Share

Chapter 52: Pagbisita Ni Simon

Estella's POV

Kagabi pa ako walang tigil sa pag-iyak. Labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa aking asawa. Ano kaya ang kalagayan niya ngayon? Kagabi matapos ang insidente ay hiningan ako ng statement ng mga pulis. Tinanong nila kung sino ang posibleng gumawa nito sa amin. Wala akong ideya maliban kay Samantha na alam kong matindi pa rin ang pagkakagusto kay George. Ngunit wala raw ito sa condo unit nito nang puntahan ng mga alagad ng batas. Mas lalong tumindi ang aming hinala na ito nga ang nagpakidnap kay George. Subalit, nitong umaga lang ay tumawag ang pulis na humahawak sa kaso. Ipinaaalam nito na nakita raw sa CCTV footage na tinangay ng mga armadong kalalakihan si Samantha ilang minuto lang ang nakalipas matapos ang nangyaring pananambang sa amin. Dumulog na rin daw sa kanilang himpilan ang pamilya nito upang ipaalam ang pagkawala nito. Kasalukuyan nilang pinagtutuunan ang dalawang magkaparehong kaso na tingin raw nila ay may koneksiyon sa isa't-isa.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status