HINDI umiimik na pinagmamasdan ni Joanne ang bawat galaw ni Russell habang nagbubuhos ito ng wine sa baso ng alak. Pilit siyang naghahanap ng kaibahan ng mukhat at katawan nito sa lalaking nakita niya sa Shopping Mall at napagkamalang si Russel.
“Parehong-pareho sila ng lalaking ‘yon,” nasa isip niya, “pati height at built ng katawan nila ay parang iisa. Parang dalawang tao na inihulma sa iisang molde!”
Puzzle sa kanya ang lalaking napagkamalan niyang kanyang boyfriend at naging dahilan ng eskandalong naganap na siya ang nagsimula.
“Hayup na babae’yon,” nasambit niya nang malakas, dahil sa biglang galit na kanyang naramdaman nang maalala ang babaing sumipa sa kanyang likod,“hanggang ngayon nararamdaman ko pa ang sakit ng tadyak niya sa likod ko. Pati ang kirot ng binti kong napilipit dahil sa pagkakabagsak ko nang ma-off balance ako.”
“Hay, Babe, hindi ka pa ba nakaka-move on hanggang ngayon,” tanong ni Russel, “hindi na nga naghain ng reklamo ‘yong sinabunutan mo. Hindi na rin tinanggap ang perang iniaalok mo...”
“Nainsulto ako,” pagputol ni Joanne sa sinasabi ng boyfriend, “napahiya ako sa karamihan ng tao sa mall,” reklamo niya, “nagmukha akong kawawang tanga!”
Pinagmasdan ni Russel ang babaing nakasandal sa headboard ng kama. Nasa mga mata nito ang galit na hindi masusukat.
“Gagantihan ko ang babaing ‘yon,” banta ng girlfriend niya, “hindi ako matatahimik hangga’t hindi niya natitikman ang kahihiyang ibinigay niya sa akin!”
“Inumin mo muna ‘yang wine, Babe, para makalma ka,” suhestiyon ni Russel, “bakit naman kasi, makikipag-away ka lang ay nag-high heel shoes ka pa!”
“Malay ko bang masasabak ako sa away,” angil ng babae sa boyfriend nito, “kung alam ko bang mapapaaway ako, di sana’y dinala ko ‘yung baril ko!”
“O, tingnan mo ‘yan, pakikipagbarilan agad ang nasa isip mo.” Pilit pa ring pagpapakalma ng boyfriend ang girlfriend nito, “puwede ba relaks ka lang muna?”
Nag-isip ng paraan si Russel kung paano maiaalis sa isip ni Joanne ang babaing nakaaway nito.
“Teka nga, talaga bang kamukha ko ‘yong lalaking napagkamalan mong ako?” Tanong niya.
“Kaya nga ako napaaway,” sagot ng babae na sinundan ng pagsimsim ng alak, “mukha, kilay, mata, bibig pati ang tainga n’yo ay magkaparehong-magkapareho. Para kayong pinagbiyak na bunga,” paliwanag nito.
“Kasing-guwapo ko?” Pagbibiro ng lalake.
“Wala ka bang nawawalang kakambal?” biglang tanong ng babae.
Ilang saglit na nag-isip si Russel, bago naalala ang ikinuwento sa kanya ng kanyang ama.
“May kakambal daw ako sabi ni daddy, pero hindi nawawala,” sagot niya sa tanong, “namatay daw ‘yon, noon pang mga sanggol kami.”
“Sigurado ka bang namatay nga ‘yon? Nakita ba ng Dad mo ang bangkay? Nahawakan ba n’ya? Nailibing?”
Pinagtawanan ni Russel ang biglang na-excite at sunud-sunod na pagtatanong ng girlfriend.
“Puwede bang kalimutan mo na ‘yong kung sino mang lalaking ‘yon na napagkamalan mong ako,” ang wika, “nagmumukha ka ng baliw sa kagaganyan mo, e.”
Sumimangot na ininom ni Joanne ang wine mula sa basong hawak, bago nagsalita, “mahirap kalimutan, e. Para kasi kayong iisang tao!”
