pinsan niya na ngayo’y matalim na nakatitig sa kanya. “Ahhh, oo, an
“Sir, nandito na ang ni-request mo.” Sabay silang napatingin sa gawi ni Richard na kasalukuyan nakalusot ang ulo sa nakaawang na pintuan ng opisina. Katatapos lang nilang kumain at kasalukuyan ng naghahanda para sa monthly meeting ng kumpanya.“Ang alin?” Nagtataka na tanong ni Rheniel.“Yung dugo na ni-request n’yo po mula sa blood bank.”Namumula ang mukha ni Brenda na tiningnan si Rheniel. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Saka pa lang naalala ni Rheniel ang kalokohan niya. “Ilagay mo na muna sa freezer.” utos niya kay Richard.Waring natatakot naman ito na pumasok sa kanyang opisina. “Oh, bakit ganyan ang mukha mo?” tanong niya rito.“Sir, wala naman kayong lahing bampira hindi ba?”“Tangina! Ano ba ang pinagsasabi mo?” inis niyang tanong rito.Mabilis nitong pinasok ang ilang bags ng dugo sa freezer. “Wala po sir, alis na po ako.” Kumaripas ito ng takbo palabas ng kanyang opisina.“Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at nag-order ka ng dugo sa blood bank?” naiinis na tanong ni Br
"Sunshine maniwala ka, hindi ko talaga siya binuntis." Parang gusto na niyang lumuhod para lang maniwala ito sa kanya.Padabog nito na sinara ang pintuan ng kotse at mabilis ang mga hakbang na pumasok sa loob ng mansyon. Karga nito si Gab na ngayo'y tuwang-tuwa habang nakatingin sa kanya. Akala yata ng anak niya naghaharutan at naghahabulan sila. Ngunit ang totoo, naghahabol siya sa mag-ina niya para lang maintindihan ni Brenda ang paliwanag niya."Boss, tumatawag si Master Rhayan." Salubong sa kanya ng tauhan ng makapasok na siya sa mansyon."Sabihin mo mamaya na, tatawagan ko siya!" Tinabig niya ang kamay ng kanyang tauhan na may hawak na telepono. Patuloy siya paghahabol kay Brenda papasok ng kanilang silid."Anong ginagawa mo?" Mabilis niyang hinablot ang mga damit na pinapasok nito sa loob ng luggage. "Aalis ka?" Puno ng sama ng loob ang boses niya."Magkakaanak ka na." Mahinang sagot nito at muling hinablot sa kanya ang mga damit ngunit hindi niya iyon binigay."Ilang beses ko
“Walang hiya talaga ang lalaking ‘yun. Crush ko pa naman sana siya.” Natutup ni Suzete ang bibig dahil sa huling sinabi niya. Nasulyapan kasi niyang masakit ang tingin sa kanya ng asawa. “I mean, nagustuhan ko pa naman sana siya para sayo dahil akala ko ang perfect niyang maging asawa.”“Yan ba ang sinasabi mong perpektong lalaki? Nagkaproblema lang sila ng asawa niya, binaling na sa iba ang sama ng loob. Hindi dapat ganun.”Galit niyang binalingan ang asawa ng sumabat ito sa usapan nila ni Brenda. “Bakit? Ikaw din naman ah. Nahuli rin kita nakaraan na may ka chat na ibang babae.”“Honey, chat lang yun. Hindi ako actual na nakikipagkant*tan doon.”“Susmaryosep Arnel, ang bunganga mo. Hindi ka na nahiya kay Brenda.” Saway niya sa asawa. Ngunit natawa naman si Brenda dahil sa bangayan ng dalawa. Gayunpaman hindi pa rin nawawala sa isip niya ang imahe ni Rheniel at Eunice sa loob ng opisina nito. Ang sakit sa dibdib sa tuwing naalala niya. Ngunit kung iyon ang paraan ni Rheniel upang ka
Sa loob ng elevator, yakap-yakap ni Brenda ang brown envelope sa dibdib niya. Nakasuksok siya sa sulok ng elevator sa takot na baka masagi niya ang katawan ng kanyang boss. Nagtataka naman ito na binalingan siya. “What are you doing?” “Po?” tanong niya. “Are you sure you want to become my personal secretary?” Halata ang pagdududa nito sa kanya habang tinitingnan siya. Umayos siya ng tayo. “Yes sir. I’m confident that I can handle my job as your secretary if you will give me a chance.” Tuloy-tuloy niyang sagot. Nakita niya ang pagtaas baba ng adams apple nito na kay sarap tingnan dahil lalaking-lalaki ang dating nito. Napa Kurap siya ng mga mata ng makita na bahagya itong ngumiti ngunit hindi pinakita sa kanya. "I thought you didn't know how to smile, sir." Nasampal niya ang bibig ng napagtanto ang sinabi niya. Nakita niyang muli itong sumeryoso. Pinasok nito ang dalawang kamay sa loob ng bulsa at tuwid na nakatalikod sa kanya. “Why did you say that?” tanong nito habang naghihinta