Share

Chapter 13: Flashback

Sa isang bench sa ilalim ng mayabong na punong mangga niya naisipang umupo. "Ang hirap naman nito," Nahilot niya nang bahagya ang sentido sabay tiklop sa notebook. Kanina pa niya sinusubukang i-solve ang assignment nila sa physics. Parang ang dali lang naman nito kapag idini-discuss ng professor nila, pero bakit ngayon parang nagrambolonan na yata ang isip niya. Hinihintay niya si Odette dahil magaling ito pagdating sa numbers, kaya lang ay wala pa rin ito. "Focus Estella, ilang minuto na lang ipapasa mo na 'to. Nakalimutan niya kasi itong sagutan kagabi. Sinubukan niya ulit ngunit ewan at parang walang pumapasok sa isip niya kaya sumuko na siya. Mabuti sana kung grammar ito, baka natapos niya kaagad. Ititiklop na sana niya ito nang may nagsalita sa likuran niya.

"Just follow the formula and you'll get the correct answer," anito.

Lumingon siya para tingnan kung sino ang nagsalita. "Sino ba 'to?" tanong niya sa isip.

"Here, let me h

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status