Kumunot ang noo ni Russel. Naiirita na siya sa kakulitan ng babaing katabi sa kama.
“Baka ‘yon ang doppelganger ko.” Pagkikibit balikat niya.
“Doppelganger? Ano ‘yon?”
“I-search mo kay Siri.” Sagot ng tinanong.
Inis na bumuntunghininga si Joanne, “hayaan mo na nga siya,” ang sabi, “ang importante ay nandito ka sa tabi ko!”
“Yeah!” Sagot ng lalake na nasiyahan sa nagbagong mode ng emotion ng kasintahan.
Kinuha niya ang glass of wine sa kamay nito.
Animo ahas na lumingkis ang babae sa likod niya. H******n ang kanyang batok at marahang binugahan ng mainit nitong hininga ang tainga ng boyfriend, upang mag-init ang pagnanasa sa katawan nito.
Ramdam ni Russel ang nag-iinit na katawan ng babaing nakayakap sa kanya. Ang matinding paghahangad sa laman ng kumalabit ang mainit na dila nito sa earlobe niya.
Pagbibigyan niya ang nag-iinit na babae.
Nagdikit ang kanilang mga labi. Nagpagulung-gulong sa malaking higaan, na tila naglalaban kung sino ang iibabaw at sino ang magpapailalim.
At katulad ng madalas mangyari, pinabayaan ni Russell na makapanaig at umibabaw ang girlfriend. Mas gusto niyang ito ang nagi-effort sa bawat pag-iisa ng mga katawan nila.
Mas nasisiyahan siya. Mas nasasarapan!
*** ****
“BRENDON!”
Takot at pag-aalala ang agad naramdaman ni Brendon nang marinig ang makapangyarihang tinig na tumawag sa kanya.
“Dad!”
“Naipa-check mo na ba ang sasakyang gagamitin ni Russell mamaya?”
Napalunok si Brendon.
Nakakaramdam na siya ng pagrirebelde sa sitwasyong kinalalagyan niya sa mansiyon ng mga Rossell. Pakiramdam niya’y isa lamang siyang sampid sa angkan ng bilyonaryong kung tawagin ng lahat ng nasa bahay na iyon ay Sir Theodore Rossell.
Na asawa ng kanyang inang si Solenne Stevens.
Ngunit bakit mistula siyang alalay lamang ng anak nitong si Russell Rossell? Para lang siyang badigard at tagasilbi ng mga kung anu-anong kailangan nito.
“O, bakit nakatulala ka riyan,” tanong ng bilyonaryo sa kausap, “para kang laging nawawala sa sarili mo!”
“Ha…Dad, kasi…” naghahagilap ng alibi si Brendon sa kung bakit lagi siyang natutulala, “ano kasi…”
“Sagutin mo na lang ang tanong ko,” pagputol ng stepfather sa gustong sabihin ng stepson, “naipa-check mo na ba ang sasakyan ng anak ko?”
ANAK KO.
Ang huling dalawang salitang sinabi ng kanyang ama-amahan. Na tila ba ipinamumukha sa kanya na hindi siya anak nito at si Russell lang ang nag-iisang anak na siyang nag-iisa at tanging nagtataglay ng apelyidong Rossel na siyang kadugtong ng pangalan nito.
Stevens pa rin ang dala niya apelyido hanggang sa mga sandaling iyon.
“Naipa-check mo ba ang sasakyang ipinapa-check ko sa iyo sa mekaniko,” muling tanong ng bilyonaryo sa tumaas na boses, “yes or no?”
“A, e, naipa-check na po. Yes po. Okay na po.”
Umiiling na tinalikuran na ni Theodore si Brendon. Nasa movement ng katawan at expression ng mukha nito ang inis na hindi itinago.
Nang biglang may naalala. Muling hinarap ang anak ng kanyang asawa, “by the way, how many times have I told you never to call me Dad,” tanong nito.
Natigilan ang tinanong. Naumid ang dila na hindi makasagot.
