Share

Chapter 6: Him and Her: Into Each Other

Estella's POV:

Bago pa man makalabas ng pintuan ay natanaw niya ang pagbaba ng isang lalaki mula sa driver's seat ng sasakyan. He's a beautiful man in his middle thirty wearing a blue denim jeans, white t-shirt and a pair of cool white sneakers. He looks so fresh in his faded undercut hair style. His aura seems so powerful.

Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nakita na niya ang lalaking ito. Tama! Siya 'yung nabangga niya sa may elevator at sa Pasalubong Center three months ago. Pero ano ang ginagawa niya rito? Kinakabahan man ay naglakas loob siyang lumabas upang masagot ang mga tanong niya.

George's POV:

Sinuyod ng kanyang paningin ang bahay na kinaroroonan umano ng kapatid. Isa itong bungalow type of house. Shade ng blue ang pintura ng wall nito at at mas dark na blue naman ang bubong. Napapalibutan ito ng bakod na kawayan. Sa loob at kaliwang bahagi ng bakuran ay may dalawang puno ng mangga na may nakabitin na duyan. Maraming ornamental plants ang nakatanim sa harapang bahagi ng bahay na halatang alagang-alaga. Pagkatapos ng ginagawa niyang obserbasyon ay nagpasya na siyang bumaba ng sasakyan.

"I’m George Del Castillo and I am looking for my sister, Elizabeth. Where is she?" Mahinahon niyang kausap sa babaeng lumabas mula sa bahay. Sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nito at ni Elizabeth. Marahil ay kapamilya ito ng lalaking sinamahan ng kapatid.

"N-Nasa loob ho..." Kinakabahang sagot nito.

"Roxanne..." tawag ng isa pang babae sa kausap niya. Napadako ang tingin niya rito. The woman standing across him, isn’t she the clumsy fellow he met three months ago? Kung hindi siya nagkakamali ay nasa late twenties na nito. Maliit ngunit matangos ang ilong na bumagay sa hugis pusong mukha nito. Her eyebrows are perfectly trimmed paired with deep, beautiful black eyes...it's blackness reflects a strong woman, though they manifest innocence in her.

His gaze dropped to her bow-shaped lips. Mapupula ito at mukhang malambot at masarap halikan. He went back to his senses ng magsalitang muli ang babae.

"Si Elizabeth ang hinahanap ninyo, tama ba ako?" Tanong nito.

"That's right. I'm her brother, and what are you to the kid who impregnated her?" Bigla niyang naalala na narito siya para sa buntis niyang kapatid. Bumangon ang inis sa dibdib niya ng maalala ang sitwasyon nito. He did not realized that he already outspoken his thought, "Masyado pang bata ang kapatid ko para mabuntis." Nagtatagis ang mga ngiping sabi niya.

Mukhang hindi nagustuhan ng babae ang sinabi niya at tumalim ang tingin nito sa kanya. Naningkit ang kanina'y nangungusap nitong mga mata, "Well Mister, bata rin lang ang kapatid ko."

"Yeah, that's right. That's precisely the reason why I am here to fetch my sister. Now, where is she?" He said in a cold tone.

"Fetch her? Pag-uulit nito sa sinabi niya.

"You heard it right. Huwag na natin pang pahabain ang usapang ito. Let her out so that we can travel back home." Gusto na niyang kunin ang kapatid at nang huwag ng mag-alala ang ama.

Mula sa pintuan ay lumabas ang isang may edad na babae.

"Ako ang nanay ni Troy. Ang boyfriend ng kapatid mo. Siguro ay mas mabuti sa loob tayo mag-usap." Hindi niya alam kung pakiusap ba iyon o utos. Gayunpaman ay sumunod na lang siya upang hindi makagawa ng iskandalo gayong nagsisimula na ring makiusyuso ang ilang kapitbahay.

