“Lumayas ka! Hindi ka namin pinalaki ng Daddy mo para maging isang sinungaling at kirida.” Sigaw ni Mommy sa kaniya. Napahawak ako sa bibig ko habang nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha.“My brother will gonna love this.” Rinig kong sabi ng kapatid ni Hiro na hindi ko na inintindi. Agad akong lumapit kay Daddy nang makitang susuntukin niya si Liro. Niyakap ko siya habang umiiyak.“Mom, Dad, hayaan na natin po sila. Pagkakamali lang naman ‘yong nangyari sa ‘min ni Liro. Alam natin na si Lianne talaga ang mahal niya.” Umiiyak na sabi ko sa kanila.“Cassandra, pumayag siya na pakasalan ka. Sa oras na sumumpa siya sa mata ng Diyos at sa harap ng maraming tao, nakatali na siya sa ‘yo. Kahit hindi ikaw ang minahal niya, sa ‘yo siya may iniwang sinumpaan bagay na hindi ko kailanman maunawaan kung bakit nagawa nilang dalawa ‘yan ni Lianne.” Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Mommy.“Pero Mommy, nasasaktan po natin sila. Nasasaktan mo po si Lianne. She’s your daughter after all. Anak na mas mi
Maaga akong gumising para pumunta kina Kristel. Maagang umalis ang mga magulang ko kaya malaya akong makakaalis sa bahay. Dumaan muna ako ng mall para bumili ng cake dahil plano kong tumambay sa kanila ngayon since nag leave siya sa trabaho. Hindi ko alam bakit nag leave ang bruha.Papasakay na sana ako ng elevator nang makita ko si Lianne kasama si Liro papasok sa isang store sa may di kalayuan dito sa kinatatayuan ko. Ngumiti ako dahil finally, tapos na ang balakid sa buhay nila. Masaya sana sila kung maaga ko lang nakilala si Hiro at nalaman na hindi pala si Liro ang lalaking nakasama ko no’ng gabi. Sana ay maayos pa sana ang relasyon ni Lianne kina Mommy.Agad akong pumasok sa elavator ng bumukas ito. Isasara ko na sana dapat nang may kamay na pumigil at pumasok si Liro. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.“I knew that it was you.” Sabi niya ng makita ako. He looks relieve na makumpirma na ako nga ‘to. Lumingon ako sa likuran niya para tignan kung kasama ba niy
Habang tumatakbo ang oras ay mas lalo akong hindi mapakali dito sa loob ng condo ni Kristel habang si Kevin naman ay nasa tabi ko at nakatingin sa ‘kin na nag-aalala. Gusto ko siyang makausap ngayon din at magpaliwanag sa kaniya ngunit kinakain ako ng kaba ko sa mangyayari.“Cassandra, alam ko namang mahal ‘yang cellphone mo, pero pwede bang ibaba mo muna yan? Why not e enjoy muna natin ‘tong gabi na ‘to?” Sabi ni Kristel habang nakatingin sa cellphone ko na nasa kamay ko. Tumingin ako kay Kevin, nasa tabi ko lang siya at nakatingin din sa ‘kin na puno ng pag-aalala. Nilahad ni Kristel ang kamay niya sa harapan kaya wala akong choice kun’di ibigay sa kaniya ang cellphone ko.“Cas, can we talk?” Napatingin ako kay Kevin at nangungusap ang mga mata nito habang nakatingin sa ‘kin.“Maiwan ko na muna kayo.” Sabi ni Kristel at gaya ng sabi nito ay iniwan nga niya kami ni Kevin para makapag-usap ng masinsinan.“Kamusta ka na Cas?” Tanong nito habang may lungkot sa mga mata.“Ayos lang nama
Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Naalala ko si Liro. Iniwan ko siya sa bahay. For sure, hinahanap niya ako, ngayon. Pero ayoko magsalita lalo na't wala sa mood itong lalaking katabi ko.Akala ko ba nasa Europe siya? Paano siya nakarating ng ganito kabilis?"Ang hirap mo mahalin, Love." Napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang magsalita. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating."A lot of filthy shit surrounds you," he added. I don’t know if I’ll laugh or not. I just smiled unconsciously while shaking my head. Kaya lumipad siya mula Europe papuntang Pilipinas dahil dito?"At ngayon, nakangiti ka diyan habang ang boyfriend mo naman ay galit na galit at nagseselos dito." Napatingin ako sa kaniya. Kailan ko pala siya naging boyfriend?"Una sa lahat, wala akong boyfriend kasi may asawa na ako." Pang-aasar ko sa kaniya, mas lalong nagdilim ang mukha nito. Hininto niya ang sasakyan sa gilid para huminto."Talaga?" Rinig na rinig ko a
