Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos ng isang masamang panaginip. Umaga na pala. May mumunting liwanag na pumapasok mula sa mga siwang ng bahay. Hindi ko alam kung paanong nakatulog kami nang mahinbing ni Sam. Halos sabay rin lang kaming nagising.
"Good morning, George," humihikab na bati ni Sam sa akin.
"Morning must be very good if we're not in this situation," pagmamaktol ko sabay bangon.
Ilang sandali pa ay may narinig kaming paparating lulan ng kabayo. "Ha!"
"May tao," wika ni Sam.
"Baka si Russell," sagot ko sabay labas ng bahay. Tama ang hinuha ko. It was Russell at mayroon siyang dalawang kasama na nakasakay rin sa kabayo.
"I hope you had a good sleep," wika ng lalaki habang pababa sa kanyang kabayo. "I planned of getting back last night para sunduin kayo lamang ay wala ang isa kong tauhan para magdala ng isa pang kabayo. Minabuti kong ngayong umaga nalang kayo puntahan," anito.
"It's alrig
Sa bahay...Isinandal niya ang likod sa kawayang upuan at hinilot nang bahagya ang sentido. Hindi niya maiwasang mastress dahil sa sitwasyon niya ngayon. Oo nga’t mayroon siyang trabaho ngunit sa aminin niya’t hindi, medyo hikahos pa rin sila sa buhay. Sapat lang ang sinasahod niya bilang isang public school teacher upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan at pag-aaral ng dalawang kapatid sa kolehiyo.“O Estella anak, mukhang pagod ka na. Maanong magpahinga ka muna.” Sabi ng Nanay Lourdes niya.“Sandali na lang ho ito Nay at matatapos na rin ako.” Sagot niya sa ina.“O siya sige, huwag kang masiyadong magpapagod at baka magkasakit ka.” May himig pag-aalalang saad nito.Mula sa pagkakaupo inabot niya ang beywang ng ina at niyakap ito nang may pagmamahal. “Huwag po kayong mag-alala sa’kin Inay. Mukhang kayo po ang kailangang magpahinga.”Batid niyang magha
Nahihilo na siya sa biyahe. Mula sa airport ay agad siyang pumara ng taxi papunta sa hotel na pagdarausan ng seminar. Kung bakit naman kasi hindi niya naitanong kaagad noon kay Mrs. Castro kung saan ito gaganapin. Kailangan pa pala niyang lumuwas mula sa probinsiya nila hanggang dito sa NCR.“Tsk…it’s okay, anyway nandito naman na ako,”kausap niya sa sarili. Pumara ang sinasakyan niyang taxi sa isang magarang hotel. Sa unang tingin pa lang ay talagang nakakamangha ang ganda nito.“Del Castillo Hotel and Restaurant,” basa niya sa signage sa entrance nito. Agad siyang lumapit sa front desk.“Good morning ma’am, welcome to Del Castillo Hotel and Restaurant. How can I help you?” magiliw na bati ng hotel receptionist sa kanya.“I am here to attend a seminar,” pagsisimula niya. Sinabi niya ang pangalan ng seminar na dadaluhan.Mabuti na lang at may nakareserve na palang rooms
Last day na ng seminar nila ngayon. At long last, makakauwi na rin siya sa pamilya na sobra-sobra na niyang nami-miss. Napagpasyahan nila Christine at Roselyn na mamasyal muna at mamili na rin ng mga pasalubong pagkatapos ng seminar at bukas na lang ng umaga umuwi. At siyempre, hindi pumayag ang mga ito na hindi siya sumama."Sige na Ella sumama ka na, minsan lang naman ito", pamimilit pa ni Christine. Ella ang tawag sa kanya ng mga kaibigan at dati niyang kaklase."Oo nga Ate Ella, 'wag masyadong kuripot. Bawasan din minsan ang pera mo sa bangko," natatawang biro naman ni Roselyn.Wala na nga siyang nagawa at sumama na rin. Tama rin naman ito, minsan lang talaga ito. Bihira na siyang nakakapamasyal simula ng mamatay ang tatay niya at maipasa sa kanya ang pagtataguyod sa kanilang pamilya. Mahal niya ang nanay at mga kapatid niya kaya hindi mabigat sa loob niya kung siya man ang naging bread winner nila. Kung nabubuhay lamang ang tatay niya, hinding hindi sila ni
