Share

74. One room

[Kiara]

Pagkabalik niya sa Shop ay hindi nawala ang tanong ng mama niya sa isip niya.

Handa nga ba siyang patawarin si Grant?

Bumuntong-hininga siya. Ang totoo n'yan ay hindi niya alam. Kapag naaalala niya kasi ang ginawa ni Grant ay nasasaktan siya ng husto. Pinagkatiwalaan niya ito. Minahal ng sobra. Tapos malalaman niya na ito pala ang taong sumira ng buhay niya.

Ang sakit.

Natigil siya sa pag iisip ng makita si Grant na nakatayo sa harap niya.

"Ang sabi ko naman sa'yo wag mo na akong sunduin." Ang kulit naman. Kaya naman n'yang umuwi mag isa.

"Iisa lang naman ang bahay na uuwian natin kaya bakit hindi pa tayo magsabay?" Todo ngiti na sabi ni Grant.

Napasimangot siya. "Oo nga pala, no! Salamat sa'yo ha, ang galing mo kasi." Nakairap na sabi niya.

"Anong ginawa ko?" Si Grant.

Maang-maangan pa! E, pwede naman kasi itong tumanggi sa anak nila pero ang loko hindi ginawa!

"Pwede ba, Grant, wag kang pa-kunwari d'yan. Kasalanan mo 'to, e!" Kinuha niya ang sling bag at nauna ng lumabas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status