“I am not your father and I’m not giving anyone who is not my son to call me Dad,” pahayag ng makapangyarihang bilyonaryo na kanyang kaharap, “call me Sir Theodore, okay?”
Yuko ang ulong tumango si Brendon, kasabay ng mahinang pagsasabi ng “yes, Sir Theodore.”
Nakaramdam siya ng labis na panliiit sa sarili, lalo na nang walang paalam siyang iniwan ng lalaking ayaw magpatawag sa kanya sa taguring “dad”.
Tagos sa puso ang sakit ng mga pangungusap na binitiwan nito kay Brendon. Na sa pakiramdam ng kanyang stepson ay nakakainsulto, sa dahilan na ito ay anak ni Solenne Stevens ang pangalawang legal na asawa ni Theodore Rossel.
“May araw ka rin Sir Theodore Rossell. May araw din kayo ng anak mong si Russell. Gagantihan ko kayong mag-ama! At mangyayari agad ‘yon. Isinusumpa ko! ”
Sa pagitan ng mga nagngangalit na ngipin lumabas ang mga salitang binitiwan ng napopoot na si Brendon. Sumpang ibinaon niya sa kanyang puso at isipan.
“Handa akong lumangoy sa apoy ng impiyerno magantihan ko lang kayo!” Dagdag pa nito.
Nag-aapoy ang poot sa damdaming pinuntahan niya ang kotseng gagamitin ng anak ni Theodore Rossell. Kumuha ng wrench mula sa tool box ng suwelduhang mekaniko ng stepfather niya na nagme-maintain ng mga sasakyan ng pamilya nito.
Binuksan ang hood ng kotse. At nagsimulang magkalikot ng mga kung ano-ano doon.
“Mawawalan ng heir ang iyong ama, Russell Rossell. Kung hindi sa ospital ay malamang na sa sementeryo ang magiging kasunod na biyahe mo!”
Gumulong ang mahinang halakhak sa lalamunan ng lalaking naghahangad ng kamatayan ni Russell Rossell
*** ****
“SOLENNE STEVENS!”Kunot ang noong pinagmasdan ni Solenne nang mula ulo hanggang paa ang babaing bumati sa kanya.Maganda ang babae na kung pagmamasdan ay tila nasa early 40s ang idad. Mataas ito nang isang dangkal sa kanya. At dumagdag na kagandahan nito ang makikislap, masayang mga mata na nakangiti sa kanya.“Sino ka,” Tanong niya nang may kahalong pangmamaliit, “kilala ba kita?”“Sabi ko na nga ba’t hindi mo ako makikilala, e,” sagot ng babae, “I’m Francine! Francine de Castro. Mag-buddies tayo noong college tayo.”“Francine…” Mahinang pagsambit ni Solenne sa pangalan ng kaharap, habang nag-iisip.Funk kung tawagin niya ang Francine naka-buddy niya noong college days niya. Funk, dahil pangkaraniwan lang ang mukha nito. Iyong hitsurang makikita sa tabi-tabi, sa mga palengke at mga tindera sa bangketa.“Ikaw ‘yong babaing walang ka-class-class! Mahilig makibarkada sa magaganda at may pera.” Sambit niya nang nang-uuyam.Sa kanyang sarili ay hindi niya tinanggap na buddy ang babaing ‘
WE’RE SORRY BUT YOUR SCRIPT….”Nanlalabo ang mga matang hindi na itinuloy ni Shelley ang pagbabasa sa Email letter na kanyang natanggap.“Rejected na naman!”Hindi na niya naiwasan ang mapaiyak. Bumabaon sa kanyang damdamin ang sakit nararamdaman dahil sa halos hindi na niya mabilang na rejection ng kanyang mga script, mula nang magsimula siyang sumulat ng mga istorya at nobela.Nangingipuspos na sumubsob sa kanyang laptop si Shelley.“Ilang rejections pa ba ang kailangan kong tanggapin bago ako maging isang writer?” Umiiyak na tanong sa sarili.Matagal na sandali rin siyang naglunoy sa kalungkutan, bago pinakalma ang sarili. Isinara ang laptop.“Hindi ko siguro kapalaran ang maging manunulat,” pakikipag-usap sa sarili, “mag-iisip na lang ako ng ibang career na puwede kong pasukin.”Nangalumbaba. Nag-isip ng iba’t-ibang trabaho na puwede niyang karerin.“Hindi ako puwedeng maging sales manager, kasi mahina ako sa sales talk,” simula ng pakikipagdiskusyon sa sarili, “mag-vlog na lang k