Agad ko siyang tinulak, at mukhang nagulat siya sa ginawa ko. "Papasok na ako sa loob." Sabi ko sa kaniya at tumalikod agad saka nagsimulang maglakad papasok. Narinig ko pa ang mga tawag niya, pero hindi ko na pinansin. Kung ano man ang iniisip niya ay hindi tama. Pagpasok ko sa loob, dumiretso ako sa kwarto ko. Bahagya akong napaupo sa kama, iniisip ang nangyari sa amin ni Liro kanina. Sinubukan kong alisin iyon sa isipan ko. Inabala ko ang sarili ko sa mga gagawin sa kwarto habang hinihintay akong makatulog. Alas otso na ng gabi, dilat pa rin ang mata ko. Kinuha ko ang phone at nakita ang message ni Hiro doon. Nagpadala siya ng litrato niya sa veranda nila na may mga strawberries sa likod niya. "Itong lalaking ‘to ay iniinggit ako sa pagkain sa bahay niya," sabi ko sa sarili ko habang ini-scroll pababa ang larawang ipinadala niya sa akin. I saw some of those foods place at his desk. Mga pagkaing madalas kong kini crave ngayon. "Love, ano sa tingin mo?" Yung message na pinadala ni
Lumapit sa 'kin si Liro na hindi tinatanggal ang tingin sa papalayong si Hiro. Alam kong hindi niya nakita ang mukha ni Hiro ngunit alam ko ring marami siyang itatanong sa ‘kin ngayon. "Liro-" "You're cheating on me?" agarang sabi niya na nagpanganga sa ‘kin. Nagulat ako at hindi ko nagawang kumilos dahil sa mga paratang niya sa ‘kin ngayon. Anong ibig niyang sabihin? Namumula ang mukha niya at galit na galit. "Who's that man?" makikita sa mga mata niya ang galit at hindi ko naintindihan kung bakit ganoon ang reaction niya. Magpapaliwanag sana ako sa kaniya pero naisip ko, bakit naman ako magpapaliwanag? Sino ba siya in the first place? "What are you doing here?" kunot noong tanong ko sa kaniya. Sa pagkakaalam ko, pinagbawalan siya ng mga magulang ko na pumunta sa bahay. "Bakit hindi mo 'ko sagutin? Who's that man?" "Stop being a jealous husband, Liro. Walang namamagitan sa ‘tin and I think, it's none of your business kung may nobyo ako." I said what I should have said. It's no
Hindi ko na nireplyan si Liro o kahit si Hiro. Binalik ko ang cellphone na hawak ko sa loob ng bag. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang text ni Liro pero kung ano man ‘yon, hindi ko na dapat pa intindihin ‘yon. Mas lalo lang nitong ginugulo ang isip ko."Ayos ka lang hija?" tumingin ako kay Ms. Santola at ngumiti bilang sagot. Ginugulo ni Liro at Hiro ang isipan ko."Tell me if gutom ka na. Mag stop over muna tayo para makabili ng pagkain." Bahagya akong nahiya. Iniisip talaga nila ang kalagayan ko."Ayos lang po ako Aunt Liva. Thank you." I tried to show her my genuine smile para hindi na siya magtanong pa. Ayokong mag-alala sila sa 'kin. Masiyadong nakakahiya ‘yon.Pagdating namin sa ancestral house nila, agad kaming sinalubong ng mga katulong. Gaya sa bahay ni Hiro, nakasuot din sila ng damit na hindi pang karaniwan. Ganito ba talaga sa kanila? Parang nag co-cosplay lang ang mga maid nila sa bahay e."Pasok ka hija, they are waiting for you." Sabi ni Aunt Liva habang si Lih
Sinamaan ko siya nang tingin. Hindi ko pa rin makakalimutan kung sino si Artaya at iyong sinasabi ni Uncle Leone. Nang Makita niya ang titig ko sa kaniya ay agad siyang napalabi na akala naman niya ay ikina cute niya.“What are you doing here?” kunot noong tanong ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumapit sa ‘kin habang ang kamay ay nasa mga bulsa niya. Hindi ko winala ang paningin ko sa kaniya. Akala niya siguro na okay kami sa isang ngiti niya lang.“Are you still mad?” Ano sa tingin niya? Na masaya ako? Marami siyang hindi sinasabi sa ‘kin. Akala niya siguro na ayos lang ako pero hindi. At talagang tinatanong pa niya kung galit ba ako.“Ano sa tingin mo?” masungit na tanong ko sa kaniya. Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya na mas lalong ikinagalit ko sa kaniya. Bakit pa siya natatawa diyan. “Bakit ka natatawa? Akala mo ba natutuwa ako sa ‘yo?”Nang makalapit na siya sa ‘kin ay ramdam ko na ang luha sa gilid ng mga mata ko. “Why are you so sad?” Aniya pero natatawa pa rin siya.