Share

Chapter 44: Saan Ako Pupunta?

Matiyaga niyang hinintay ang asawa. Kasalukuyan siyang nakaupo sa front porch kung saan ay tanaw ang gate. Batid niyang maaga itong uuwi katulad ng nakagawian nito simula nang tumira siya sa mansiyon. Napatayo siya nang marinig ang busina ng sasakyan sa labas ng mataas na gate ngunit agad ding nanlumo nang makita ang pagpasok ng sasakyan ng biyenan. Hindi pa pala ang asawa ang dumating. Bumaba mula rito si Don Manolo at masaya siyang binati.

“Estella, hija.” Nakangiting bungad ng matanda.

Lumapit siya rito upang magmano. “Magandang hapon ho Dad,” magalang niyang bati. 

“Kaawaan ka ng Diyos,” anito. “Hindi na kita tatanungin kung ano ang ginagawa mo rito. Papanhik na rin ako sa taas.” Wika nito.

“Sige ho Dad,” nakangiti niyang sagot sa matanda.

Ilang minuto pa ang itinagal niya roon. Papadilim na ngunit wala pa si George. Medyo napapagod na rin siya sa kakaupo. Napagpasyahan niya na sa kanilang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status