[Kiara]Halos takbuhin niya ang daan papunta sa kinaroroonan ni Grant. Hindi na siya kumatok ng makarating sa kwarto na ukupado ni Grant. Pumasok na siya roon agad.Bakas pa ang pagkagulat sa mukha nito ng makita siya. Nanlalabo ang mata na nakatingin siya sa asawa niya na ngayon ay may benda sa ulo. Yumakap siya rito habang umiiyak. Hindi na talaga niya gusto ang salitang 'Hospital'Kapag naririnig niya ang salitang ito ay nakakaramdam siya ng kakaibang takot at kaba. Katulad kanina. Sobrang takot niya na baka kung ano na ang nangyari sa asawa niya. Baka marinig nalang niya na iniwan na siya nito katulad ng ginawa ng daddy at kaibigan n'yang si Bea. Baka malubha ang nangyari rito katulad sa nangyari sa mama niya.Dahil sa mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraan ay parang na-trauma na siya."G-Grant naman, bakit hindi mo gustong ipaalam sa akin na nandito ka. Kung ano-ano na ang iniisip ko kanina tapos narito ka lang pala." Humihikbi siniksik pa niya lalo ang ulo sa dibdib nito.
[Kiara]Tuwid na tuwid ang pagkakahiga niya at gano'n din si Grant. Ilang minuto na ba ang nakakalipas simula ng mahiga sila?Trenta? O higit pa?Tumagilid siya ng higa paharap kay Grant. Katulad niya ay gising pa ito."Masaya ako kasi ligtas ka." Titig na titig siya sa nakatagilid na asawa niya. Ang gwapo kahit saang anggulo.Tumagilid si Grant at humarap sa kanya."Mas masaya ako kasi nag aalala ka." Ang mga mata ni Grant ay puno ng damdamin, katulad ng laging laman ng tingin nito sa tuwing titingin sa kanya.Pagmamahal."Thank you for taking care of me, Mahal. Kahit napakalaki ng kasalanan ko sa'yo ay inaalagaan mo ako ngayon at inaalala, although I knew that I don't deserve your kindness." May lungkot na dumaan sa mata ni Grang, pero saglit lang iyon at agad din na nawala. "S-Siguro kailangan ko lang na maging masaya ngayon habang kasama pa kita. B-Baka kasi sa sunod ay tuluyan ka ng mawala..." Kumunot ang noo niya. "Mawala? Hindi ako mawawala, Grant. Palagi lang naman akong nandi
"Alis na ako, Ma! Bye, baby!" Ani Kiara habang may hawak pang slice bread sa isang kamay. Dala ang backpack na palagi n'yang dala ay umalis agad siya. Napapailing nalang so Josia habang nakatingin sa papalayong si Kiara. Alam niya sa likod ng ngiti ni Kiara ay kabaligtaran iyon ng tunay na nararamdaman ng kanyang anak.[Kiara]Awtomatikong nawala ang ngiti niya ng tumalikod siya.It's been six months. Kinuha niya ang Samsùng tablet sa loob ng backpack at tiningnan ang sunod na maaari n'yang puntahan. Lahat ng maaaring puntahan ni Grant ay ini-isa-isa n'yang puntahan. Baka sakali na makita na niya ang asawa niya.Pumikit siya para pigilin ang nagsisimula ng manlabo na mata. Hindi siya iiyak. Hinding-hindi.Alam niya na makikita niya at makakasama nila si Grant. Hindi siya nawawalan ng pag asa.Napagtanungan na niya lahat. Ang Kuya Kier niya, si Tito Paul, at ang ilang malalapit sa asawa niya. Pero wala talagang nakaka-alam kung nasaan ito. Ang ina naman ni Grant ay nakapagtataka na b
[Kiara]Nakangiting nilibot niya ng tingin ang kwarto nila ni Grant. Matagal-tagal na rin mula ng huli siyang natulog dito. Hinaplos niya ang ibabaw ng kama. Pumikit siya at inalala ang huling beses na magkatabi sila ni Grant rito ng magkasama. Nakaramdam siya ng pagkasabik. Maisip palang niya na magkikita sila ni Grant ay sobrang saya niya.Narito na siya sa mansion ng Saavedra ngayon. Kanina lang siya dumating dala ang iilan sa mga gamit niya. Matapos i-ayos ang mga dalang gamit ay bumaba na siya para tumulong sa pagluluto. Naabutan niya na naroon na sina Consing, Mercy, Joy at Lylia. Katulad ng dati ay abala ang mga ito sa pag uusap."Alam niyo naaawa ako kay Senyorita. Palagi nalang natin siyang nakikita sa labas ng mansion. Sigurado ako na inaabangan niya si Senyorito." Sabi ni Joy.Napatigil siya sa paghakbang. Dahil nakatakikod ang mga ito sa pinto ay hindi siya nakita ng mga ito. Kung gano'n ay nakikita pala siya ng mga ito sa tuwing sumisilip siya mula sa labas ng gate."Hi
