Share

SIR THEODORE ROSSELL: AMA

“NAWAWALA SI BRENDON, may alam ka ba tungkol doon?”

Hindi matagalan ni Joanne ang matalim na pagkakatitig sa kanya ng umuusig.

Marami na siyang kinatatakutan, ngunit hindi niya inasahan na masasama sa listahan ng mga kinatatakutan niya ang ama ni Russell.

Ang makapangyarihag si Sir Theodore Rossell.

“W-wala po!”

“Ano ang kinalaman mo sa pagkidnap at pambubugbog ni Sandy Samedi sa kanya?”

Natataranta na siya. Nanginginig.

Guilty siya, ngunit hindi niya maaaring aminin 'yon!

Tumayo siya mula sa kinauupuan at tinalikuran ang nagtatanong, upang itago ang panginginig ng laman ng kanyang mukha at pamumutla nito. Ayaw niyang mabasa nito sa mukha niya ang guilt na kanyang nararamdaman.

“Hindi ko sinabing tumayo ka, Joanne,” saad ng kinatatakutan niya, “at huwag na huwag mo akong tinatalikuran kapag nakikipag-usap ako sa ‘yo. Huwag mo akong binabastos!”

Kumikibot ang mga muscle sa kanyang bibig at paligid ng kanyang mga mata dahil sa matinding takot na nadarama.

Takot na noon lang niya nadam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status