Last day na ng seminar nila ngayon. At long last, makakauwi na rin siya sa pamilya na sobra-sobra na niyang nami-miss. Napagpasyahan nila Christine at Roselyn na mamasyal muna at mamili na rin ng mga pasalubong pagkatapos ng seminar at bukas na lang ng umaga umuwi. At siyempre, hindi pumayag ang mga ito na hindi siya sumama.
"Sige na Ella sumama ka na, minsan lang naman ito", pamimilit pa ni Christine. Ella ang tawag sa kanya ng mga kaibigan at dati niyang kaklase.
"Oo nga Ate Ella, 'wag masyadong kuripot. Bawasan din minsan ang pera mo sa bangko," natatawang biro naman ni Roselyn.
Wala na nga siyang nagawa at sumama na rin. Tama rin naman ito, minsan lang talaga ito. Bihira na siyang nakakapamasyal simula ng mamatay ang tatay niya at maipasa sa kanya ang pagtataguyod sa kanilang pamilya. Mahal niya ang nanay at mga kapatid niya kaya hindi mabigat sa loob niya kung siya man ang naging bread winner nila. Kung nabubuhay lamang ang tatay niya, hinding hindi sila nito pababayaan.
.
.
Mula sa pamamasyal at paglilibot sa mall na malapit din sa hotel na tinutuluyan ay napagawi sila sa isang Pasalubong Center. Ang gaganda ng mga handicrafts, fashion accessories, souvenirs at gift items na naroroon. At siyempre bilang Filipino ay hindi mawawala ang pagkain. Nakahilira ang iba't-ibang processed food sa isang section. Napag-alaman niya mula sa salesperson na ang mga produktong naroon ay galing sa iba't-ibang rehiyon ng bansa. May nakita siyang strawberry jam at naalala ang kapatid na si Roxanne. Gustong-gusto nito iyon kaya kumuha siya dalawang garapon at binitbit habang tumitingin sa iba pang magustuhang bilhin. Hindi na niya iyon inilagay sa shopping cart dahil wala naman siyang balak mamili ng marami. Hindi pa man nakakalayo ay naisipan niyang bumalik muna sa mga kasama kaya pumihit siya pabalik...na sana ay hindi niya ginawa...
May tao pala sa likuran niya at huli na para pareho silang makaiwas. Tumama ang mukha niya sa matigas nitong dibdib na halos ikahilo niya. Na off balance siya at natumba sa estante ng mga jar products dahilan upang mahulog ang ilang garapon at mabasag kasama na ang dalawang hawak niya na nabitiwan dahil sa kabiglaan.
"What the!" bulalas ng lalaki bagama't hindi itinuloy ang pagmumura. "Are you al---," saglit itong napahinto sa pagsasalita. "You again?" Kunot-noong turan nito.
Agad na dumulog ang mga staff ng tindahan at tinulungan siya.
"Ano po bang nangyari dito?" Tanong ng lalaking staff.
"Ma'am okay lang po ba kayo?" Anang isa pa.
Halos hindi siya makakilos sa kabiglaan. Ramdam niya rin ang kirot ng tagiliran na tumama sa estante.
"Naku Ella, ano bang nangyari. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Christine na noon ay nakalapit na pala. Inalalayan naman siya ni Roselyn nang mapansin nito na hinihilot niya ang masakit na tagiliran.
"O-okay lang ako" nauutal niyang sagot.
"It's my fault, I was busy with my phone kaya hindi ko napansin at nabangga ko siya. Ako na ang bahalang magbayad ng lahat na nabasag dito." Wika ng masungit na lalaki at naglakad na palayo. Hindi na niya alam kung saan ito nagpunta. Ng mga sandaling iyon ay wala siyang ibang maramdaman kundi ang pananakit ng tagiliran at pagkapahiya. Oo nga't hindi naman siya nasungitan ng mga staff ng tindahan, wala ring ibang costumer na nandoon kundi sila lang, pero iba ang pagkapahiyang naramdaman niya kanina. Lalo na nang makita ang pagkunot-noo ni Mr. Sungit at mukhang namukhaan pa yata siya nito. Baka isipin nito na ang tanga-tanga niya lalo't pangalawang beses na niya itong nabangga.
George's POV:
Heto siya ngayon sa isang Pasalubong Center. Hindi niya alam kung papanong napapayag siya ng kaibigang si Delfin na mamili ng ipapasalubong nito sa probinsiya. Nakatakda kasi itong magbakasyon ilang araw mula ngayon. And he doesn't know why the hell sa lugar pang ito siya pinapunta nito. At may ibinigay pa talaga itong listahan ng mga bibilhin. Kaya maya't maya ay napapatingin siya rito upang masiguro na wala siyang makakalimutan.
