Share

Chapter 21: Bye Baby Elisha

Ipinaalam nila sa pamilya ni Elizabeth ang nangyari. Katulad nila ay labis din ang hinagpis ng mga ito. Matapos ang labing dalawang araw na burol ay inihatid na nila ang mga ito sa huling hantungan. Bumalik na rin sa Maynila ang mga kaanak ni Elizabeth. Nagbago ang lahat sa buhay nila. Naging tahimik ang dati ay masaya nilang tahanan. Tatlo na lang sila ngayon, siya, si Roxanne at ang tatlong buwan na si Elisha.

Tatlong araw makaraang ilibing ang mga mahal sa buhay ay bumalik sa kanilang bahay si Don Manolo.

"Nais ko sanang kunin ang aking apo upang doon palakihin," anang matanda.

Inaasahan niya na ang ganitong usapan ngunit hindi niya inakala na ganoon kadali itong mangyayari.

Huminga siya ng malalim, "Tulad niyo ho ay gusto ho naming makasama at maalagaan si Elisha."

"Alam ko hija," malungkot na sabi nito.

"Ngunit doon ay mas maalagaan namin siya." Sabad ni George habang nakatayo at nakapamulsa ang dalawang kamay.

Tiningnan niya ito

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status