***

Nakaupo siya ngayon sa pang-isahang kawayang upuan na nakaharap sa may pinto. Sa harap niya ay si Aling Lourdes, samantalang magkatabi naman sa mahabang upuan sina Troy at Elizabeth habang ang ate ni Troy ay nakatayo at patagilid na nakasandal sa kanang hamba ng pintuan. Nakaharap ito sa kanila habang nakahalukipkip at seryoso ang mukhang nakatingin sa kanila. Marahil kung hindi siya isang George Del Castillo ay na-intimidate na siya sa aura nito. She's wearing a dolphin shorts and a fitted blouse kaya kitang-kita niya ang flawless at perfectly shaped legs nito. Maging ang maliit nitong baywang at malusog na dibdib ay halata sa suot nito. She's maybe about five feet and four inches tall according to his estimate. Her black, straight and shoulder length hair just made her look even gorgeous. Looking at her is making his system a bit strange. There is something in this woman that made him uneasy. It's as if he wanna pull her and have her in his arm...and feel her body against him. "Shit!" He scolded himself. Bumalik lang sa tamang huwisyo ang isip niya nang marining ang tinig ni Aling Lourdes.

"Iho, nais kong pag-usapan natin ito nang maayos. Batid nating pareho ang sitwasyon ng mga bata." Pagsisimula ng matanda. "Pareho pa silang wala sa tamang gulang. Dise-otso anyos na ang aking si Troy ngunit nag-aaral pa siya. Si Elizabeth naman ay dise-siyete lang. Ngunit nandiyan na iyan. Magalit man tayo ay wala rin itong maidudulot na maganda."

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ng matanda. Sa isang banda ay tama ito. Naisip rin niyang hindi rin naman mabubuntis ang kapatid kung hindi nito gusto. So, there's no reason to act so rude in front of this family. Tinapunan niya ng tingin ang kapatid. Nakayuko lang ang ulo nito habang magkahawak kamay ni Troy. "Elizabeth, what are you gonna say?" Nag-angat ito ng tingin at nagsimulang bumuka ang bibig para magsalita.

"Stop," pigil niya rito. "Don't explain to me. Dad is waiting for you back home. Sa kanya ka na lang magpaliwanag. As for me, I was just worried since you were not answering all our calls. But, seeing you fine...I guess I don't need to be so upset anymore. Besides, I don't want you to get stress at baka mapano pa ang pamangkin ko." He smiled at her and said. "Come here little girl." Iniunat niya ang mga braso para palapitin ang nakababatang kapatid. Nangingilid ang mga luha nitong tumayo at lumapit sa kanya. Niyakap niya ito at buong pagmamahal na sinabing, "I love you Elizabeth dear. Don't make kuya worry again." Hinalikan niya ang buhok nito.

Estella's POV:

Naiirita na siya sa George Del Castillo na 'to. He seems to be eye-raping her. Kasalanan din naman niya. Dahil sa sobrang pagmamadali ay hindi na niya nagawang magbihis ng disenteng damit. Mas lalo siyang nainis ng mapansing napadako na ang tingin nito sa dibdib niya. "Pervert", sigaw ng isip niya.

Mabuti na lang at madali naman pala itong kausap. Natuwa siya ng marining at makita ang pagmamahal nito sa kapatid. Napangiti siya ngunit agad ding nawala iyon ng makitang sa kanya na naman ito nakatingin. Gusto na niya itong pandilatan ngunit parang lumundag ang puso niya ng ngitian siya nito. He even winked and it made her blush.

His eyes were still on her while hugging his sister and said "I promised Dad na iuuwi ko si Elizabeth. Siguro naman ay okay lang na isama ko muna siya." Pagpapaalam nito. Hindi siya sigurado kung siya ba ang kausap nito. Kapagdaka'y lumipat ang tingin nito kay Aling Lourdes.

"Sasama ako," ani Troy.

Tinapunan nito ng tingin si Troy. "Mas maiging huwag na muna. We will let our father know about Elizabeth's pregnancy, first."

"P-Pero..."naputol ang sasabihin ni Troy nang magsalita itong muli.

"Don't worry Troy. Hindi ko ilalayo sa'yo ang kapatid ko. And for sure, hindi rin gugustuhin ni Dad na lumaking walang ama ang kanyang apo." Paninigurado nito. "...and I guess, I have reasons for coming back here." dugtong nito.

"What reasons kuya? maang namang tanong ng nakababatang kapatid nito.

Ngumisi ito at makahulugan ang tinging ipinukol sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status