"Strawberry jam for me..." basa niya sa nakasulat sa listahan. "Are these really for your kin in the province or for yourself Delfin?" Natatawang sabi niya sa isip dahil halos lahat na nasa listahan ay may kadugtong na 'for me'. Mula sa pagbabasa ay nag-angat siya ng tingin at aktong lalakad na nang may biglang bumangga sa kanyang dibdib.
"What the..." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng makita niyang natumba ang babae at tumama sa estante ng mga jar products. Nakita niya rin nang mahulog ang ilang garapon at mabasag. Hindi niya nagawang tulungan ito kaagad dahil nakahawak ang kanang kamay niya sa shopping cart na kanina pa niya hila-hila habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa listahang pinagka-abalahang gawin ng matino niyang kaibigan.
"Are you al---" namukhaan niya ang babae. Ito rin iyong nakasalubong niya sa may elevator noong isang araw. "You again?" Nasabi na lamang niya. Agad namang sumaklolo ang dalawang staff na naroon kaya hindi na niya nagawa pang lumapit sa babae.
"It's my fault, I was busy with my phone kaya hindi ko napansin at nabangga ko siya. Ako na ang bahalang magbayad ng lahat ng nabasag dito." Iyon nalang ang sinabi niya upang mabawasan ang alalahanin ng babae at bilang pagpapagaan na rin ng guilt na nararamdaman niya gawa ng hindi niya ito nasalo upang hindi natumba...he should have done that, as a gentleman. Pagkasabi niyon ay agad siyang tumalikod para hindi na ito maka-ayaw sa sinabi niya. "Is she really that clumsy?" Naitanong niya sa sarili habang papalayo sa mga ito.
Madaling araw pa lang ay gising na sila. Dala marahil ng stress sa nangyari nang nagdaang gabi ay hindi siya gaanong nakatulog. Idagdag pa ang sakit ng tagiliran na nararamdaman niya. Kahit puyat ay nagawa niyang bumangon at maghanda para sa mahaba-haba ring biyahe."May malapit na fast-food dito, dumaan muna tayo nang malamnan ang mga tiyan natin bago tayo magbiyahe. Mahirap magbiyahe na walang laman ang tiyan," anyaya ni Christine. Sa loob ng isang linggo nilang pagsasama-sama nila sa isang hotel room ay ito ang laging nangunguna sa pagpapl
George's POV:"Nacontact niyo na ba?" Tanong ng ama sa kanya."Not yet Dad." Medyo nabubwisit na siya sa kapatid. Magtatatlong araw na itong wala and none of her friends could tell where she is. Wala rin ang bestfriend nitong si Marie. Ayon sa parents nito ay nasa probinsiya raw. "If she's there with her, then why not bother to answer the phone!" Maktol niya."Try to call her again son. I'm so worried for your sister." Utos ng ama. "If you won't find her today, I'll get a private detective to go search for her."Mahal na mahal nito ang kapatid niya. Namatay kasi ang mommy nila sa panganganak dito kaya mula noon ay siniguro ng daddy nila na kahit wala ang mommy ay hindi mararamdaman ng kapatid na kulang sila. Ibinuhos nito ang pagmamahal sa bunso. Siya ng mga panahong iyon ay fifteen years old na kaya nauunawaan na niya ang lahat. Katulad ng ama ay labis rin ang lungkot niya sa pagkawala ng ina. Mahirap lumaki na walang inang gumagabay. Sabihin mang
Estella's POV: Bago pa man makalabas ng pintuan ay natanaw niya ang pagbaba ng isang lalaki mula sa driver's seat ng sasakyan. He's a beautiful man in his middle thirty wearing a blue denim jeans, white t-shirt and a pair of cool white sneakers. He looks so fresh in his faded undercut hair style. His aura seems so powerful. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nakita na niya ang lalaking ito. Tama! Siya 'yung nabangga niya sa may elevator at sa Pasalubong Center three months ago. Pero ano ang ginagawa niya rito? Kinakabahan man ay naglakas loob siyang lumabas upang masagot ang mga tanong niya. George's POV: Sinuyod ng kanyang paningin ang bahay na kinaroroonan umano ng kapatid. Isa itong bungalow type of house. Shade ng blue ang pintura ng wall nito at at mas dark na blue naman ang bubong. Napapalibutan ito ng bakod na kawayan. Sa loob at kaliwang bahagi ng bakuran ay may dalawang puno ng mangga na may nakabitin na duyan. Maraming or
