Share

Love Me Simply
Love Me Simply
Author: Tikali

Chapter 1: Love for family

Sa bahay...

Isinandal niya ang likod sa kawayang upuan at hinilot nang bahagya ang sentido. Hindi niya maiwasang mastress dahil sa sitwasyon niya ngayon. Oo nga’t mayroon siyang trabaho ngunit sa aminin niya’t hindi, medyo hikahos pa rin sila sa buhay. Sapat lang ang sinasahod niya bilang isang public school teacher upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan at pag-aaral ng dalawang kapatid sa kolehiyo.

“O Estella anak, mukhang pagod ka na. Maanong magpahinga ka muna.” Sabi ng Nanay Lourdes niya.

“Sandali na lang ho ito Nay at matatapos na rin ako.” Sagot niya sa ina.

“O siya sige, huwag kang masiyadong magpapagod at baka magkasakit ka.” May himig pag-aalalang saad nito.

Mula sa pagkakaupo inabot niya ang beywang ng ina at niyakap ito nang may pagmamahal. “Huwag po kayong mag-alala sa’kin Inay. Mukhang kayo po ang kailangang magpahinga.”

Batid niyang maghapon itong abala sa mga gawaing bahay. Hindi niya ito matulungan sa ganitong panahon na malapit na ang exam. Kailangan niyang matapos ang paggawa ng test paper dahil sa darating na linggo na ang checking ng mga ito. Istrikta pa naman ang kanilang department head pagdating sa pagsusumiti ng mga reports.

Gumanti ng yakap ang ina, “Estella anak, maraming salamat,” nangingilid ang mga luhang sabi nito. Batid niya ang ibig sabihin ng ina. Buhat kasi ng mamatay ang kanyang ama dahil sa ataki sa puso ay siya na ang naging bread winner ng pamilya. Tatlo lamang silang magkakapatid at siya ang panganay. Sumunod sa kanya si Roxanne na ngayo’y third year college na sa kursong accountancy at bunso naman si Troy na first year college sa kursong Electrical Engineering. Mahigit apat na taon na ring wala ang ama. Napakabuting asawa't ama nito kaya naman labis ang kanilang pagdadalamhati nang mawala ito.

"O siya, sige na anak. Tatapusin ko lang ang niluluto ko at nang makapananghalian na tayo," wika ng ina. Kumalas naman siya sa pagkakayakap dito. Bumalik ang ina sa kusina. Hanga siya sa kanyang nanay. Napakatatag nito. Kahit wala na ang kanilang ama ay nakaya nito ang kalungkutan at pinanatiling masigla ang sarili upang magampanan ang pagiging mabuting ilaw ng tahanan.

Itiniklop niya ang laptop at nagsimulang iligpit ang mga gamit. Tanghali na rin at nang matulungan niya ang ina sa paghahanda ng hapag-kainan. Nasa likod-bahay ang kapatid na si Roxanne na siyang naglalaba ng kanilang maruruming damit sa tuwing weekend. Ang bunsong si Troy naman ang siyang nag-iigib ng tubig sa balon na malapit sa kanila. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit ang pagmamahal nila para sa isa't-isa ay walang katumbas.

Siya si Estella Marie De Jesus, 28 na taong gulang. Isang secondary school teacher na nangangarap na mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya.

Sa paaralan…

Abala siya sa pagwawasto ng mga test paper ng mga estudyante niya ng hapong iyon.

“You seem so busy Ms. De Jesus,” anang pamilyar na boses.

Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang nakangiting si Mrs. Castro, ang kanilang department head sa English Department. “Ah, yes ma’am. I am checking the students' test papers.” magalang niyang sagot dito. “Is there anything I can help you ma’am?” Tanong niya rito.

“Yes, Ms. De Jesus." Nakangiting sagot nito. "There will be a national seminar on campus journalism. Mrs. Delmonte will not be able to attend for she will be on another seminar. So, I decided to send you there instead.” Nakangiting paliwanag nito.

"Oh, that would be a pleasure ma’am." aniya. "When will that be?" Magalang niya pang tanong.

"That will be next week.” Agad namang sagot nito.

"Hala namanthat soon? Tanong niya sa sarili…

Nakita siguro nito ang pag-aalinlangan niya kaya agad itong nagpaliwanag. “You don’t have to worry because it’s a live-in seminar. No need to worry for the expenses, it will be provided by the school. The travel expenses are chargeable to the school fund.” Pagkukumbinse nito sa kanya.

Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag lalo na’t wala si Mrs. Delmonte na siyang adviser ng kanilang school paper. Ewan ba niya bakit paborito siyang ipadala nito sa mga seminar at conferences. Napangiti nalang siya ng maalala ang minsang sinabi nito sa kanya… “I’m grateful to have a teacher like you in this department, Ms. De Jesus. Very responsible, resourceful and above all, ay respectful.”

Sa totoo lang nakakatuwa na naa-appreciate nito ang sipag niya sa trabaho. Kaya naman mas lalo pa niyang pinag-iigihan ang pagtuturo lalo na’t ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang mga estudyante.

"5:00 PM na pala." Hindi niya namalayan ang takbo ng oras dahil sa dami ng trabaho. Iniligpit niya ang mga gamit. Inilagay niya sa expandable envelope ang ibang test papers na hindi niya natapos i-tsek. Dadalhin niya ito sa bahay upang doon na tapusin. Lagi niyang dinadala sa bahay ang mga gawain na hindi niya natatapos dito. Hindi kasi siya nakakatulog ng maayos kapag may naiiwang gawain. Iyon siguro ang dahilan kung bakit magiliw sa kanya ang kanilang department head. Lagi kasi siyang on time tuwing may reports, minsan nga ay advance pa siya kung magsubmit. Tinutukso tuloy siya ng mga co-teachers niya na baka raw hindi siya makapag-asawa sa sobrang seryoso niya sa trabaho. Tinatawanan niya na lang ang mga ito.

Saktong paglabas niya ng paaralan ay nandoon na si Mang Larry. Kapitbahay nila ito na isang tricycle driver. Ito na ang taga-hatid sundo niya simula ng siya'y magturo. Bukod kasi sa kapitbahay ay malayong kamag-anak din nila ito sa father side.

Nasa bayan ang paaralang pinapasukan niya. fifteen minutes din ang biyahe mula sa barangay nila papunta rito. Dalawa lang ang mode of transportation sa kanila, ang tricycle at habal-habal. Maayos at kongkreto naman ang kalsada kaya walang problema sa biyahe. Habang nagbibiyahe pauwi ay hindi naubusan ng kwento si Mang Larry. Katulad ngayon, ikweninto nito ang nangyaring disgrasya kanina. May nagbagaang dyip daw sa may tulay. Maswerteng walang namatay bagama't pawang mga sugatan. Laking pasasalamat niya na sa buong buhay niya, lalo na ngayong araw-araw siyang nagbibiyahe ay walang masamang nangyayari sa sinasakyan niya. Naikwento rin nito na malaki ang kita nito ngayon dahil may mag-asawang negosyante na pumakyaw sa tricycle nito upang ihatid sa kabilang bayan ang mga panindang gulay. Ganito ito lagi, kung ano-ano ang kwentong dala. Natutuwa naman siya sa pakikinig at kahit papaano ay natatanggal ang pagod niya lalo na at madalas itong may baong mga kwentong pampa good vibes.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status