Share

Chapter 22.3

Chapter 22.3

Hindi ko namalayan na may namumuong luha na pala sa mata ko habang nakatanaw sa kanilang dalawa ni Irish at sa Daddy niya.

Bago pa 'yun tumulo ay mabilis ko na 'yung pinahid at humugot nang hangin. Nagtuloy-tuloy naman ang program. Hindi ko namalayan na tapos na palang isayaw ni Tito si Irish kaya ngayon ay ang schoolmates naman namin sa Xavier ang kasayaw niya.

Tinignan ko isa-isa ang mga 18 roses ni Irish at kumabog nang sobrang bilis ang puso ko nang dumako ang mga mata ko sa isang tao. Napahawak ako sa aking dibdib at parang bigla akong nanghina.

Kairo...

Kahit nakatanaw lang sa malayo ay ganito na ang epekto niya sa akin. Hindi pa man siya nakatingin o lumalapit pero parang hihimatayin na 'ko sa sobrang bilis nang tibok ng puso ko. 

Nakatayo siya sa gilid ng mga upuan kung saan naroon ang mga 18 candles ni Irish kaya tuloy ang mga kababaehan imbes na sa harap manood ay na kay Kairo ang atensyon. Mukhang wala lamang ito

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status