Madaling araw pa lang ay gising na sila. Dala marahil ng stress sa nangyari nang nagdaang gabi ay hindi siya gaanong nakatulog. Idagdag pa ang sakit ng tagiliran na nararamdaman niya. Kahit puyat ay nagawa niyang bumangon at maghanda para sa mahaba-haba ring biyahe."May malapit na fast-food dito, dumaan muna tayo nang malamnan ang mga tiyan natin bago tayo magbiyahe. Mahirap magbiyahe na walang laman ang tiyan," anyaya ni Christine. Sa loob ng isang linggo nilang pagsasama-sama nila sa isang hotel room ay ito ang laging nangunguna sa pagpapl
George's POV:"Nacontact niyo na ba?" Tanong ng ama sa kanya."Not yet Dad." Medyo nabubwisit na siya sa kapatid. Magtatatlong araw na itong wala and none of her friends could tell where she is. Wala rin ang bestfriend nitong si Marie. Ayon sa parents nito ay nasa probinsiya raw. "If she's there with her, then why not bother to answer the phone!" Maktol niya."Try to call her again son. I'm so worried for your sister." Utos ng ama. "If you won't find her today, I'll get a private detective to go search for her."Mahal na mahal nito ang kapatid niya. Namatay kasi ang mommy nila sa panganganak dito kaya mula noon ay siniguro ng daddy nila na kahit wala ang mommy ay hindi mararamdaman ng kapatid na kulang sila. Ibinuhos nito ang pagmamahal sa bunso. Siya ng mga panahong iyon ay fifteen years old na kaya nauunawaan na niya ang lahat. Katulad ng ama ay labis rin ang lungkot niya sa pagkawala ng ina. Mahirap lumaki na walang inang gumagabay. Sabihin mang
Estella's POV: Bago pa man makalabas ng pintuan ay natanaw niya ang pagbaba ng isang lalaki mula sa driver's seat ng sasakyan. He's a beautiful man in his middle thirty wearing a blue denim jeans, white t-shirt and a pair of cool white sneakers. He looks so fresh in his faded undercut hair style. His aura seems so powerful. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nakita na niya ang lalaking ito. Tama! Siya 'yung nabangga niya sa may elevator at sa Pasalubong Center three months ago. Pero ano ang ginagawa niya rito? Kinakabahan man ay naglakas loob siyang lumabas upang masagot ang mga tanong niya. George's POV: Sinuyod ng kanyang paningin ang bahay na kinaroroonan umano ng kapatid. Isa itong bungalow type of house. Shade ng blue ang pintura ng wall nito at at mas dark na blue naman ang bubong. Napapalibutan ito ng bakod na kawayan. Sa loob at kaliwang bahagi ng bakuran ay may dalawang puno ng mangga na may nakabitin na duyan. Maraming or
Two weeks later...Bumalik na si Elizabeth sa Maynila kasama ng kuya nito. Si Troy naman ay bumalik na rin sa eskwela. Nangako si George na ibabalik ang kapatid kapag naayos na ang lahat. Ayaw nitong biglain ang ama kaya humingi ng panahon para masabi rito ang tungkol sa kapatid. Nalaman niya na tanging ang daddy na lang ng mga ito ang nabubuhay.Katulad ng dati, laging minomonitor ng ina ang dalawang kapatid. Sa katunayan ay mas naging mahigpit pa ito, lalo na kay Roxanne. Hindi na nito nais na maulit sa huli ang nangyari kay Troy. Mas lalo itong n
Araw ng Linggo...Maaga silang bumangon. Nakaugalian na nilang magsimba bawat Linggo kasama ang buong pamilya. Ngayon, nadagdagan na ang miyembro ng pamilya nila. Sa mga susunod na buwan ay isisilang na rin ni Elizabeth ang unang pamangkin niya. Natutuwa siya sa isiping ito. Masiyado pang maaga para maexcite dahil tatlong buwan pa lang naman ang tiyan nito ngunit hindi niya na mahintay ang pagdating nito."Handa na ba kayo? Tanong niya sa mga kapatid pagkalabas ng silid. Sabay-sabay sila lagi sa pagpunta sa simbahan."Oo ate, kanina ka pa nga namin hinihintay eh," sagot ni Roxanne."O siya tayo na." Wika niya sabay pulot sa sling bag. "Ang inay?" Hinanap ng kanyang paningin ang ina."Nasa labas na, kausap si Aling Teresa." Sagot nito. Ang magkasintahang Troy at Elizabeth naman ay nagpatiuna nang lumabas matapos magpaalam sa kanya."Ganoon ba? O siya, sige tayo na." Lumingon siya sa kusina at may hinahanap ang mga mata niya.Tumikhim s