Share

75. Marupok

[Kiara]

Dilat na dilat ang mga mata niya. Hindi siya makatulog. Paano siya makakatulog kung kasama niya si Grant sa iisang kwarto. Oo, ilang beses na silang nagtabi. Ilang beses na nga silang naagtalik—

Iyon na nga ang problema!

Paano siya masasanay na malayo kay Grant kung ganito ang set up nila ngayon?

Galit nga siya di'ba? Paano naman niya mapapangatawanan ang galit niya kung magkasama sila sa iisang kwarto at gustong-gusto niya na makatabi ito?!

Oo! Inaamin niya! Gustong-gusto niya na katabi si Grant! Sinasabi niya lang na hindi siya marupok, pero anak ng tokwa!

Sino ang niloloko niya?

Umusod siya palapit sa kinahihigaan ni Grant. Hindi kalakihan ang kwarto niya kaya alam niya na hindi ito kumportable sa pwesto nito. Naglatag lang kasi ito ng makapal na comforter sa lapag.

Pilit n'yang inaaninag ang mukha ni Grant.

Kainis naman! Bakit kasi pinatay nito ang ilaw! Hindi tuloy niya makita ang mukha nito!

Umupo siya sa kama—

"Mahal?"

Nagmamadali siyang humiga at nagtulog-tulugan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status