BOG!Namilipit sa sakit na naramdaman si Rustan Ramirez. Hawak ang leeg niyang naghahabol ng paghinga, sanhi ng suntok sa lalamunan na tinanggap mula sa nakaaway.Na sinundan pa ng isang malakas na bira sa dibdib niya!BRAGG!Bumaluktot ang kanyang tuhod at paluhod na bumagsak sa harapan ng taong puno ng kalupitan ang kalooban.Walang malay na sumubsob sa paanan ng malupit na kaaway.Walang nakakilos sa mga taong naroon. Walang nakakibo. Lahat ay naghihintay nang mga susunod pang mangyayari.“Hindi lang ganyan ang aabutin ng kahit sinong magtatangkang kumalaban sa akin! Dahil ako ang nag-iisang hari ng seldang ito. Ako si…”“DOMINGO SABADO!”Napatingin ang lahat sa pumutol sa sinasabi ng hari ng selda.“Kilala kita,” saad ng lalake, “ikaw ang pinakamalupit at may pinakamalaking chain of gangs sa siyudad na ito, isang drug lord at… ano pa nga ba? Nakalimutan ko na ‘yung, iba,e.”Kumunot ang noo ni Domingo habang tinitingnan ang lalaking papalapit sa kanya.“Fans kita?” Tanong niyang na
“AYUN! “ Napalingon si Brendon sa pinanggalingan ng malakas na tinig. “Yong gagong ‘yon ang gumago sa akin sa loob ng selda.” Itinuturo siya ng lalake. Maputi na ang buhok ng lalake. Humigit kumulang sa animnapung taon na ang idad. Kumilos ito upang sugurin siya. Nasa mga mata ang labis na galit na sa wari ay handa siyang patayin sa gulpi. Nangiti si Brendon. Sa tingin niya ay hindi kakayanin ng matandang lalake na pasugod sa kanya ang lakas ng kanyang kabataan. Mayabang niyang iniliyad ang kanyang dibdib. Inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang at hinintay na makalapit sa kanya ang matandang napopoot. Nang bigla niyang maalala ang eksenang naganap sa selda 13, kung saan nakakulong ang lalaking iniutos ng kanyang ina na kanyang takutin, at bantaan na huwag ng tangkain pang tumakas sa kulungan dahil siguradong kamatayan lang ang sasapitin nito. “Si Domingo Sabado!” Nasabi niya na biglang nahintakutan. Agad siyang kumaripas ng takbo. “HOY!” Narinig niyang sigaw nit
PAK! Malakas na lumagapak ang palad ni Solenne sa pisngi ni Brendon. Pakiramdam niya ay umugong ang kanyang tainga at wari ay nakakita siya ng biglang sinag ng liwanag na hindi niya malaman ang pinagmulan, sa tindi ng sampal na kanyang tinanggap. “Ma, Bakit?” Tanong niyang nagtataka. “Nagtanong ka pa,” ganting tanong ni Solenne sa anak, “di ba’t ang sabi mo sa akin ay nanginig na sa takot ni Domeng? Na kailanman ay hinding-hindi niya tatangkain man lang na tumakas sa bilibid.” Naumid ang dila ng sinampal. “O, ayan,” isinalpak ni Solenne ang pahayagan kay Brendon, “balita na sa buong Pinas na nakatakas na naman ang hayup na matandang ‘yon!” Inihagis ni Brendon ang pahayagan. Inis na ibinagsak ang sarili, paupo sa silyang naroon sa receiving area ng bahay. “Sa kilos at arte mo ay parang alam mo nang nakatakas na nga ang Domingo Sabadong ‘yon,” saad ng ina, “ibig sabiin ginawa mo akong tanga na paniwalang-paniwala na nakakulong ang impaktong 'yon sa selda, pero yon pala ay nasa p