[Kiara]Tama nga siya. Madaling araw aalis ang biyenan niya para puntahan si Grant.Dalawang araw na ang lumipas mula ng ibigay nito sa kanya ang Annulment paper na galing kay Grant. Kumilos siya ng normal at Kunwari ay walang alam tungkol sa pag alis nito para magawa niya ang plano niya.Ngayon nga ay narito siya sa loob ng sasakyan na ginamit ng biyenan niya. Bago pa ito sumakay ay nauna na siya rito. Alam niya kasi na ito ang gagamitin nito dahil ito ang nakita niya na bago sa mga koleksyon nitong sasakyan.Nakangiti siya na parang tanga habang nakatingin sa itaas ng sasakyan. Nakahiga kasi siya sa loob at nakasiksik para hindi siya makita ng biyenan niya.Mahirap na. Baka mabulilyaso pa ang plano n'yang pagsunod rito. Matagal din ang biyahe at inabot ng ilang oras. Ngalay na ngalay na siya sa pwesto niya. Mabuti nalang at may aircon ang sasakyan, kundi ay sigurado na pawis na pawis na siya ngayon.Huminto ang sasakyan. Rinig niya ang pagbukas ng pintuan at paglabas ng ginang. Umup
LIMANG ARAW!Gaano ba kalayo ang lugar na kinaroroonan ni Grant? Nasa Pilipinas pa ba sila? Miss na miss na rin niya si Kian, pero dahil wala ng signal ay hindi niya makontak ang anak.Tumayo siya at lumabas ng kwarto. "Kuya! Hanggang kailan pa ba tayo—" Natigil siya sa pagsasalita ng matanaw niya ang isang isla hindi kalayuan sa kanila.Napanganga siya."Here we are." Tumingin sa kanya ang kapatid niya. "This island is one of the private property of Saavedra's family. You will see him here, Kiara." Ito na... Makikita na niya ang asawa niya! Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng sobrang pagkasabik. Nang dumaong ang Yate ay inalalayan pa siya na bumaba ng kapatid niya. Dala ang backpack ay kulang nalang ay takbuhin niya ang—"Teka lang, Kuya Kier. Bakit parang puro gubat naman dito?" Wala siyang natanaw na bahay o ibang tao, maliban sa mga puno."Just follow the narrow road." Turo nito sa madamong daan na bahagyang nakahawi pagilid. Nakatayo lang ito at nakapamulsa na para bang walang
[Kiara]"Para matapos? Bakit mo nasasabi ang bagay na iyan? Ang sabi mo sa akin noon, mamahalin mo ako habang buhay. Nangako ka sa amin ni Kian na hindi mo kami iiwan, Grant." Patuloy siya sa pagluha. Akala niya ay magiging masaya na siya sa oras na magkita sila ni Grant. Pero bakit ganito?"N-Nawala ka nalang bigla... I-Iniwan mo kami ni Kian ng biglaan... H-Hinanap kita at hindi ako sumuko. Ang dami kong tanong." Pinahid niya ang luha at lumuhod sa harap nito. "Aaminin ko na natakot din ako. Ang daming pumapasok sa isip ko na hindi dapat... Kaya ngayong nakita na kita, sa tingin mo iiwan pa kita? Hindi kita iiwan, Mahal." Ngayon ay may idea na siya kung bakit nasabi ng kapatid niya na kailangan n'yang mapa-amo si Grant.Hinawakan niya ang kamay ni Grant, pero marahas na tinabig nito ang kamay niya."Stop pretending that you love me, Kiara. Alam kong nasusuklam ka sa ginawa ko noon. Can't you see my condition? Karma ko ito sa lahat ng nagawa ko sa'yo. Saka hindi ba ito naman ang g
[Kiara]Masama ang tingin na binato niya kay Walter ng ibaba siya nito."Ano ang gusto mong kainin? Just say it and I will cook it for you." Ani nito habang sinusuri ang laman ng refrigerator.Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin rito ng masama. Kung umasta ito ay parang walang ginawa sa kanya.Kumuyom ang kamay niya. Oo, inaamin niya na gusto n'yang umalis agad sa Islang ito ngayon. Paano niya naman kasi matatagalan rito kung nandito ang Kuya Walter niya?! Kung hindi lang talaga sa asawa niya ay hindi siya mag-i-stay rito."I'm sorry." Tumingin siya kay Walter. Nakatayo na ito ngayon sa harapan niya."I know that I'm jerk, but you can't blame me, Kiara. Talagang mahal na mahal lang talaga kita." Sa tuwing sinasabi nito ang katagang 'mahal' ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Lumaki siyang nakatatandang kapatid ang tingin rito kaya naman sinong hindi maiilang sa tuwing maririnig iyon sa mismong labi nito."I'm really sorry, baby. Nabulag ako ng pagmamahal ko