Share

FATHER AND SON

“MATAGAL KO NANG hindi nakikita si Roman,” pakikipag-usap ni Solenne sa kanyang bodyguard, habang hinihintay siya nitong pumasok sa loob ng kotse, “alam mo ba kung nasaan siya?” ang tanong.

Pakiramdam ni Owen ay nanigas ang kanyang katawan sa pagkakatayo sa tabi ng pintuang bukas, ng kotseng sasakyan ni Solenne, dahil sa narinig.

Nanatiling pinid ang kanyang mga labi.

“Bakit interesado kang malaman kung nasaan si Roman, Solenne?”

Hindi nilingon ni Owen ang nagsalita na kilalang-kilala niya ang tinig.

Tinig ni Theodore Rossell.

Napigil ang pag-angat ni Solenne sa kanyang mga binti. Nanatili itong nakayapak sa semento. Natitigilang napatitig siya sa asawang palapit sa kanila.

“Tinatanong kita, Solenne, ano ang interes mong malaman kung nasaan si Roman Romano?”

Lumabas ng sasakyan ang asawa ni Theodore. Taas ang mukhang tumindig at hinarap ang nagtatanong sa kanya.

“Wala ba akong karapatang malaman ang mga pangyayaring nagaganap sa mansion na ‘to,” patanong na sagot, “lalo na sa
Em Dee C.

Kailan matutuklasan ni Theodore at Owen ang pagiging mag-ama nila? Kailan magkikita si Brendon at Solenne? Hello Dear Readers. Enjoy! Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status