Natatarantang hindi malaman ni Owen ang gagawin. Hindi siya makakapayag na mabisto ni Russell ang pagiging doppelganger nilang dalawa. Nagmamadaling sapilitan niyang inaalis ang ang kamay na nakakapit sa kanyang braso, na ayaw bumitaw sa kanya. “Bakit? Saan ka na naman pupunta?” Tanong ni Shelley sa nagmamadaling makalayo. “Men’s room,” sagot ni Owen, “nakasama yata sa akin ‘yung kinain ko,” paga-alibi na niya, “k-kumukulo ang tiyan ko. Parang… parang…” “Okay, sige na,” wika ng naiinis na babae, sabay sa pagbitiw sa brasong kinakapitan, “baka nga dito ka pa nga magkalat, nakakahiya!” dagdag na sabi. Napailing ito habang tinatanaw ang halos magkandarapa sa pagtakbong si Owen na inaakala niyang si Russel. Na binangga ang totoong Russel na kanyang makakasalubong upang hindi agad ito makalapit kay Shelley. “Hey!” Sigaw ni Russel sabay lingon kay Owen, na hindi humarap sa kanya. Hindi siya pinansin ni Owen na walang lingon likod na nagpatuloy sa pagtakbo. “Bastos ‘to, ah,” inis si
MAHIGPIT ANG mga guwardiyang nagbabantay sa silid na kinaroroonan ng naaksidenteng si Russell Rossell, na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa nagkakamalay.Dalawang sescurity guard ang nasa saradong pinto ng kuwarto, at may mga naka-sibilyang security officers pa ang nasa mga tagong lugar.“Iba talaga ang rich and powerful,” ang nasa isip ni Owen, “super higpit ang bantay ng mga guwardiya! Takot na takot. Insecure na insecure at walang katiwa-tiwala sa kapwa nila,” nagpalakad-lakad siya. Hinanapan ng weak part ang security ng pasyenteng binabantayan ng mga ito, “sabagay may katwiran naman silang ma-insecure,” pag-iisip pa rin niya habang palakad-lakad sa di kalayuan sa mga guwardiyang nasa labas ng silid ni Russell, “e, heto nga ako at nagbabalak na ma-abduct ang anak ng multi billionaire na si Theodore Rossell, upang mapasa-akin ang kanilang kayamanan, kakambal ng paghihiganti ko para sa aking mama.”Nang lapitan siya ng isang alertong security guard na naka- civilian clothes
“PINABULAANAN ng pamilya ni Russel Rossell ang tungkol sa mga naunang balita na kasama nito ang pocketbook writer na si Shelley Silver nang ito ay maaksidente sa pagmamaneho. Ayon sa mga Rossell…” DING…DONG… Mabilis na iniwan ni Shelley ang panonood ng balita sa telebisyon. Nagmamadaling binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Russell ang dumating. Walang sabi-sabing pumasok sa loob ng bahay niya ang bisita, na agad ding itinulak na pasara ang pinto. Matagal na napatitig sa kanyang brasong may cement cast at sa ulo niyang hindi pa natatanggalan ng benda ang pangahas na dumating. “Bakit kasama mo ang boyfriend ko noong maaksidente siya?” Usig agad sa kanya nito. Mamahalin ang naamoy niyang pabango ng babaing nanggigigil, na ang isang kamay ay nakapamaywang habang ang isa naman ay halos dutdutin na ang kanyang mukha ng hintuturo nito. Puno ng pagkapoot ang mukha nitong maayos na napintahan ng make up. Mahahaba ang pekeng pilikmatang sinisilipan ng nandidilat na mga matang nakakatitig