Share

77. Umuwi na tayo

[Kiara]

Halos takbuhin niya ang daan papunta sa kinaroroonan ni Grant. Hindi na siya kumatok ng makarating sa kwarto na ukupado ni Grant. Pumasok na siya roon agad.

Bakas pa ang pagkagulat sa mukha nito ng makita siya.

Nanlalabo ang mata na nakatingin siya sa asawa niya na ngayon ay may benda sa ulo.

Yumakap siya rito habang umiiyak.

Hindi na talaga niya gusto ang salitang 'Hospital'

Kapag naririnig niya ang salitang ito ay nakakaramdam siya ng kakaibang takot at kaba.

Katulad kanina.

Sobrang takot niya na baka kung ano na ang nangyari sa asawa niya. Baka marinig nalang niya na iniwan na siya nito katulad ng ginawa ng daddy at kaibigan n'yang si Bea. Baka malubha ang nangyari rito katulad sa nangyari sa mama niya.

Dahil sa mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraan ay parang na-trauma na siya.

"G-Grant naman, bakit hindi mo gustong ipaalam sa akin na nandito ka. Kung ano-ano na ang iniisip ko kanina tapos narito ka lang pala." Humihikbi siniksik pa niya lalo ang ulo sa dibdib nito.
SEENMORE

My Free story ⬇️ ➡️THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status