Share

Chapter 55: Ang Misteryosong Lalaki

George's POV

Madilim na ang paligid. Nagpatuloy kami ni Samantha sa aming paglalakad sa masukal na kagubatan. Medyo malayo na rin ang aming nalakad at totoong masakit na rin sa paa. May natanawan kami na maliit na dampa sa di kalayuan. May liwanag na nanggagaling dito na sa tingin ko ay galing sa ilaw ng lampara. 

"George may bahay," wika ni Samantha na kinalabit pa ako. 

"May nakatira sa ganito kaliblib na lugar?" May pagdududa kong tanong.

"Bakit, hindi naman impossible iyon di ba?" Ani Sam na nagpatiuna nang lumakad palapit sa bahay. 

Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang. 

"Tao po! Tao po!" Tawag nito.

Batid kong may tao sa loob dahil sa may mumunting kaluskos akong naririnig. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumukas ang kahoy na pintuan. 

"Sino iyan!?" Pasigaw na tanong ng isang matandang lalaki na may bitbit na sa hula ko ay itak.

"Magandang gabi ho, Manong. Makikisilong ho sana kami,"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status