Two weeks later...Bumalik na si Elizabeth sa Maynila kasama ng kuya nito. Si Troy naman ay bumalik na rin sa eskwela. Nangako si George na ibabalik ang kapatid kapag naayos na ang lahat. Ayaw nitong biglain ang ama kaya humingi ng panahon para masabi rito ang tungkol sa kapatid. Nalaman niya na tanging ang daddy na lang ng mga ito ang nabubuhay.Katulad ng dati, laging minomonitor ng ina ang dalawang kapatid. Sa katunayan ay mas naging mahigpit pa ito, lalo na kay Roxanne. Hindi na nito nais na maulit sa huli ang nangyari kay Troy. Mas lalo itong n
Araw ng Linggo...Maaga silang bumangon. Nakaugalian na nilang magsimba bawat Linggo kasama ang buong pamilya. Ngayon, nadagdagan na ang miyembro ng pamilya nila. Sa mga susunod na buwan ay isisilang na rin ni Elizabeth ang unang pamangkin niya. Natutuwa siya sa isiping ito. Masiyado pang maaga para maexcite dahil tatlong buwan pa lang naman ang tiyan nito ngunit hindi niya na mahintay ang pagdating nito."Handa na ba kayo? Tanong niya sa mga kapatid pagkalabas ng silid. Sabay-sabay sila lagi sa pagpunta sa simbahan."Oo ate, kanina ka pa nga namin hinihintay eh," sagot ni Roxanne."O siya tayo na." Wika niya sabay pulot sa sling bag. "Ang inay?" Hinanap ng kanyang paningin ang ina."Nasa labas na, kausap si Aling Teresa." Sagot nito. Ang magkasintahang Troy at Elizabeth naman ay nagpatiuna nang lumabas matapos magpaalam sa kanya."Ganoon ba? O siya, sige tayo na." Lumingon siya sa kusina at may hinahanap ang mga mata niya.Tumikhim s
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nasa ika-walong buwan na ng pagbubuntis ni Elizabeth ngayon. Ipinagpatuloy nito ang pag-aaral sa Maynila at si Troy naman ay ganoon din dito sa probinsiya. Hindi nawalan ng komunikasyon ang mga ito at dalawang beses din sa isang buwan kung lumuwas ang kapatid roon. Hindi naging problema iyon sapagkat hindi nagkulang sa suporta ang pamilya ni Elizabeth. Bagay na ipinagpapasalamat nila. Dahil Christmas break ay naisipan ng mga ito na doon na muna sa Maynila mamalagi hanggang sa makapanganak ito. Ito ang unang pasko na hindi sila magkakasama. Malungkot si Aling Lourdes dahil wala ang bunso nito ngunit nauunawaan naman nito na may obligasyon na ang anak. At isa pa ay excited na rin itong makita ang unang apo. Siya naman ay patuloy sa mga school reports. Ganito kasi ang maging isang guro. Kahit bakasyon ay may mga reports na kailangang isumiti, kahit dis oras na ng gabi ay nakakatanggap siya ng request mula sa school head na madalas ay to
Estella's POV: Pagkatapos nitong patayin ang tawag ay saglit na nablangko ang isip niya. Tinawag siya nitong 'My Estella'?Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngayon. Parang gusto niyang kiligin na parang gustong kabahan. Liban sa insidente sa elevator at Pasalubong Center ay limang buwan pa lang simulang makilala niya ito, iyon 'yung araw na pumanta ito sa kanila para kunin si Elizabeth. Pangalawang beses naman niyang nakita ito noong inihatid nito ang mga gamit ng huli. At sa pagkakataong iyon ay nagtagal ito ng tatlong araw sa kanila kung saan nakakasabay niya ito sa almusal, tanghalian at hapunan ngunit hindi sila kailan man nag-uusap dahil lagi niya itong iniiwasan.
Christmas day...Ipinagdiriwang ng lahat ang kapaskuhan. Maraming bata ang masayang nagbabahay-bahay upang manghingi ng pamasko. May mga kabahayan rin na nag-vivideoke. Sa bahay naman nila ay may iilang mga inaanak, maging ang mga pamangkin sa pinsan ang naroon. Si Nanay Lourdes ay abala sa pakikipag-usap kay Troy sa cellphone. Si Roxanne naman ay nakikipagkwentuhan sa mga pinsang kasing-edad nito. Matapos niyang ipamigay sa mga inaanak ang mga inihandang regalo ay agad namang nagpasalamat ang mga ito sa kanya."Maraming salamat po ninang!" Ang sabi