Share

Kabanata 36

Kabanata 36

War

Everything was so fast. Na sa sobrang bilis ay halos hindi ito maproseso ng utak ko. Na sa sobrang bilis ng lahat ng pangyayari ay hindi iyon pumasok sa utak ko kaya nanatili akong tulala. Ilang minuto ako nakatitig sa duguang si Kiel bago ako tuluyang gumapang patungo sa kaniya. Dinig ko pa rin ang putok ng mga baril. Tila marami iyon at kung sino man ang target no’n ay wala itong balak na buhayin iyon.

“K-Kiel!” nanginginig kong sigaw nang makalapit ako sa kaniya.

Nakahiga ito. Nakapikit ang mga mata. Kumalat sa buong katawan niya ang dugo kaya hindi ko malaman kung saan ito tinamaan. Kasabay ng pag bilis ng tibok ng puso ko ay ang mabilis na paghawak ko sa kaniya. Pansin ko ang matinding panginginig ng mga kamay ko.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status