Share

HOSTAGE

WARING LUMULUNDAG SA tuwa ang puso ni Shelley nang mula sa dinudungawang bintana ay matanaw ang inaakalang si Russell na naglalakad, papunta sa bahay niya. Parang batang musmos, nagtutumulin itong tumakbo pababa ng bahay.

Huminto ito sa likod ng pinto. Pinigil ang excitement na nararamdaman. Hindi niya gustong ipahalata sa dumarating ang sobrang saya na kanyang nararamdaman.

“Baka isipin niyang patay na patay ako sa kanya,” ang bulong, “kahit nga totoo hindi ko pa rin ipapahalata sa kanyang head over heels in love talaga ako sa kanya. Hindi ko aaminin. Isipin pa niyang cheap ako!”

Hinintay ang pagkatok ni Owen.

Ngunit nainip na siya sa kahihintay ng pagkatok ng kinasasabikang makita ay wala pa rin siyang katok na naririnig.

Naghintay pa ng ilang sandali. Umasa na may nasalubong lang ito na kumausap kaya na-delay.

Wala pa rin ang katok na hinihintay.

Nag-alala.

“Baka may biglang kumidnap na sa kanya. Baka may sumalbahe. Baka…”

Maraming baka at kung ano-ano pang mga pag-aalala
Em Dee C.

When you're in doubt follow your heart. Paano susundin ni Shelley ang kanyang puso kapag nalaman niyang hindi si Russell ang lalaking minamahal niya? -Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status